Chapter 22

76 4 4
                                    

Ilang sandali pa ang lumipas ay nagtungo na sina Sakurgi sa Canteen. At doon ay nadatnan nilang kumakain ang kanilang mga kasma sa Team. Habang kumakain ang lahat ay nakatanggap ng Chat si Mira mula kay Coach Osaka na nagsasabing hindi siya makakapunta sa laban ng Kanagawa Rising Sun at Hiroshima Lions sa kadahilanang mayroon itong lagnat. Sinabi pa ni Coach Osaka na sila na sina Mira at Fujima na muna ang bahala sa pagkocoach sa tean. At ang chat na natanggap ni Mira ay natanggap din ni Fujima.

"Hay! Naku! Uso yata ang lagnat ngayon!? Pati si Coach Osaka ay dinapuan din ng lagnat!" Wika ni Fujima kina Sendoh at Sawakita.

"Ang ibig-sabihin ay hindi makakapunta si Coach Osaka sa laro natin mamaya?" Tanong naman ni Sendoh kay Fujima. Napatango nalang si Fujima bilang tugon sa tanong ni Sendoh. Mayamaya ay lumapit si Mira kay Fujima at umupo ito sa upuan na malapit sa kinauupuan ni Fujima.

"Fujima mahal, natanggap mo na ba yung chat ni Coach Osaka?" Tanong ni Mira kay Fujima.

"Oo mahal ko! At tayo daw muna ang bahalang magcoach sa team!" Tugon naman ni Fujima kay Mira.

"Gano'n din ang chat na natanggap ko!" Saad naman ni Mira kay Fujima. At doon ay pinagplanuhang maigi nina Fujima at Mira ang mga taktikang gagamitin nila sa pagkocoach sa team.

Hindi ko akalain na darating ang araw na msusubukan ang pagiging isang Playing Coach ko at sa huling laro ng Kanagawa Rising Sun pa ito mangyayari!" Kinakabhang wika ni Fujima kay Mira.

"Huwag kang mag-alala Fujima dahil kasama mo ako sa pagkocoach sa team at maipapanalo natin ang labang ito kaya huwag ka nang kabahan diyan!" Tugon naman ni Mira kay Fujima. Napangiti naman ang binta sa sinabi ng dalaga. Pagsapit ng 12:00 ng tanghali ay nagtungo na ang mga player ng Kangawa Rising Sun sa Kangawa University Basketball Gym upang mag-ensayo nang kaunting oras. Habang nagpaparactice ang lahat ay dumating si Tobirama at ikinagulat iyon nina Zen, Dave, Togashi, Hachimura, at Harikawa.

"Long time no see pre!" Wika ni Kiyota kay Tobirama.

"Matagal din tayong hindi nagkita Kiyota!" Tugon naman ni Tobirama kay Kiyota.

"Tobirama, dito ka na rin ba mag-aaral?" Tanong naman ni Maki kay Tobirama.

"Oo Maki. Nagdesisyon ako na dito mag-aral dahil nabalitaan ko na nandito raw sa team sina Sawakita, Rukawa, at Sakuragi at hindi ako papayag na hindi mapabilang sa pinakamalkas na team sa College Basketball!" Tugon naman nito kay Maki.

"Ayos lang sa akin kung isang game nalang ang naabutan ko sa College Basketball dahil alam ko na marami pang Tournament na sasalihan ang team, at doon ako babawi!" Dugtong pa ni Tobirama sa kanyng sinabi. Myamya ay sumali na si Tobirama sa pag-eensayo ng mga player. Doon ay nakita ng lahat na malaki na ang inimprove ni Tobirama sa paglalaro.

Sa Kanagawa Gymnasium.....

Pagsapit ng 1:00 ng hapon ay nagsimula na ang 3rd game sa pgitan ng Akita Dragons at Tokyo Brave Warriors. At sa buong panhon ng laro ay naging dikitan ang laban. Umabot pa sa Overtime ang laro ngunit sa bandang huli ay nakuha ng Akita Dragons ang panalo sa score na 94 - 91 kaya naman sila ang ika - 3 sa Standing sapagkat sila ay may kartadang 6 - 1 Win/Lost Record samantalang ika - 4 naman sa standing abg Tolkyo Brave Warriors sapagkat sila ay may kartadang 5 - 2 Win/Lost Record. At ang nananatiling Undefeated sa pagkakataong ito ay ang kopunan ng Kanagawa Rising Sun at ang Hiroshima Lions na kapwa may kartadang 6 - 0 Win/Lost Record.

"Sa wakas! Ilang sandali nalang ang hinihintay at magaganap na ang huling laro ng College Basketball! Sino kaya ang mananalo sa dalawang kopunan? Ang Hiroshima Lions kaya? O ang Kanagawa Rising Sun?" Wika ng isang manonood.

"Malalaman natin iyan kapag nagharsp na ang dalawang kopunan... Pero sa labang ito, sigurado akong mahihirapan ang team ng Hiroshima Lions dahil may bagong manlalaro ang Kanagawa Rising Sun, at kaieng-lakas iyon ni Sakuragi!" Saad naman ng isang Writer ng isang Sports Magazine. Dahil sa sinabi ng Writer na iyon ay naging sentro ng usapan ng mga manonood si Kenjiro Tobirama. Dali-dali namang tinawagan ni Mito si Hanamichi upang ibalita ang nagaganap sa Gymnasium.

"Naku! Tobirama! Sikat ka na! Pinag-uusapan ka na ng mga manonood!" Wika ni Sakuragi kay Tobirama matapos nitong  kausapin si Mito sa Cellphone.

"Hay! Naku! Kagagawan nanaman iyan ni Kira! Sinabi ko na kaseng huwag muna niyang ipapamalita sa madlang people ang pagdating ko pero hindi pa rin siya napigilan! At ipinagyabang pa talwga niya na dumating na ang nobyo niya!!" Naiinis na wika ni Tobirama.

"Pagpasensiyahan mo na si Kira dahil namiss ka lang no'n! At masaya lang siya dahil nandito ka na Tobirama!" Wika naman ni Inami kay Tohirama.

"Iyon nga eh! Kahit anong gawin kong pag-iwas at kahit na naiinis ako sa kanya ay hindi ko pa rin siya magawang saktan!" Tugon naman ni Tobirama kay Inami. Pagsapit ng 3:30 ng hapon ay nagtungo na ang buong team ng Kanagawa Rising Sun sa Gymnasium. At pagpasok palang nila sa loob ng Gymnasium ay naghiyawan at nagsigawan na ang kanilang mga taga-suporta.

"Coach  ipaubaya nyo na po sa akin si Fujima! Ako na po ang magbabantay sa kanya!" Wika ni Yasuda kay Coach Raijun Shin.

"Sige Yasuda, gawin mo ang nais mo!" Tugon naman ni Coach Shin kay Yasuda.

"Michael Okita, humanda ka sa akin dahil hindi kita pagbibigyan! Hindi ako magtitipid ng lakas ko! Papaulanan ko ng tres ang team nyo at walang makakapigil sa akin!!" Wika ni Jin sa kanyang isipan habang nakaupo sa kanilang Bench at nakatingin kay Michael Okita.

"Sakuragi, ipaubaya mo na sa Akin si Oda dahil gusto ko siyang dikdikin sa labang ito!!" Wika ni Tobirama kay Sakuragi.

"Sige, ikaw ang bahala Tobirama! Alam ko naman na di uubra si Oda sa iyo!" Tugon naman ni Sakuragi kay Tohirama. Sa pagkakataong iyon ay matalim ang tingin ni Tobirama kay Oda na ikinainis naman ni Oda.


TO BE CONTINUE.....

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Where stories live. Discover now