Chapter 26

43 4 0
                                    

Sa pagkakataong iyon ay nagtungo na ang mga manlalaro ng magkabilang kopunan sa kani-kanilang Bench Area upang magpahinga. Sinalubong naman nina Haruko at Rica ang mga manlalaro at binigyan ng piece towel at Mineral Water.

"Nice game team! Angganda ng ipinapakita ninyo sa laban! Ituluy-tuloy nyo lang iyan hanggang sa matapos ang labang ito!... Ibigay nyo na ang lahat sa laban para makuha natin ang kampyonato!" Wika ni Mira sa lima.

"Yes Coach!" Tugon naman ng mga manlalaro kay Mira.

"Fujima, Jin, ipapahinga ko muna kayo sa laro!.. Sina Maki at Harikawa na muna ang bahala sa Second Quarter!.." Wika ni Mira kina Fujima at Jin. Sumang-ayon naman ang dalawa sa sinabi ni Mira.

"Sawakita Sakuragi, Tobirama, kayong tatlo ang inaasahan ko samas mahigpit na dipensa. Ipaubaya nyo na kina Maki at Harikawa ang opensa!.." Wika naman ni Mira kina Sawakita, Sakuragi, at Tobirama. Sumang-ayon naman ang tatlo sa sinabi ni Mira. Nang mga sandaling iyon ay kinakabahan na ang mga manlalaro ng Team Hiroshima Lions at di nila alam kung paano nila mapipigilan ang maulinit na opensa at dipensa ng Kanagawa Rising Sun.

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon oh! Magkakaharap ulit kami ni Iyashi!.." Wika ni Harikawa habang nakatingin ito sa kinaroroonan ni Iyashi. Ipinagtaka naman ni Sakuragi ang sinabi ni Harikawa. Pagkalipas ng sampung minuto ay tumunog na ang Buzzer, hudyat na magsisimula na ang Second Quarter. Mayamaya ay nangagsitungo na ang mga manlalaro ng magkabilang kopunan sa loob ng Court upang ipagpatuloy ang laban. At sa pagkakataong iyon ay nabuhayan ng loobsi Coach Shin sa pag-aakalang makakaya ni Michael Okita si Harikawa.

Sa pagsisimula ng Second Quarter ay mapupunta nga panig ng Hiroshima Lions ang Ball Possession, at marahang idinidribble ni Yasuda ang bola patungo sa kanilang Court. Sa pagkakataong iyon ay halos mahirapan si Yasuda na itawid ang bola dahil sa napakahigpt na dipensang ipinamamalas ni Maki sa kanya. Ilangsandali pa ang lumipas ay ipinas na ni Yasuda ang bola kay Okita. Tagumpay namang nasalo ni Okita ang bola. Pagkakuha nga ni Okita sa bola ay tulinirahan kaagad nito ng tres si Harikawa. Sinabayan naman ni Harikawa si Okie sa ere, at nagawa nitong mailang si Okita kaya naman tumalbog lang sa ring ang tira nito. Mabilis namang ibinax-out ni Oda si Tobirama at tagumpay man si Oda sa pagbox out kay Tobirama. Mayamaya ay tatalon na sana si Oda para kunin ang Rebound. Ngunit biglang sumulpot si Sakuragi sa kanyang harapan sabay talon nito at dinukot ang bola sa ere pagkatapos ay ipinas ni Sakuragi ang bola kay Maki. Pagkasalo nga ni Maki sa bola ay dumiretso kaagad ito sa 3 Point Area sabay pukol nito ng tres. Sinabayan naman siya ni Yasuda sa ere at nqgawa nitong maabot ang tira ni Maki kaya naman abg bola ay tumalbog ng dalawang beses sa ring pagkatapos ay pumasok ang bola sa ring kaya naman dagdag puntos para sa kopunan ng Kanagawa Rising Sun. Ang Score ay 32 -15. 9 minutes and 15 seconds nalang ang natitirang oras sa Second Quarter.

"Nakakabagot naman kayong kalaban!" Pang-aasar na wika ni Sakuragi sa mga player ng Hiroshima Lions na ikinapikon ng mga ito. At sa pagpapatuloy pa ng laro ay nagkaroon ng mini run ang Hiroshima Lions kaya namannaibaba nila sa sampu ang kalamangan ng Kanagawa Rising Sun sa score na 69 - 59. Nabuhayan naman ng loobang mga taga-suporta ng Hiroshima Lions kaya naman napasigaw sa tuwa ang mga ito. Lumipas pa ang ilang minuto, at pagtungtong ng 4 minute mark ng laro ay naibaba ng Hiroshima Lions sa lima ang kalamangan ng Kanagawa Rising Sun sa score na 75 - 70 kays naman lalong nag-ingay ang mga taga-hanga ng Hiroshima Lions. Unti-unti na ring inaangasan ng mga manlalaro ng Hiroshima Lions ang mga manlalaro ng Kanagawa Rising Sun ngunit natatawa lqmang sina Sakuragi sa ginagawa ng mga manlalaro ng Team Hiroshima Lions.

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Where stories live. Discover now