CHAPTER 1

29 4 0
                                    

JILLIAN POV.

Oh!! Bili na kayo karne, bili na bili na!! Ikaw ate bili kana po karne. Bagong katay po ito! Sigaw ko. Ang tumal pa ng benta ng karne ngayon.

Magkano ba yan? Tanong ng babae.

200 ang kilo ate bili kana po, bwenamano kapa. Bola ko.

Ang mahal naman hindi ba pwedeng 180 nalang? Bibili ako dalawang kilo. Sambit ng babae.

Ang kuripot naman nito!!

Hindi po pwede ate siguro 190 po bigay ko nalang sayo. Sabi ko.

Sige na nga! Bigyan mo'ko dalawang kilo. Sabi ng babae. Ngumiti ako.

Sige po! Nakangiti kong sambit at kumuha ng karne ang chinop ito.

Ito ang hanap buhay namin ni Nanay, nagbebenta kami ng Karne sa palengke dahil di ko naman kayang magaral. 19 years old na ako sayang at nakapagtapos sana ako ng college, pero dibale na, may isa naman kaming pagasa sa buhay.

Ito na po ate salamat po! Sambit ko sabay abot ng plastik na may baboy.

Grabe ang tumal ngayong araw, hayst. Napakamot na lamang ako sa aking ulo dahil namomroblema ako dahil kulang pa ang kinikita naming dalawa ni Nanay saa pagtitinda para sa pangbayad ng kuryente.

Hi Ate!! Sigaw ng kung sino sa gilid ko.

Paglingon ko nakita ko ang kapatid kong 9 years old, si Missy, matagal kasi akong nasundan ni Nanay. Ulila na din kami sa tatay, ewan ko sumama siya sa ibang babae, may ibang pamilya na ata ito. Iyon ang sabi ni Nanay.

Oh nandito na pala ang maganda kong kapatid! Nasaan si Nanay? Hindi ba't sinundo ka niya? Sambit ko sabay punas sa apron ng aking kamay at niyakap ang kapatid ko.

Opo ate, nandoon po si Nanay may kausap na lalaki. Hindi ko nga po kilala eh, basta nalang po siyang lumapit kay Nanay. Sambit nito. Napakunot ang aking noo, sino kaya yun?

Dito ka lang ha, bantayan mo itong paninda. Sambit ko at umalis sa pweso namin.

Hinanap ko si Nanay at nakita ko siya sa gilid ng kalsada, may kausap siyang lalaki. Halatang nakikipagtalo pa si Nanay at panay kulit ng lalaki sa kaniya. Medyo presentable ang kaniyang suot, di malayong maiisip kong mayaman ito.

Maxine, pakiusap wag mo nang itago ang anak ko. Ipakita mo na si Jillian sa'kin. Matagal ko na siyang gusto makita, bakit ba ayaw mong ipakita sa'kin. Dinig kong sabi ng lalaki. Anak niya ako? Hindi kaya ito ang tatay ko?

Bakit kapa bumalik?! Magsama kayo ni Madonna!  Sigaw ni Nanay ngunit mahina lamang ito.

Walang namamagitan saamin ni Madonna, ikaw lang ang minahal ko kahit na 19 years mo'kong pinagtabuyan. Ikaw lang ang mahal ko, Maxine. Wag mo namang gawin sa'kin toh, lasing ako nang may mangyare saaming dalawa ni Madonna.  Siya ang nangakit sa'kin. Paliwanag ng lalaki.

Mga lalaki talaga eh noh? Talagang gagawing dahilan yung lasing sila kapag may nagagalaw na babae. Napailing na lamang ako.

Nay? Sino siya? Tanong ko.

Nagulat sila lalo na si Nanay nang makita ako sa likuran niya.

J-Jillian? Anong ginagawa mo dito?! Hindi ka dapat nandito! Umalis kana! Sigaw ni nanay.

Siya ba ang tatay ko? Tanong ko.

Hindi—

Oo ako ang tatay mo, i-ikaw ba talaga si Jillian? Lumapit sa'kin ang lalaki.

MAFIA SERIES 1 : KAIREAN AZULANWhere stories live. Discover now