CHAPTER 13

1 0 0
                                    

AUTHOR'S NOTE : Sorry guys if matagal akong magupdate, busy rin kasi sa work>,<

JILLIAN P.O.V

Palihim akong nagpupunta sa kwarto ni Sir Kairean, kada pasok ko sa kwarto niya ay may nangyayari sa amin. Lihim ang relasyon naming dalawa. Hindi ko maipagkakailang tinutupad talaga ni Sir Kairean ang mga pangako niya. Ramdam ko talaga pagka-sincerity niya sa lahat ng mga actions and words niya. Gaya ng sinabi niya, paghihirapan niyang mabuo ang tiwala ko sa kaniya. Ngayong araw ay magisa nanaman ako sa Mansion. Si Yhaine at Rheina kasi hindi ko naabutang umalis. Si Sir Jaero rin daw umalis ng walang pasabi. Si Sir Kairean lang ang napagsilbihan ko kaninang umaga, nakikipaglandian pa nga sakin bago umalis eh.

Naglilinis ako ng second floor ngayon, nagm-mop ako. May narinig akong bulungan kung saan, sa may dulo siguro, which is sa may room ni Yhaine. Nung una mahina ang boses nila pero unti unting lumakas ito nang tuluyan na akong makalapit sa nakaawang pintuan. Kwarto ni Yhaine, sumilip ako at di ito binuksan. Kitang kita kong may kausap si Yhaine na lalaki, ito ata yung boyfriend niyang di mapakilala sa amin. Bakit kaya ayaw niyang ipakilala samin? Tsaka kahit nakatalikod ito, naiisip ko at talagang parang familiar yung lalaki.

S-Sorry, Yhaine. Hindi ko pa kayang magpaka-ama sa anak natin. Sabi nung lalaki.

P-Pero s-sabi mo diba n-na.. n-na papanindigan m-mo ako? Umiiyak na sambit ni Yhaine.

Bilang kaibigan at parang kapatid na rin ang turing ko kay Yhaine, masakit para sa akin na nakikitang nagkakaganito siya. Ayoko siyang nasasaktan at lumuluha lamang dahil sa isang lalaki. Ayoko siyang makitang nagkakaganito. Nanatili akong nakikinig sa usapan nilang dalawa, tsaka na ako eeksena pagnasa lugar na para sumabat ako.

Oo, tanggap ko ang anak natin pero di ko tanggap na magiging ama na ako. Tsaka... Alam mong si Jillian ang gusto ko. Ani lalaki.

Bakit ako? Anong kinalaman ko sa lalaking ito? Hindi ko nga kilala ito tapos sasabihing may gusto siya sakin? Pero tsaka ko lang narealize na kahit boses niya pamilyar sakin.

Alam ko naman yun eh! Pero hindi pwede ito, Jaero. May anak na tayo! Umiiyak na sigaw ni Yhaine.

J-Jaero? T-Teka? Tama ba ako ng pagkakarinig? Si Jaero? Sir Jaero ang boyfriend at ama ng dinadala ni Yhaine?

Alam ko at nararamdaman kong may pagtingin din siya sa akin, Yhaine. Pakiusap nalang, si Jillian ang gusto ko, siya ang pinipili ko. Nung una palang. Ani Sir Jaero.

Nakaramdam ako ng init ng ulo at kumukulo ang dugo ko sa lalaking ito.

Tapos ano? Sasaktan mo rin siya!? Paano kung malaman niya ang totoo? Na may anak na tayo? Masasaktan mo siya, Jaero. Masasaktan si Jillian! At hindi ko hahayaang mangyari iyon, walang ibang ginawang ibang bagay sa akin si Jillian kundi maging mabait. Sasabihin ko pa rin sa kaniya ang totoo! Sigaw ni Yhaine at sabay lakad papuntang pinto ngunit nakita kong pinigilan siya ni Sir Jaero. Hinawakan siya nito sa braso.

Hindi mo ako pwedeng siraan sa taong gusto ko, Yhaine! Tanggapin mo nalang na hindi kita gusto! Isipin mo nalang na hindi ako ang ama ng dinadala mo.  Nakakalokong sambit ni Sir Jaero.

Hindi mo na ako pwedeng kontrolin, Jaero. Hindi mo hahayaang masaktan mo si Jillian. Galit na sigaw ni Yhaine.

