CHAPTER 2

19 4 0
                                    

Pumunta ako ng Maynila at doon naghanap ng trabaho, ilang oras ang biyahe mula sa probinsya papuntang maynila. Bus lang ang sinakyan ko. Buti nalang umaga na at maaari na akong nagumpisang maghanap ng trabaho.

Buong araw ako naghahanap ng trabaho at baka sa kalsada ang tulugan ko ngayon dahil wala akong mahanap na trabaho. Puro College Graduate ang mga kinukuha nila. Nakakadismaya naman. Namataan ko ang isang mansion/malaking bahay malapit sa kinakainan ko na karinderya. Tinapos ko ang aking kinakain at mabilis na nagbayad at umalis sa karinderya.

Paglapit ko sa gate na malaki ay may nakita akong nakapaskil na :

WANTED : MAID basa ko.

Tatanggapin kaya ako dito? Bakit di ko subukan? Pipindutin ko sana ang doorbell nang biglang may lumapit na Security Guard sa'kin.

Anong kailangan mo? Sabi nito.

Uhmmm, naghahanap paba sila ng katulong? Labandera? Tanong ko.

Ay oo, magaapply ka ba? Tanong din sa'kin. Tumango ako.

Sige, pasok ka sa loob. May doorbell sa may pinto ng mansion. Nandiyan ang amo ko. Ani niya.

Sige po, salamat. Sabi ko at pumasok sa loob.

Pagpasok ko sa loob ay napamangha ako kasi ang ganda, may garden, may balcony. Wow, sanaol ang ganda ng bahay este mansion.

Nang makalapit ako sa pinto at nagdoorbell ako. Dalawang beses akong nagdoorbell, maya maya't may lalaking nagbukas ng pinto. Ang itsura nito ay malalaman mong ito ang mayari ng mansion.

Matangkad ito at matangos ang ilong. Ang ganda ng lips nito at ang kaniyang katawan ay makisig. Ang kaniyang buhok ay kulay brown. Ang kaniyang mata naman ay tugma sa kaniyang buhok na kulay dark brown at singkit.

G-Goodafternoon po, naghahanap papo ba kayo ng... Maid? Nahihiya kong tanong.

Ngumiti ito. Ah! Yes yes pasok ka, ikaw ata yung itinawag ng Security Guard. Sambit nito.

Eh?

Ahhh... Opo ako nga po. Sabi ko. Akala ko pa naman masungit.

Nasa loob ang amo mo, By the way I'm Jaero Kace Punzalan, brother of your boss. Ani niya at naglahad ng kamay. Tinanggap ko ito.

Ako po si Jillian, Jillian Miles Marciano. Pagpapakilala ko.

Sige, pasok kana. Nakangiti nitong sambit.

Pumasok ako sa mansion at palihim kong pinuri ang loob nito. Sobrang ganda, may nga mamahaling vase. May paintings.

Dito tayo, Ms. Jillian. Ani Sir Jaero. Kung kapatid siya ng boss ko edi boss ko din siya.

Siguro patungo itong sala. Hindi nga ako nagkamali, sala ito dahil maraming mga sofa. Sa mga palabas ko lamang ito nakikita, mga limited edition na sofa. Nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa sofa, nakatalikod na nakaupo.

Bro, nandito na yung sinasabi ng Guard na magaapply ng Maid. Sabi ni Sir Jaero.

Tumayo ito at humarap saamin. Teka parang kilala ko ito? Di hamak na mas matangkad kay Sir Jaero pero mas may itsura ang isang to. Matangos ang ilong, makisig ang kaniyang katawan, ang kaniyang mata ay singkit din, kulay light brown ito. Ang kaniyang buhok ay Black.

G-Goodafternoon po, S-Sir—

You're hired. Aniya. Napatanga ako sa gulat. Hired na daw? Huwhat?????

A-Ano po? Di makapaniwalang tanong ko. Baka kasi nagkamali lang ako ngpagkakarinig.

You can start your job tonight, fix your things. Sabi niya. Eh?

Bro, siya nga pala si Jillian Miles Marciano. Sambit ni Sir Jaero.

I'm Kairean Punzalan, I'm the boss. Aniya. Ang sungit naman neto pala.

S-Sige po, S-Sir Kairean.

Your room is in Second Floor. Sabi niya ulit. Tumango ako.

Tara samahan na kita. Sabi ni Sir Jaero. Buti pa siya ang bait.

Okay po... Sagot ko.

