CHAPTER 9

8 0 0
                                    

JILLIAN P.O.V

Kapag minamalas ka nga naman oh. Palaging buntot ng buntot sakin itong si Sir Kairean tuwing iniiwan ako magisa nina Rheina or Yhaine. Humahanap talaga siya ng paraan. Umabot toh ng isang linggo, lagi niya talaga akong kinukulit. Nagso-sorry siya sakin. Pero ako? Nilalayuan ko siya hangga't nakakapagtimpi pa ako sa kakulitan niya. Si Sir Jaero naman ay palagi akong kinakausap tungkol sa mga hobbies niya, akalain mo yun? Gamer pala siya, nilalaro niya ang isa sa mga sikat na laro ngayon. Call of Duty ata tsaka Mobile Legends. Marami siyang kinukwento sakin tungkol sa kaniya. Nakakatuwa naman kapag kasama siya.

Lagi rin siyang maaga gumigising at kumakatok sa kwarto ko tas sinasamahan niya akong magluto pero di ko siya hinahayaang tulungan ako, nasa kitchen counter lang siya, pinapanood niya akong magluto.

Sarap mo talagang magluto, Jillian! Pa-share naman ng cooking skills mo! Masayang sambit sakin ni Sir Jaero.

Bola pa more, Sir. Alam kong masarap akong magluto, hindi mo na kailangang ulit ulitin. Natatawang sambit ko. Walang araw atang di niya sinasabing masarap akong magluto.

Ganiyan palagi, sinisilbihan ko silang dalawa. Nagiging close kami ni Sir Jaero at si Sir Kairean palaging hinahabol ako at nanghihingi ng sorry, naaawa na ako sa kaniya kaya ngayong araw ay tatanggapin ko na. Para na rin tumahimik siya, baka mapansin ako nung dalawang bruha at ano nanaman ang iisipin nila.

Naglilinis ako ngayon sa living room. Wala sina Yhaine at Rheina, pinag-grocery ko kasi. Habang naglilinis ako may nagdoorbell sa labas. Pumunta ako sa pintuan at binuksan ito. Bumungad sakin ang napakalaking bouquet of flowers. Wait kanino ba toh? Di ko alam na may manliligaw pala yung dalawang yon tsaka ang laki laki naman ng bulaklak na ito.

Excuse me po, para kanino po ito? Tanong ko sa nagdeliver.

Uhmmm, para daw po kay Jillian. Hindi po nagpakilala kung sino nagbigay, ikaw po ba si Ms. Jillian? Tanong niya. Nakatulala lamang ako, Sino naman magbibigay sakin ng ganitong bulaklak?

Sure ka po ba, Kuya? Baka wrong address ka po. Hindi lang naman ako ang Jillian sa mundo. Sambit ko.

Jillian Miles Marciano ang pangalan. Na-confirm ko na sa security guard na dito po ang address kaya di po ako pwedeng magkamali. Paliwanag niya. Totoo nga, binigay niya sakin ang Card na galing sa bulaklak at may nakalagay doon na buong pangalan ko.

Walang ibang sinabi at nakasulat sa Card, suspicious naman. Sino naman kaya itong misteryosong nagbigay sakin neto?

May pinapirmahan pa sakin yung Delivery Boy tsaka umalis. Inilagay ko ang bulaklak sa kwarto ko. Hindi kaya si Sir Jaero? Nabanggit ko kasing mahilig ako sa mga bulaklak. Baka siya nagbigay nito? Nakakakilig naman. Nahuhulog na talaga ang loob ko kay Sir Jaero.

Napabalikwas ako at inayos ang sarili ko nang maalala kong naglilinis nga pala ako sa sala. Kailangan ko yun tapusin bago dumating ang dalawang amo namin. Kaya bumaba ako at binilisan ko maglinis, ilang minuto pa ay biglang dumating sina Yhaine at Rheina at tatlo kaming nagbitbit ng pinamili nila. Tinulungan rin nila akong ilagay sa mga lagayan ang lahat. Sakto naman na natapos kami biglang dumating ang dalawa naming amo.

