CHAPTER 7

10 0 0
                                    

JILLIAN P.O.V

Katulong ako pero kung makapagbantay yung dalawa parang sila pa mismo ang sinasahuran ko, body guard ang mga person!

Nasa mall kami ngayon, diba nga balak kong bumili ng phone? Nagpunta kami sa bilihan ng cellphone. Nang makapili na ako ay agad ko itong binarayan. May natira pa sa'kin na 2500, 5k kasi yung phone. Dumiretso kami sa bilihan ng damit at nalula ako sa mga presyo dito. Kung sa ukay ukay pa ako namili siguro sandamakmak ang mabibili ko, kaso andito yung dalawang bodyguard ko, este mga boss pala.

Eme mo self!

Nang makakuha na ako ng damit na napili ko ay agad na akong nagbayad sa counter kaya nagaya na akong umuwi sa kanila.

Is that all you need? Seryosong tanong ni Sir Kairean.

Tango lang ang nagsilbing sagot ko. Saglit niya akong tinitigan tsaka nagsimulang maglakad papuntang parking lot, nandun kasi ang kotse niya. Sumakay ako sa likod, bali ako lang tao doon dahil sa tabi ni Sir Kairean si Sir Jaero. Mabilis na pinaandar ni Sir Kairean ang kotse at mabilis na din kaming nakauwi. Paguwi namin ay nakita naming may bisita. May black kasi na kotse sa labas ng Mansion.

Pagpasok namin ay hindi nga kami nagkakamali, merong isang babae na nakakulay yellow na dress at nakaformal attire na lalaki ang naghihintay sa sala. Nang makuha namin ang atensyon nila ay agad inihubad nung babae yung salamin niya. Hmmm, parang nakita ko na siya, di ko lang malaman kung saan.

K-Kairean... Tawag ng babae kay Sir Kairean.

What are you doing here? Walang emosyon ang kaniyang mukha.

Gusto ko sana na maka—

Wala tayong dapat pagusapan, hindi ako naniniwala sayo. Ani Sir Kairean.

Kita mo na?! Loko talaga tong isang toh!

J-Jillian.... Umakyat ka muna sa kwarto mo. Utos ni Sir Jaero. Nakaramdam naman ako kaya agad akong umakyat sa hagdanan papuntang second floor. Nagtungo agad ako sa kwarto ko inayos ang bagong bili kong selpon. Buti nalang naisave ko sa simcard ko yung number ni Nanay. Agad akong tumawag sa kaniya.

Hello? Sino toh? Bungad ni Nanay sa kabilang linya.

H-Hello.... Nay. Sagot ko.

J-Jillian? Anak! Kamusta ka naman?? Bakit ngayon ka lang napatawag? Ani Nanay.

Maayos naman po ako, Nay. Natagalan po kasi ngayon lang po ako nakabili ng bagong cellphone. Paliwanag ko. K-Kamusta po kayo diyan? Si Missy?

Ayun, malungkot dahil nga wala ka. Pero naiintindihan naman niya. Sagot ni Nanay.

Napabungtong-hininga ako.

Next week po magpapadala ako, bukas po kasi sahod ko, Nay. Sabi ko.

S-Sige.... Sabi ni Nanay. Maya-maya narinig kong may nagsasalita sa kabilang linya ngunit hindi ito si Nanay, lalaki eh.

Ahmmm... Nak, sa susunod nalang tayo magusap ha? Sige ingat ka diyan palagi. Sambit ni Nanay sabay baba ng call.

Anong meron? Sino yung kausap ni mama?

Napailing nalang ako. Hindi ko namalayan ang nangyari, pinahinga naman ako nina Sir Jaero ngayon, day off ko ngayon pero ang nakaassign ngayon ay sina Yhaine at Rheina. Kaya nakatulog ako kaagad.

MAFIA SERIES 1 : KAIREAN AZULANWhere stories live. Discover now