CHAPTER 8

53 25 46
                                    

CHAPTER 8

~÷~

Caella's Point of View

     "Sayo ako."

     Natameme at tulalang napatitig ako sa mga mata ni Elaione nang malinaw ko na narinig ang sinabi niya. Puno ng sinseridad at seryoso ang tinig niya. Napaka- lalim ‘din ng tingin na ibinibigay niya sa akin bago ito ngumiti sa akin ng may panunukso.

     "Sayo ako." Anya bago binawi ang tingin sa akin. "Sayo ako boto, kasi bago ikaw, sila muna ang iniisip mo."

     Bumalin ang tingin niya sa mga kaibigan ko na tuwang- tuwa na pinagkakaguluhan ang nakatatandang kapatid ko.

     Ngumiwi ako dahil kamuntikan na naman niya ako mapapaniwala na hindi siya nagbibiro. Talagang napakatuso niya at talagang punong- puno ng kalokohan. Nakagigil, nakaloloko, at nakaiirita talaga ang ugali niya na ga‘non.

     Tumingkayad ako at mabilis na inabot ang basang buhok niya.

     "A– aray, Caella!" Nilambitan ko ‘yon at hinila upang ilublob siya sa tubig.

     "Bagay sayo!" Gigil na pasarin ko.

     "Problema mo? Pinanggigilan mo na naman ako. Hindi pa nga tayo, paborito mo na ako bugbugin."

     "Yuck, kadiri ka. Ang tanda- tanda mo, ganyan ka magsalita sa akin. Mahiya ka nga!"

     "Anong yuck? nakikita mo ba itong mukha na ito?" Nagmamalaki na tinuro niya ang mukha niya. "Hinahabol 'to ng kababaihan. Swerte mo nga, sayo ako dumidikit."

     "Hinihingi ko ‘ba na dumikit ka sa akin? ano ka linta?" Balik sagot ko sa kanya bago siya tinukso. "Nga pala, nasaan ang Ate Kelsey ko sa mga babaeng naghahabol sayo?" I arched my left eyebrow and pouted on Kelsey's direction.

     "‘Yon oh, ang buong atensyon ay nasa mga kaibigan ko."

     Sandaling tumahimik siya habang tinatanaw si Ate Kelsey. He nodded, trying to convince himself of something.

     "Siguro nga, Caella. Wala ang Ate mo sa mga naghabol sa akin, pero ayos lang ‘yon." Buong tapang na tumitig siya sa akin at nagmamalaki na ngumiti.

     "Buong atensyon mo ‘naman, na’sa akin. Hindi ba?" Muli ay pekeng palipad hangin niya na naman.

     Nagsalubong ang aking kilay at hinampas ang tubig sa harapan niya.

    "Ako na naman ang nakita mo!"

    "Ano ba, Caella! Huwag na, tamana." Tinakpan niya ang sarili mula sa mga sumasabog na tubig sa harap niya dahil patuloy ko na hinampas ‘yon.

     "Deserve mo ‘to! Hindi mo kasi siya ipinaglaban!"

    "Isa, tamana nga. Umahon na ‘kaya tayo. Baka lamigin ka‘pa kahit naka- rash guard ka." Kunwari pa ay pag- aalala niya.

    "Actually nga, Ate, palagi ho silang ‘ganyan kung mag- usap."

    "Para silang aso't- pusa na nagbabangayan, maya- maya nagkakatuwaan."

     "Feeling na nga ho ‘namin sila ang magkakatuluyan."

     Kapwa bumalin ang pansin namin ni Elaione sa direksyon ng mga kaibigan ko na  sadyang nagpaparinig na may halong panunukso, napaka-lakas ng kanilang tinig habang nagku- kuwento sa Ate ko. Pati tuloy si Ate Kelsey ay sa amin na nakatingin.

     Nakatingin ito ng masama sa akin. Iniisip siguro niya na labing- anim na taong gulang lang ako, nakikipag- flirting na ako at sa matanda pa sa akin ng apat na taon.

CAELLA'S SMOOTH GOODBYEWhere stories live. Discover now