Chapter 13

42 2 0
                                    

Sa Kanagawa Gymnasium....

Pagkalipas ng isang minuto ay nagpatuloy na ang laro, at nasa panig na ng Toyama Tigers ang Ball Possession. Habang idinidribble ni Kaito ang bola ay isang mahigpit na dipensa ang ipinamalas ni Togashi sa kanya dahilan upang mahirapan si Kaito na itawid ang bola palabas ng Kanagawa Court. At dahil sa nahihirapan si Kaito na itawid ang bola patungo sa kanilang Court ay ipinasa nalang nito ang bola kay Yamada. Pagkasalo ni Yamada sa bola ay  bigla itong nagdribble Crossover, at nagawa naman nitong malusutan si Hachimura. Pagkarating ni Yamada sa kanilang Court ay akmang ititira na nito ang bola mula sa 3 Point Line nang biglang lumitaw sa harapan niya si Sakuragi at sinupalpal ang kanyang tira. Nabigla naman si Yamada sa nangyari. At ang bolang nasupalpal ni Sakuragi ay mabilis namang nakuha ni Zawate sabay tira nito ng Jump Shot ngunit naabot ng kaliwang hintuturo ni Sawakita ang bola kaya naman nawala sa ayos ang tira ni Zawate.

"Ayos Naito iyong iyo na ang bolang iyan!!!" Sigaw ni Kaito kay Naito. Ang bola ay tumalhog lang sa ring. Sa pagkakataong iyon ay tumalon kaagad si Naito upang kunin ang rebound. Ngunit bigla nalang limitaw si Sakuragi sa likuran ni Naito at parang agilang dinagit nito ang bola sa ere sabay pasa nito ng bola kay Rukswa.

"Tandaan ninyo mga mahihinang team na na nanonood ngayon sa labang ito.. Walang makakapigil sa akin sa ulalimdahil ako si Hanamichi Sakuragi ang Hari Ng Rebound!!!!" Sigaw ni Sakuragi nang makababa na ito sa sahig. At doon ay naalala ni Kudo ang pangalang Hanamichi Sakuragi.

"Siya nga iyon! Si Hanamichi Sakuragi, ang #1 High School Basketball Player sa buong mundo!" Kinakabahang wika ni Kudo matapos nitong maalala ang pangalan ni Hanamichi Sakuragi. Kinabahan naman sina Yamada at Zawate sa kanilang narinig samantalang si Coach sazaki naman ay hindi kilala si Sakuragi. Pagkasalo nga ni Rukawa sa bola ay nagdribble kaagad ito patungo sa kanilang Court.

"Rukawa!!!!Rukawa!!!!! Rukawa!!!" Paulit-ulit namang cheer ng mga taga-suporta ni Rukawa.

"Aba! Nandito rin pala abg Cheering Squad ni Rukawa!" Napapangising wika naman ni Mito nang makita nito ang mga taga-suporta ni Rukawa.

"Hay! Naku! Ang iingay naman ng mga babaeng ito!" Saad naman ni Rukawa nang marinig niya ang boses ng kanyang mga taga-suporta. Pagkarating ni Rukawa sa Middle Court ay ipinasa kaagad nito ang bola kay Sakuragi. Pagkasalo nga ni Sakuragi sa bola ay inataki kaagad nito ang dipensa ni Naito sabay Spin Move nito pagkatapos ay isang Fade Away Jump Shot ang pinakawalan ni Sakuragi at hindi iyon inaasahan ni Naito kaya naman puntos muli para sa kopunan ng Kanagaw Rising Sun. Ang score ay 11 - 2. 6 minutes nalang ang nalalabing oras sa 1st Quarter.

"Mukhang humina ka yata kalbong bakulaw magmula nang tumungtong ka ng College?" Pang-aasar ni Sakuragi kay Naito na ikinainis nman nito. Mayamaya ay nagpatuloy na ang laro. At sa pagkakataong iyon ay nahirapan sa pagpuntos ang kopunan ng Toyama Tigers dahil sa mahigpit na dipensang ipinamamalas ng Kanagawa Rising Sun sa kanila. Under 2 minutes ng 1st Quarter nang ibalik na si Tetsumaki Adams sa laro. At sa pagkakataong iyon ay nasa panig ng Kanagawa Rising Sun ang Ball Possession.

"Pipigilan ka namin Sakuragi!!!" Wika nina Adams at Naito kay Sakuragi. Napangisi naman si Sakuragi sa dalawa at walang kahirap-hirap na nilusutan ang dipensa ng mga ito sabay tira nito ng 360 Slam Dunk, at puntos nanaman para sa kopunan ng Kanagawa Rising Sun. Ang score ay 23 - 11.

"Mga mahihinang nilalang!" Napapangising wika ni Sakuragi kina Naito at Adams pagkatapos ay tumakbo na itio patungo sa Court ng Toyama Tigers. At sa nalalabing isang minuyo ng 1st Quarter ay naging palitan lang ng score ang nagaganap.

"Pigilan ninyo si Sakuragi!!!!!" Sigaw ni Coach Sazaki sa kanyang mga manlalaro. At sa pagkakataong iyon ay hinarangan kaagad nina Adams, Yamada, at Zawate si Henyo mula sa Half Court. Ngunit inihagis lang ni Sskuragi ang bola patungo sa ring. Sa pagkakataong iyon ay 5 seconds nalang ang nalalabing oras sa 1st Quarter.

"Anong klaseng tira iyan ha gunggong!?" Pang-iinsultong tanong ni Adams kay Sakuragi.

"Tirang bahala na!" Napapangising wika naman ni Yamda  kay Adams.