Nang makaakyat na kami ay hinatid ako ni Sir Jaero sa aking magiging kwarto. Malaki naman ito, hindi ko inaasahan. Maganda din. Kung titignan mo parang di ako katulong. Hayst,napailing na lamang ako. Teka ilang katulong ba meron dito?

Sir Jaero, pwedeng magtanong? Sambit ko.

Sure, ano yun?

Ilan po kaming katulong dito? Tanong ko.

Tumawa ito ng bahagya, may nakakatawa ba?

Nagiisa ka lang na katulong dito, well, dati marami kaming katulong ng kuya ko pero nnagsilayasan sila kasi nagnanakaw sila saamin. Bakit mo naman natanong?

Teka ako lang? Napalunok ako.

I-Ilang tao po kayong nandito sa bahay niyo? Tanong ko ulit.

Kaming dalawa lang ni Kuya. Hmmm, minsan may mga babaeng nagpupunta dito, well nakakaone night stand niya. Sagot niya. Nakakaone night stand? Ano yun?

Ahhh.... Salamat po sa pagsagot, Sir Jaero. Okay na po ako dito. Aniko.

Sige maiwan na kita, btw  paglutuan mo nalang kami ni Kuya ngayong gabi, tapos magpahinga kaa baka kasi pagod ka kakahanap ng trabaho. Sambit niya bago lumabas ng kwarto ko.

Ang bait naman nun, huhu.

Inayos ko ang aking gamit at inilagay ito sa mga drawer. Pagkatapos ko naman ito ayusin ay bumaba ako para paglutuan sina Sir Kairean. Magkapatid ba talaga yung dalawang yun? Ang bait kasi ni Sir Jaero tapos siya ang sungit. Para pang mangangain ng tao kung makatitig.

Nang makarating ako ng kusina ay binuksan ko agad ang ref para kumuha ng mga pwedeng lutuin doon, pakatapos ay nagsimula akong magluto. Nang matapos akong magluto ay inihain ko ito sa malaking lamesa di kalayuan sa kusina. Nang matapos ko ding ayusin ang lamesa ay tinawag ko na ang dalawa kong amo, ngunit wala sila sa sala. Nasaan kaya sila? Sa sobrang laki ng mansion siguro bukas ko pa sila mahahanap.

Naroon sila sa Balcony sa labas. Sabi ng kung sino sa likod ko. Nang lingunin ko ito at isang lalaking binata ang nakita ko.

Ahhhh, salamat. Aniko.

Ako nga pala si Renzo, driver ni Sir Jaero at Sir Kairean. Pagpapakilala nito.

Ako si Jillian, katulog haha. Sambit ko.

Sige puntahan mo na sila sa labas. Aniya.

Tumango ako at lumabas ng mansion, namataan ko nga sila sa Balcony. Huminga ako ng malalim bago sila lapitan.

S-Sir Kairean, ready na po ang pagkain. Sabi ko. Nakatalikod ito sa'kin.

Thank you, Jillian. Tara na, Bro. Yaya ni Sir Jaero.

Tumayo si Sir Kairean at nagsimulang maglakad kasama ni Sir Jaero. Sungit.

Nang matapos na silang kumain at sinabihan ako ni Sir Jaero na pagkatapos maghugas ng pinggan ay kumain na din daw ako at magpahinga. Sinunod ko iyon, pakatapos ko kumain ay hinugasan ko naman ang aking pinagkainan. Nang matapos kong maghugasan ito ay napagpasiyahan kong umakyat na sa kwarto ko. Ngunit paglabas ko ng kusina ay namataan kong may kasamang babae si Sir Kairean paakyat ng Second Floor, girlfriend niya ata?

Hinintay ko muna silang makaakyat sa second floor at ilang minuto bago ako umakyat. Pagakyat ko ay nakarinig ako ng nagsasalita o parang umuungol na babae.

Ohh fvck baby, yes fvck me harder, ohhh.... Sambit ng kung sino.

Napakunot ang aking noo. Mga walangyah, bastos! Mabilis akong pumasok sa aking kwarto. Nagmumula ang ingay sa isang kwarto na nakaawang na pintuan.

Grabe talaga mga lalaki ngayon noh? Puro pasarap, pakama kama lang ng babae tapos ano? Sasabihin lasing lang at di sinasadya. Psh! Puro reason! Napailing na lamang ako at humiga sa kama ko. Dahil sa antok ay di ako nahirapang matulog.

***********************************

Don't forget to vote, thank you for reading!!!^^

MAFIA SERIES 1 : KAIREAN AZULANWhere stories live. Discover now