PROLOGUE

53 4 0
                                    

ISANG malakas ng pagsabog ang yumanig sa buong Floresco Bridge na siya namang narinig ng mga tao di kalayuan dito. Nagsilabasan ang mga tao kabilang na si Don Christopher at Donya Roseanna. Sa lakas ng pagsabog halos gibain na ang bawat bahay na malapit sa Bridge. Ngunit laking pasasalamat nila dahil walang nasaktan at nasiraan ng bahay.

Agad agad silang nagsitakbuhan pakatapos nilang mapansin na wala nang pagsabok ang naganap, nangunguna ang Pamilya Punzalan dahil sila ang mayari ng lupain. Bago pa man sila makarating sa pinagmulan ng pagsabog ay narinig ni Donya Roseanna ang isang iyak ng sanggol. Sa isang puno sa ilalim nito may namataan siyang isang puting bagay, nilapitan niya ito dahil doon niya naririnig ang pagiyak ng sanggol. Nang makalapit siya ay nagulat siya sa nakita.

Isang sanggol na binalot sa lampin ang nakita niya, iyak ito ng iyak.

Mahabaging Diyos, What are you doing here little angel? Aniya niya bago kunin ang kaawa-awang sanggol. Sumunod ang kaniyang asawa na si Christopher.

Rose what's happening —fvck bakit may sanggol diyan?! Gulat na tanong ni Christopher nang makita ang sanggol na hawak ni Roseanna.

I don't know! I just saw it too! Baka may nagiwan nito dito, marahil ang magulang nito ay iyong nasa pinangyarihan ng pagsabok kanina, marahil iniligtas niya ang kaniyang anak. Pagpapaliwanag ni Roseanna. Parehas silang napaisip, kung sila nga ang magulang marahil napaslang na ito dahil sa pagsabog.

Don Christopher! May namataan kaming kotse di kalayuan at malapit sa Bridge! Iyon siguro ang narinig nating sumabog kanina dahil kitang kita namin na nasusunog ito at parang sumabog. Hindi na kami lumapit kasi baka sumabog muli. Sambit ng isang magsasaka.

Tumango si Don Christopher at binalingan niya ulit ng tingin si Roseanna pati na din ang sanggol na hawak nito, napabugtong-hininga siya.

Don Christopher, kanino ang sanggol na iyan? Tanong ng isang babaeng magsasaka.

Hindi namin alam, nakita lang ni Rose dito sa ilalim ng puno, marahil ang magulang nito ay ang mayari ng sasakyang nakita niyo sa di kalayuan. Aniya.

Anong gagawin niyo sa sanggol, Donya? Kukupkupin niyo po ba ito? Tanong naman ng isang babae.

Tumingin silang lahat kay Roseanna, alam ng buong bayan na wala pang anak si Don Christopher at Donya Roseanna kaya di malayong kupkupin nila ito.

Ito na siguro ang sagot sa aking dasal, di man nanggaling sa'kin ang batang ito, kaya ko siyang mahalin higit pa sa isang tunay na anak. Sambit ni Roseanna habang hawak hawak niya ang sanggol. Kitang kita nila ang saya sa mata ni Roseanna habang nakatitig sa sanggol.

Kung ganon Donya Roseanna, asahan po ninyong magiging maganda ang pakikitungo namin sa kaniya hanggang sa pagtanda. Nakangiting sabi ni Freya.

Ngumiti naman si Roseanna, maganda ang pakikitungo nila sa mga trabahador ng hacienda nila, kaya't di malabong suklian din sila nito ng mabubuting asal.

******************************

Umiiyak si Sheniah habang hawak hawak ang isang bote ng wine. Nasa kusina siya ng kaniyang bahay, ilang buwan na mula nang mangyare ang isang insidente sa pagitan nina Zekeah at Kroger. Si Zekeah ang asawa ni Sheniah at si Kroger ang ex ni Sheniah na hindi matanggap ang pagkakatuluyan nilang dalawa.

Nang ikasal sina Sheniah at si Zekeah ay hindi ito matanggap ni Kroger kaya nais nitong gawing impyerno ang buhay nila. Mahal na mahal ni Kroger si Sheniah ngunit mas mahal ni Sheniah si Zekeah kaya si Zekeah ang pinili niya. Si Kroger ay isang Mafia Boss, isa sa kinakatakutan ng mga tao. Gan'on din naman si Zekeah ngunit di hamak na mas lamang ang yaman at kapangyarihan ni Zekeah kay Kroger.

MAFIA SERIES 1 : KAIREAN AZULANOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz