Chapter 25

41 3 2
                                    

Ilang sandali pa ang lumipas ay nagpatuloy na ang laro, at nasa panig na ng Hiroshima Lions ang Ball Possession. Habang idinidribble ni Yasuda ang bola ay isang mahigpit na dipnsa kaagad ang sumalubong sa kanya at mula iyon kay Fujima. Sa pagkakataong iyon ay sinubukang tibagin ni Yasuda ang dipensa ñi Fujima ngunit napakahigpt ng dipensa nito kaya naman walanang nagawa si Yasuda kundi ipasa nalamang ang bola kay Michael Okita. Pagkasalo nga ni Okita sa bola ay inataki kaagad nito ang dipensa ni Jin ngunit hindi niya ito magawang lusutan kaya naman napilitan nalang ito na ipasa ang bola kay Iyashi.

Pagkasalo nga ni Iyashi sabola ay binabagan kaagad siya ni Sakuragi kaya naman nag-alangansi Iyashi na dumiretso patungo sa Shaded Areas.

"Wazaru!" Sigaw ni Iyashi kay Wazaru sabay pasa nito ng bola kay Wazaru. Ngunit bago pa maipasa ni Iyashi ang bola ay natapik na ito ng ating henyo.

"Pa - - - - - Paanong nangyari iyon?!!" Gulat na gulat na tanong ni Iyashi sa kanyang sarili. Ang bola ay mabilis na nakuha ni Fujima sabay pasa nito kay Sawakita. Pagkasalo nga ni Sawakita sa bola ay ibinalibag kaagad nito ang bola patungo kay Tobirama. Pagkakuha ngani Tobirama sa bola dumiretso kaagad ito sa ilalim ng Basket sabay tira nito ng isang Easy Slam Dunk kaya naman dagdag puntos nanaman para sa kopunan ng Kanagawa Rising Sun. Ang Score ay 10 - 3. 6 minutes and 37 seconds nalamang ang nalalabing oras sa First Quarter.

"Rising Sun!!!!... Rising Sun!!!!..." Sigawan ng mga taga-suporta ng Kanagawa Rising Sun.

"Nagparamdam na si Tobirama..." Wika ni Coach Domoto habang nakatingin ito kay Tobirama. Nas panig na nga ng Hiroshima Lions ang Ball Possession at mabilis na idinidribble ni Yasuda ang bola patungo sa kanilang Court. Pagkarating nga ni Yasuda sa kanilang Court ay tumira kaagad ito ng tres ngunit sablay ang tira ni Yasuda.

"Oda, ang Rebound!!!!" Sigaw ni Coach Shin kay Oda. Sa pagkakataon ngang iyon ay nagtalunan nga sina Sakuragi, Oda, at Iyashi. Sa bandang huli ay  so Sakuragi ang nanaig sa Rebound. At kahit nasa ere pasi Sakuragi ay ipinasa kaagad nito ang bola kay Jin na sa pagkakataong itlyon ay libreng-libre sa tres

"Naku! Naloko na! Nawala na sa focus ang laro ng Hiroshima Lions!" Wika ni Coach Taoka habang pinanonood ang laban. Pagkasalo nga ni Jin sa bola ay itinira kaagad nito ang bola mula da tres at pasok nanaman ang tirang iyon kaya naman dagdag puntos para sa kopunan ng Kanagawa Rising Sun. Ang Score ay 13 - 3. 5 minutes and 55 seconds nalang ang natitirang oras sa First Quarter. Sa pagpapatuloy pa ng First Quarter ay nagpatuloy ang mainit na opensa at dipensa ng Team Kanagawa Rising Sun samantalang hirap namang makapuntos ang Hiroshima Lions dahil sahigpit ng dipensa bg Kanagawa Rising Sun.

Sahuling tatlong minuto ng First Quarter ay nagkaroo ng mini run ang Hiroshima Lions ngunit kaagad naman iyong napigilan ng mga manlalaro ng Team Kanagawa Rising Sun. At natapos ang First Quarter sa score na 29 - 16.

"At the end of First Quarter, the score is 29 - 16 in favor of Kanagawa Rising Sun!" Wika ng Announcer.....

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum