Chapter 4

59 2 0
                                    

"Ayos na Fukulot! Ang sabi ni Mis Erica ay kakausapan ka niya pagkatapos ng game natin!" Wika ni Sakuragi kay Fukuda nang makabalik na,sila ni Kiyota sa kanilang kinauupuan.

"Hindi naman pala masungit si Mis Erica pre! Ikaw lang talaga itong torpe at mahina ang loob. Pero ngayon ay may pagkakataon ka na para masabi kay Mis Erica ang nararamdaman mo para sa kanya kaya huwag mong sayangin ang ginawa naming pagtulong sa iyo pre!" Wika naman ni Kiyota kay Fukuda. Sa pagkakataong iyon ay napagtanto ni Fukuda na hindi dapat siya maging torpe dahil kung habang-buhay siyang magiging torpe ay tatanda siyang binata.

Ilang sandali pa nga ang lumipas ay nagpatuloy na ang laro. At sa pagsisimula ng 3rd Quarter ay naging mainit kaagad ang sagupaan ng magkabilang kopunan sapagkat palitan lang ng score ang nagaganap. Ngunit sa kalagitnaan ng laro ay nag-init  nanaman sa opensa si Inami samantalang si Rica naman ay walang kahirap-hirap na naaagaw ang bola sa mga kamay ng kanyang dinidipensahan. Sina Erica at ang dalawa pa nilang kakampi ay tumulong na rin sa dipensa kung kaya't nahirapan ang mga manlalaro ng Akita Lady Dragons sa pagpumtos. At natapos ang 3rd Quarter sa score na 78 - 40.

"Naalala ko.tuloy yung nangyari no'ng nakalaban natin ang Akita Dragons! Tambak din ang nangyari sa Akita Team noon!" Wika ni Satoru Sasaoca matapos nitong maalala ang laban nila kontra sa Akita Dragons.

"Rica, Inami, Erica, siguro ay hindi ko na kayo ipapasok sa 4th Quarter para makapagpahinga na kayo. Papalitan kayo nina Mila Sasaoca, Aiya Ishida, at Zahara Iroshi. Pero sina Inazen Harimoto at Diana Hachimura ay hindi ko ilalabas dahil malulupit sila sa 3 Point Territory katulad ninyong tatlo! Wika Coach Mira kina Rica, Inami, at Erica. Sumang-ayon naman ang tatlo sa sinabi ni Coach Mira. At mayamaya ay tumunog na ang Buzzer, hudyat na magsisimula na ang 4th Quarter. At sa pagkakstaong iyon ay nagtungo na sa loob ng Court ang limang manlalaro ng magkabilang kopunan.

"Dave, Sasaoca, Zen, kapatid nyo ba yung tatlong Player na ipinalit ni Mis Mira kina Rica Inami, at Erica?" Tanong ni Sendoh kina Dave, Sasaoca, at Iroshi. Napatango naman ang tatlo sa tanong ni Sendoh.

"Dave, galing din ba si Aiya sa America?" Tanong naman ni Hangata kay Ishida.

"Oo Hangata Idol. Kasabay ko siyang umuwi dito sa Japan!.... Hindi sana iyan uuwi dito kung hindi ko sinabi sa kanya na dito na ako mg-aaral sa Kanagawa University. At nang malaman niya na dito nag-aaral si Jin Idol ay kimulit na niya ako. Sinabi niya sa akin na dito na rin siya mag-aaral." Tugon nan ni Dave kay Hanagata. Mayamaya ay napatingin si Aiya sa lugar kung saan nakaupo si Jin. At doon ay nagkatinginan sina Jin at Aiya.

"Ang gwapo talaga ng crush ko!" Mahinang wika ni Aiya sa kanyang sarili habang nakstingin kay Jin. Ilang sandali pa ang lumipas ay nagpatuloy na ang laro. At sa pagsisimula ng 4th Quarter ay mahigpir na dipensa kaagad ang ipimamalas ng mga manlalaro ng Team ng Kanagswa Rising Star sa mga manlalaro ng Akita Lady Dragons. At sa kalagitnaan ng 4th Quarter ay nag-init sina Mila, Aiya, st Zahara sa opensa kaya naman lalong natambakan ang team ng Akita Lady Dragons.

"Grabe namang dumipensa ang kapatid mo Harikawa! Halos ayaw nang papuntusun ang Center ng Akita Lady Dragons sa ilalim ng Basket! Wika ni Sawakita kay Harikawa nang makita nito.si Inazen na walang kahirap-hirap na sinusupalpal ang mga shot attempts ng Center ng Akita Lady Dragons. At bago matapos ang laro ay bumitaw pa ng isang Buzzer Beater Jump Shot si Diana Hachimura at saktobg sumabay ang pagpasok ng bola sa ring sa pagtunong ng Buzzer kaya naman natapos ang laro sa score na 104 - 60. At sa pagtatapos ng laro ay tuluyan na ngang nagdiwang ang Team ng Kanagawa Rising Star dahil nakuha nila ang kanilang pinakaunang panalo. Mayamaya ay bumaba na ang mga player ng Kanagawa Rising Sun at nagtungo ang mga ito sa loob ng Court para icongratulate ang Team ng Kanagawa Rising Star sa una nitong panalo.

"Congratulations ate Mira!" Wika ni Sakuragi sa kanyang ate Mira. Napangiti naman si Mira sa sinabi ni Sakuragi. At dahil sa sobrang tuwa ay napayakslap naman si Rica kay Dave.

"Ibang klase talaga ang Kanagawa University ngayon! Mapa-Men's Basketball at mapa-Women's Basketball ay malalakas sng player ng unibersidad na ito!" Wika naman ni Coach Mazaki habang nakatingin sa gitna ng Court.

"Suwerte ang Kanagawa University ngayon dahil nakakuha sila ng mga magagaling na Player mulala sa Men's Basketball Team hanggang sa kanilang Women's Basketball Team! At hindi basta-basta ang mga player ns ito!" Wika naman ni Ayako habang isa-isa nitong tinitingnan ang mga player ng Kanagawa Rising Star.....

TO BE CONTINUE.....

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Where stories live. Discover now