"Hindi papasok iyan dahil tirang bara-bara iyan!" Sabat naman ni Zawate sa usapan. Nagtawanan naman sina Adams at Yamada sa sinabi ni Zawate. Ngunit mayamaya ay bigla silang silang natigilan sa pagtawa nang makita nilang pumasok.ang Half Court Shot ni Sakuragi. At sabay na sabay pa iyon sa pagtunog Buzzer. At tuluyan na ngang natapos ang 1st Quarter sa score na 29 - 15 in favor of Kanagswa Rising Sun.

"Kahit lima pa kayong bumantay sa akin ay dudurugin ko.lang kayong lahat! At huwag nyo nang  hintaying mangyari iyon dahil mapapahiya lang kayo sa Henyi! At hindi ko kayo sasantohin kahit may lahi pa kayong Amerikano dahil nilampaso ko na ang mga katulad ninyo mga talunan!!!!" Wika ni Sakuragi kina Adams, Yamada, at Zawate habang dinuduro jiya ang mga ito. Samut-saring insulto naman ang natanggap ni Sakuragi mula sa mga taga-suporta ng Toyama Tigers.

"Mukha mo!!!!!"

"Yabang mo!!!!!"

"Gunggong!!!!"

"Boooooo!!!!!!!" Naiinis nazsigawan ng mga taga-hanga ng Toyama Tigers kay Sakuragi.

"Hoy kayong mga ungas na tagahanga ng Toyana Tigers!!! Bumba kayo rito at magbardagulan tayo!!!" Paghahamong tugon naman ni Sakuragi sa mga taga-suporta ng Toyama Tigers sabay tingin jito nang masama sa mga ito. Napayuko naman ang mga taga-suporta ng Toyama Tigers dahil.sa sobrang takot kay Sakuragi. At dahil batid jinMira na wala pa rin sa sarili si Sskuragi dahil sa mga salitang sinahi ni Coach Zasaki ay nagpasiya na itong lapitan si Henyo para pakalmahin.

"Naloko na! Pati mga Fans ng Toyama Tigers ay tiklop-tuhod na rin dahil sa takot kay Sakuragi!" Wika ni Luis Hachimura habang nakatingin ito kay Sakuragi.

"Tama na iyan Sakuragi! Tapos na ang 1st Quarter at nagawa mo na ang dapat mong gawin kaya huminahon ka na riyan! At huwag mo na ring patulan ang mga taga-hanga ng kahilang kopunan dahil hindi naman lalaban ang mga iyan sa iyo!" Mahinahong wika ni Mira kay Sakuragi. At doon ay unti-unting kumlma na si Sakuragi.

"Halika na at pumubta na tayo sa Bench at nang makaagpahinga ka na!" Pag-aaya ni Mira kay Sakuragi sabay akbay nito sa binata. Sinunod naman ni Henyo abg sinabi ng kanyang ate Mira.

Ilang sandali pa ang lumipas ay nagtungo na ang mga manlalaro ng magkabilang kopunan sa kani-kanilang Bench Area upang magpahinga. Sa pagkakataong Iyon ay hindi pa rin makapaniwala ang mga manlalaro ng Toyama Tigers sa ipinamalas ni Sakuragi. Mayamaya ay lumapit si Diana kay Jay-Ar at inabutan niya ito ng panyo.

"Ayos kuya! Ang galing mo talaga pagdating sa 3 Point Shot!" Wika ni Diana kay Jay-Ar. Napangiti naman si Hachimura sa sinabi ng kanyang kapatid habang pimnupunasan nito ng panyo ang kanyang mukha. Mayamaya ay napansin ni Togashi na masama ang tingin sa kanya ng kanyang kapatid. Siya si Arra Togashi, 24 years old, isang Teacher o Instructor sa Kanagawa University. Ilang sandali pa ang lumipas ay sinenyasan ni Mira si Arra na lumapit sa kanya at sinunod naman iyon ng dalaga. Nang makalapit na si Arra kay Mira ay bigla nitilong binatukan si Akuma pagkatapos ay nagwika ito ng;

"Pasaway ka talaga Akuma! Ginamit mo nanaman ang technique na iyon!! Hindi ba't sinahihan na kita na huwag mo nang gamitin ang Dribble Dance Technique dahil mabilis makaubos ng stamina ang Technique na iyon!!" Naiinis na wika ni Arra kay Akuma matapos niya itong batukan.

"Pasensiya na po ate Arra! Sinulit ko ang yung First Quarter dahil iyon lang ang pagkakatson na maglalaro ako sa labang ito!" Nakangising tugon naman ni Akuma kay Arra.

"Tama lang pala ang desisyon ko na isang Quarter ka lang maglalaro dahil may pagkapasaway ka din pala kung minsan Togashi." Sabat naman ni Coach Osaka sa usapan. Napangisi naman si Togashi sa sinabi ni Coach Osaka.

"Kenzo pards, ikaw na ang bahala sa 2nd Quarter! Alam kong kaya mong ilampaso si Adams!" Wika ni Akuma kay Kenzo. Napangiti naman si Kenzo.sa sinabi ni Akuma

"Dave, Ikaw na ang bahala sa 2nd Quarter! Huwag mong hayaan makapuntos si Naito sa ilalim!" Wika naman ni Coach Osaka kay Ishida. Sumabg-ayon naman si Dave sa sinabi ni Coach Osaka

"Ngayong ako na ang papalit kay Sakuragi ay sisiguraduhin ko.na maliligo ng supalpal sin Tetsuya Naito! Wika ni Dave sa kanyang isipan habang nakatingin kay Naito.....

TO BE CONTINUE....

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Where stories live. Discover now