Chapter 14

42 3 0
                                    

Pagkalipas ng sampung minuto ay nagtungo na ang limang manlalaro ng magkabilang kopunan sa loob ng Court upang ipagpatuloy ang laro.

"Aba! Iba na ang Center ng Kanagawa Rising Sun! Mukhang mahinang nilalang??" Napapangising saad ni Naito sa kanyang isipam habang naglalakad ito patungo sa loob ng Court at nakatingin kay Dsve. Wala namang kaalam-alam ang lahat na may dinaramdam si Dave sa katawan. At sa pagsisimula ng 2nd Quarter ay mapupunta nga sa panig ng Toyama Tigers ang Ball Possession. Habang idinidribble ni Adams ang bola ay nakatingin ito kay Kenzo.

"Mukhang mahinang nilalang ang player na ito?" Wika ni Adams sa kanyang isipan pagkatapos ay inataki nito ang dipensa ni Kenzo.

"Iyan lang ba ang kaya mo, ang gulatin ako sa pamamagitan ng pag-ataki mo sa dipensa ko? Huh!!! Mahinang diskarte iyan!" Napapangisibg wika ni Kenzo pagkatapos ay walang kahirap-hirap nitong naagsw ang bola sa mga kamay ni Adams. Ikinagulat naman ng mga manlalaro ng Toyama Tigers ang ginawang iyon ni Kenzo. Pagkakuha nga ni Kenzo sa bola ay tumakbo kaagad ito nang napakabilis pabalik sa kanilang Court sabay tira nito ng Reverse Slam Dunk, at puntos para sa kopunan ng ating mga bida. Ang score ay 31 - 15. 9 minutes and 45 seconds nalang ang nalalabing oras sa 2nf Quarter.

"Alam kong minamaliit mo ako dahil bagong pasok palang ako sa laro pero nagkakamali ka dahil hindi ako katulad ng inaakala mo!!!" Maangas na wika ni Kenzo kay Adams.

"Nakatsamba ka langvkaya mo ako naagawan ungas!!" Maangas ding tugon ni Adams kay Kenzo.

"Tsamba nga ba talaga iyon?.. Hmmm..... Tingnan natin kung tama ang sinasabi mo?" Muling wika ni Kenzo kay Adams paglatapos ay lumayo na ito kay Adams. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay nagpatuloy na ang laro. Nasa panig nang muli ng Toyama Tigers ang Ball Possession, at dahan-dahang ibinababa ni Adams ang bola patungo sa kanilang Court. Pagkalagpas ni Adams sa Hall Court ay ipinasa kaagad nito ang bola kay Yamda. Pagkasalo nga ni Yamada sa bola ay sinuhukan nitong lusutan ang dipensa ni Hachimura ngunit sa kasamaang palad ay nabitawan nito ang hola. Mabuti nalang at mabilis iyong nakuha ni Zawate pagkatapos ay isang Floater Shot ang ginawa nito sa harap ni Sawakita ngunit sablay iyon. At ang bola ay tumalbog lang sa ring. Sa pagkakataong iyon ay sabay na tumalon sina Dave at Naito para kunin ang Rebound. Ngunit dahil sa masmatangkad si Dave kay Naito ay si Dave ang nakakuha sa Rebound sabay pasa nito kay Sawakita. Pagkasalo nga ni Sawakuta sa bola ay  mabilis itong nagdribble patungo sa kanilang Court.

"Rukawa!!!" Sigaw ni Sawakita kay Rukawa sabay pasa nito ng bola. Pagkasalo nga ni Rukawa sa bola ay tumira kaagad ito mula sa tres ngunit naabot ng kanang hintuturo ni Kudo ang bola kaya naman nawala sa ayos ang tira ni Rukawa. At ang bola ay tumalbog lang sa ring. Sa pagkakataobg iyon ay susubukan pa sanang tumalon ni Dave para kunin ang Rebound ngunit biglang sumama ang pakiramdam nito at biglang nakaramdam ng panginginig at panlalamig ng katawan. Mabuti malang at mabilis na nakatakbo si Kenzo at dinukot nito ang hola sa ere sabay tira nito ng Slam Dunk at puntos para sa Kanagawa Rising Sun. Ang Score ay 33 - 15. 8 minutes and 30 seconds nalang ang nalalabing oras sa 2nd Quarter. Mayamaya ay biglang napaupo si Dave sa sahig at ikinagulat iyon ng mga manonood pati na ng kanyang mga kakampi hanggang sa tuluyan na ngang napahiga si Dave sa sahig at mawalan ng malay dahil sa sama ng kanyang pakiramdam. Sa pagkakataong iyon ay nag-alala sina Sawakita, Rukawa, Kenzo, at Hachimura kay Dave kung kaya't niilapitan nila ito. At nang hawakan ni Kenzo ang noo ni Dave ay nakumpirma nito na mataas ang lagnat si Dave.

"Ref, inaapoy ng lagnat si Dave!" Wika ni Kenzo sa referee. Sa pagkakataong iyon ay pansamantalang itinigil ng referee ang laro at mabilis namang lumapit ang Medical Team kay Dave pagkatapos ay inihiga na nila ito sa Stretcher at dinala sa clinic.

"Paanong nangyaring nagkaroon ng lagnat si Dave eh ang lakas pa niya kahapo!!?" Nagtatakang tanong ni Rica sa kapatid ni Dave na si Aiya.

"Ate Rica, huwag ka pong mabibigla sa sasahijin ko ha?..." Panimulang saad naman ni Aiya kay Rica.

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Where stories live. Discover now