CHAPTER 6

57 30 51
                                    

CHAPTER 6

~÷~

Elaione's Point of View


     Hindi ako lubos na makapaniwala na talaga pala na napaka- yaman ng pamilya ni Caella.

     Pinagmasdan ko ang napakalaki nilang mansion, sa liit niya na ‘yon ay dito pala siya nakatira. Sa tirahan na may anim na kwarto, intertainment room at may Gym Room sa pangalawang palapag.

     May malawak na living room, may drinking area at billiard area sa unang palapag. Meron ‘din silang kitchen area katabi ng dining area at may head quarters ‘din for their maids. Idagdag pa ang napakalawak nilang pool area.

      Halos kasing laki lang ng tirahan ng pamilya ko.

     Malaki ‘rin ang paradahan nila ng sasakyan kung saan nakahimpil ang apat na sasakyan at isang scooter nila.

     Nakita ko doon ang isang itim na Lamborghini, mixed black & red small three seater car, isang abuhin na family van at ang innova service car na ginagamit sa pagsundo ‘kay Caella. Katunayan ay anim ang sasakyan ng pamilya niya, ayon ‘kay Caella ay meron pa silang kulay chocolate na Chevrolet; na kasalukuyang gamit- gamit ng nakatatandang kapatid niya at isang Mitsubishi Mirage na ang Dad niya ‘naman ang kasalukuyan na may gamit.

     Ang tindi at nakamamangha. Ngayon ko lang ‘din nalaman na anak pala si Caella ng isang C.E.O ng papasikat na Car Company dito sa bansa. Hindi ko ‘yon nalaman agad dahil hindi naman matunog sa university ang tungkol ‘kay Caella.

     Caella is a typical simple teenager and a student. Hindi ito nagsusuot ng mga high- class item, katulad ng prada at hermes bag. Isang converse old shoes lang ang suot niya sa halip na high class sneakers or celine hills. She's a complete humble rich kid. Mas pinili niya makibagay sa mga middle class, katulad ng mga down to earth loyal friends niya.

      The more na nakikilala ko ang personality niya, the more that I admire her.  Humahanga ako dahil kahit napakaliit niya na tao ay napaka-tapang niya at kahit maumbok ang pisngi niya ay napaka- down to earth niya bagamat paminsan- minsan ay nagsusungit siya.

      Nakatutuwa talaga siya at napaka- sarap niya asarin.

     "Hoy, tumutulala ka‘na dyan Elaione." Tawag pansin sa akin ni Caella.

     Hindi ko ‘man lang napansin na ang haba na pala nang pagtitig ko sa kanya.

     "Okay na itong mga flower arrangements. Ang mga balloons lagyan niyo na ng hangin ni Kingston." Abalang- abala na saad niya habang inaayos nila ng mga kaibigan niya ang mini stage for the birthday celebrant.

     Napaka- thoughtful. Naisip niya pa talaga na bigyan ng ganitong pool party birthday surprise ang kaibigan niya na si Elisse.

     #1 on her bucket list.

     Hindi nila binati ang kaibigan nila para isipin ni Elisse na nakalimot na sila sa birthday nito. Nagpanggap sila na abala sa pag- o organize ng 4M U- tube Subscriber Celebration Event ng nakatatandang kapatid ni Caella at sinabi na imbitado sila sa event na dito gaganapin sa tirahan ng pamilya ni Caella.

     Caella's friend, Cattleya will fetch the birthday celebrant once the preparation are all done.

     "Ang ganda talaga ng set up na ‘to. Sigurado na ito ang pinaka- masayang araw para ‘kay Elisse." Masayang saad ni Bethrice habang nilalagyan ng sash at makukulay na bulaklak ang gilid ng greetings walls ng mini stage.

      "Thanks to the bright idea of our fairy godmother, Caella!!" Puno ng tuwa na saad ni Andra habang kinakampay sa hangin ang dalawang kamay.

       "Fairy godmother ka ‘dyan. Bilisan na lang natin ang trabaho, dahil mag- aayos pa tayo ng mga sarili ‘natin after these. Uy Kingston, Elaione, yung mga sound system at mga colorful lightnings mamaya ha."

CAELLA'S SMOOTH GOODBYEWhere stories live. Discover now