Bago pa man ako makagalaw ay biglang bumukas ang pinto at halata sa bakas ng mukha nila na nagulat silang dalawa. Binuksan ni Yhaine ang pintuan at nakasunod sa kaniya si Sir Jaero. Ang nararamdaman ko ngayon ay awa, galit at poot. Away para sa anak ni Yhaine at sa kaniya. Galit at poot sa lalaking minsan ko nang nagustuhan pero may ganitong klaseng ugali pala, basura.

J-Jillian—

Narinig ko na lahat. Putol ko kay Yhaine.

J-Jillian, let me explain. Ani Sir Jaero.

Tumingin ako kay Sir Jaero ng malamig na titig. Hindi lang ito basta malamig, walang emosyon ito, wala akong ibang nararamdaman kundi galit sa kanilang lahat.

Anong ipapaliwanag mo, Sir Jaero? Sige nga, ipaliwanag mo sa akin kung bakit mo nagagawang saktan ang kaibigan ko? Malamig kong sambit. Galit na galit ako pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. Sa lahat ng ayokong ugali, yung ganito.

D-Dahil gusto kita, Jillian. Gusto kita noon pa. Hindi ko narealize ng maaga dahil akala ko mabait lang ako sayo pero.... pero gusto na pala kita. Yung sa amin ni Yhaine, hindi ko sinasadya. Please, Jillian. I'm sorry, Hindi ko intensyong sak

Hindi ko na nasikmura pa ang sinasabi ng lalaking ito kaya sinampal ko na.

Amo kita pero ibang usapan na pagkaibigan ko ang inaabuso at sinasaktan mo. Ang kapal rin naman pala ng mukha mo, Sir Jaero. Paano mo nasasabing gusto mo ako habang nasa harap mo si Yhaine? Anong klaseng lalaki ka? Galit na galit na sabi ko. Tsaka anong sabi mo? Isipin nalang ni Yhaine na walang kayo at hindi mo anak yung dinadala niya? Napakawalang kwenta mo! Galit na galit at pasigaw kong sambit.

Hindi ko kayang maging ama, Jillian. Ikaw ang gust—

Naputol ang sasabihin ni Sir Jaero nang may sumugod sa kaniya at sinuntok siya. Napahiga si Sir Jaero sa sahig at doon ko lamang napagtanto kung sino ang sumugod at sumuntok sa kaniya.

Hayop ka! Wala akong kapatid na manggagamit, iresponsable at ahas! Sigaw ni Sir Kairean sa kaniya. Akmang susuntukin pa niya sana si Sir Jaero pero pinigilan ko na.

Tama na, Sir Kairean. Awat ko sa kaniya.

Hindi! Gago ang isang toh eh, aahasin kapa sa akin! Galit na sigaw ni Sir Kairean.

Hindi ako gago at mas lalong hindi ko inaahas sayo si Jillian! Bakit? Ano kaba niya? Boyfriend kaba? Kung makaasta ka akala mo pagma-may ari mo si Jillian! Sigaw ni Sir Jaero at sumugod ito papunta kay Sir Kairean at susuntukin na sana niya ngunit nakailag ito at siya ang nakatanggap ng suntok mula kay Sir Kairean.

Iniwat ko silang dalawa. Hinila ko palayo si Sir Kairean kay Sir Jaero. Masyado nang magulo, masasaktan lang din naman si Sir Jaero kaya dapat malaman na rin niya ang totoo.

Tumigil kana, Sir Jaero. Itigil mo na tong gulong ginawa mo. Ayusin mo sarili mo at panindigan mo ang buhay at desisyong pinasok mo. Sambit ko.

Iyang si Kairean ang pigilan mo, kung umasta akala mo aking-akin ka niya e. Galit na sambit niya.

Nanatili akong tahimik. Binalingan niya ako ng tingin at matapang ko itong sinalubong.

Oo, Sir Jaero. May relasyon na kami ni Sir Kairean. Mahal ko siya at mahal niya ako. Wala kanang magagawa. Kahit iwanan mo si Yhaine, hindi pa rin ako mapapasayo. At kung papipiliin ako sa inyong dalawa.... Sandali akong tumigil at umatras papunta kay Sir Kairean. Siya parin ang pipiliin ko.

Natigilan ito sa sinabi ko at ngumiti ngunit halata ang lungkot maging ang kaniyang mata at may luhang bumabadya. Nakakaawa mang tignan ngunit hindi kami pwede.

Mas mahal ko si Sir Kairean.

MAFIA SERIES 1 : KAIREAN AZULANDär berättelser lever. Upptäck nu