Nice clean, Girls. Prepare our dinner. Sambit ni Sir Jaero. Mukhang nasa good mood si Sir. Hindi kaya siya nga talaga ang nagbigay sakin ng bulaklak?

May nagbigay sakin ng bulaklak kaninang umaga. Iniwan sa kwarto ko. Ani Yhaine. Nanlaki ang mata naming dalawa ni Rheina.

Sino naman ang nagbigay? Tanong ni Rheina at nakangiti ito ngayon kay Yhaine.

Masaya ako para kay Yhaine na mahahanap na rin niya ang lalaking para sa kaniya.

Hindi ko pwedeng sabihin, secret muna. Ayaw niya pa kasing i-reveal. Sambit ni Yhaine. Kinikilig ito.

Madalas ko siyang napapansing matagal magtrabaho dahil may katext siya. How come na iniwan sa kwarto? Baka iniwan ng guard? Hindi ko alam paano nangyari yon eh kasi tanghali na rin akong magising dahil napuyat ako kakausap kay Nanay.

Ganon ulit ang routine. Pagtapos magluto inihain na namin ang pagkain at tinawag ang mga amo namin. Pagtapos nila kumain ay naghugas na ako ng pinggan. Pinaakyat ko na sina Yhaine at Rheina dahil saglit nalang naman na ako matatapos na ang mga gawain. Nang matapos ko na lahat ng gawain ay aalis na sana ako pero biglang dumating si Sir Kairean.

Here we go again.

Bakit ang sigla mo ngayon? Tanong niya. Napansin niya yon? Sigla ko kasi dahil nga binigyan ako ng bulaklak ni Sir Jaero. Di ko pwedeng sabihin dahil alam kong magagalit siya.

Stay away from my brother nga daw eh.

Wala lang bawal naba akong maging masigla? Gusto mo bang balisa nanaman ako pagnagtatrabaho? Ay! Hindi moko mapuna noh? Sorry ka, nasa good mood ako ngayon. Aniko.

Whatever. Hindi mo parin ba tatanggapin sorry ko? It's been almost 2 weeks, Jillian. Please naman tanggapin mo na. Sambit niya. Hindi ko alam bakit tuwing lumalapit siya at lagi niyang binabanggit pangalan ko ay kumakalabog yung puso mo.

Oo na! Tinatanggap ko na, tumigil kana kakakulit sakin! Sambit ko.

Totoo yan ha? Walang bawian! Nakangiti niyang sambit. Ngumiti ba siya? Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti!

Hindi, joke lang pala di pa tayo bati! Pangaasar ko na kinabusangot niya. Natawa ako dahil sa ginawa niya.

Umakyat kana at magpahinga. Aniya. Parang ibang Sir Kairean ang kaharap ko. Ay for sure ngayon lang yan, bukas masungit na siya ulit.

Sige Sir, Goodnight! Sambit ko at umalis ng kusina.

Umakyat ako at dumiretso sa kwarto ko. Ang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Lagi akong ganito paglumalapit si Sir Kairean. Nung almost niya na akong halikan hindi takot ang nararamdaman ko, nabigla lang siguro ako at naalala ko yung nangyari samin ni Renzo. Pero may kakaiba at di ko mapaliwanag na side ko na, ewan ko di ko talaga maintindihan. Napasubsob na lang ako sa unan ko at tinignan ang bulaklak na nakapatong sa lamesa malapit sa higaan ko. Ngumiti ako. Ang ganda pa ng pagkakaarrange parang letra siya. Hindi ko na iyon pinansin, kinikilig talaga ako dahil alam kong si Sir Jaero nagbigay nito.

Umiling ako habang umiinit ang pisngi ko at naisipan nang matulog. Sarap magtrabaho lalo na't ganito. Ahayy!

Sir Jaero, bakit ganito ako kabilis mahulog sayo?

MAFIA SERIES 1 : KAIREAN AZULANWhere stories live. Discover now