CHAPTER 8

10 0 0
                                    

JILLIAN P.O.V

Palagi nang dumadalaw yung babaeng Jennifer ang pangalan. Palagi ring pumupunta yung magasawang sa pagkakaalam ko ay totoong magulang ni Sir Kairean. Hindi ko alam kung bakit sobrang sungit niya sakin, naalala ko tuloy yung sinabi sakin ni Sir Jaero. Sakin lang daw siya ganon. So ano? Magpapasalamat ba ako na sobrang gaspang ng ugali niya pagdating sakin? Hay nako, Jillian, ano ba? Bakit mo ba iniisip yung lalaking yon? Baka mamaya nandiyan nanaman siya at sabihin nanamang wala sa trabaho ang isip mo at paginitan ka nanaman. Hay nako. Napailing na lamang ako.

Sina Yhaine at Rheina ay nasa taas, nagpapahinga dahil day off nila ngayon. Ako, eto, nakaassign maglinis ng buong bahay. Nga pala simula nung nawala si Renzo sa Mansion, wala na silang hinire na ibang driver. So sila na ata nagd-drive ng sarili nila. Ewan ko, palagi parin silang nakaaligid saming tatlo, lalo na sakin.

Kaya isang araw pagtapos kong maglinis ng bahay tinawagan ko na muna sina Nanay. Kinamusta ko muna sila at kinuwento ko lahat ng tungkol sa mga amo ko. Na si Sir Jaero ay mabait at si Sir Kairean ay, ewan ko baka anak talaga toh ng demonyo. Tawang tawa naman si Nanay. Medyo mahaba haba ang paguusap namin ni Nanay. Hindi ko naitanong yung tungkol sa lalaking narinig ko sa cellphone nung nakaraan, siguro hindi naman ata lalaki yon, baka si Missy lang. Binalewala ko nalang at naisipang maligo. Pumasok ako sa CR at nagsimulang maligo, nang matapos nako nagbihis ako, ayoko kasi sa labas. Kahit na sariling kwarto ko ito natatakot ako lalo na nung mangyari yung tulad kay Renzo, sobra talaga ang trauma ko.

Lalabas na sana ako ng CR pero hindi ko ito mabuksan, hindi ko naman ito ini-lock. OR BAKA NALOCK KO AT DI KO NAPANSIN??? Nagpapanic nanaman ako, binuhos ko lahat ng lakas ko para masira ang doorknob, nagtingin tingin ako sa paligid baka may pwede akong ipukpok o isungkit ngunit wala akong mahanap. Ano nang gagawin ko? Sisigaw? Maririnig kaya nila ako? Bahala na.

Tulong!!!! Sigaw ko. Hindi ko alam kung rinig ba ako sa labas pero sana nga rinig ako.

Patuloy ako sa pagsigaw pero parang walang nangyayari. Ano nanamang kagagahan itong ginawa ko? Jusko naman. Humanap nalang ako ng paraan para makalabas dito pero may narinig akong malakas na kalabog sa labas. Napatigil ako, ano nanaman kaya yun? May nakarinig kaya sakin? Sana si Sir Jaero di naman kalayuan ang kwarto niya sakin. Sandali pa ay hindi ko na narinig ang kalabog, baka guni guni ko lang yun. Susubukan ko ulit sumigaw.

TULONGGGG!!!! Sigaw ko, sakit na ng lalamunan ko.

Akala ko wala na talagang nakakarinig sakin pero biglang may kung anong tumulak sa pinto kaya napaatras ako. Parang binubuksan ito, may sumigaw mula sa labas pero di ko masyadong narinig dahil mahina ito. Muling kumalabog ang pinto, parang masisira na ito. Umatras ako baka kasi kapag nasira yung pinto sakin naman bumagsak, jusko, pagagalitan nanaman ako ni Sir Kairean neto. Ilang saglit pa ay muling kumalabog ito pero this time bumigay na at nabuksan ang pinto, parang di naman nasira, yung lock lang. Tinignan ko kung sino ang may gawa nito. Di ko inaasahang siya ang tutulong sakin.

S-Sir K-Kairean.... Sambit ko. Para di ako pagalitan nagacting akong umiiyak at di sadyang napayakap sa kaniya. Para mukhang makatotohanan naman, diba? A-Akala k-ko po d-di na ako m-makakalabas.... A-Akala k-ko walang n-nakarinig s-sakin... Pagiinarte ko. Hindi siya kumikilos. Para siyang istatwa. Nagpunas ako ng luha.

Eyyy, Best Actress!

Tumingin ako sa kaniya na seryoso ang tingin sakin. Akala ko effective ang drama ko, di naman pala. Niyakap ko pa siya para makatotohanan, hay nako, pusong bato ata toh e.

J-Just be careful next time. Sambit niya at umalis ng kwarto ko. Sa kwarto ko ka muna matulog, hindi ka pwede dito dahil sira ang mga pintuan. You're not safe. Dagdag niya bago tuluyang umalis.

MAFIA SERIES 1 : KAIREAN AZULANWhere stories live. Discover now