Chapter 21

59 5 2
                                    

Lumipas na nga ang  limang araw at gumaling na nang lubusan ang mga player ng Kanagawa Rising Sun pati na sng ibang players ng iba't-ibang team. Sina Sakuragi, Mira, at Rica  naman ay maagang nagtungo sa University. Dahil maaga pa at walsa pang gaanong estudyante sa Campus ay tumambay muna sila sa Guard House na malapit sa loob mg gate mg University.

"Ano kaya kung papasok ngayon si Haruko My Love?" Tanong ni Sakuragi sa kanyang isipan habang pabaling-baling ang tingin nito sa labas ng gate at sa paligid ng Campus. Pinagmamasdan naman siya nina Mira at Rica.

"Huwag kang mag-alala Sakuragi dahil papasok si Haruko ngayon!.. Nakachat ko siya kagabi at sinabi niya sa akin na makakapasok na siya ngayon!" Wika ni Rica nang mapansin nito na pabaling-baling ang tingin ni Sakuragi sa labas ng gate at sa paligid ng Campus. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay dumating na si Haruko, at dali-dali itong nagtungo sa Guard House nang makita niya sina Sakuragi, Mira, at Rica.

"Magandang umaga sa nyo Sakuragi, ate Mira, ate Rica!" Bati ni Haruko sa tatlo.

"Magandang umaga din sa iyo Haruko!" Tugon naman ni Mira kay Haruko.

"Kumusta na ang pakiramdam mo Haruko?" Tanong naman ni Rica kay Haruko.

"Ahmmmm... Okay na po ako ate Rica!" Tugon naman ni Haruko kay Rica. Mayamaya ay lumapit si Haruko kay Hanamichi, at mula sa likuran ng binata ay niyakap niya ito nang napakahigpit. Damang-dama naman ni Sakuragi ang higpit ng yakap ni Haruko sa kanya.

"Ganyan ka pala kapag nakabawi ng lakas Haruko My Love! Humihigpit ang yakap mo!" Napapangisung wika naman ni Sakuragi kay Haruko.

"Pasensiya na Sakuragi! Namiss kaae kita nang sobra. Noong nasa ospital kase kami at bawal dumalaw ang mga kamag-anak at kaibigan ng mga pasyente ay tanging ang mga Nurse, Doctor, at mga player lang ang nakakausap ko! Mabuti nalang at naroon si Mrs. Rina at ang mama mo kaya hindi ako masyadong nalungkot!.." Paliwanag na tugon naman ni Haruko kay Sakuragi.

"At saka ibang klase palang mag-ala sina Mrs. Rina at Tiya Hana sa mga pasyente lalong-lalo na sa akin! Sa lahat kase ng mga naconfine sa ospital noong mga nakaraang araw ay ako ang pinakasensitive magkasakit dahil halos ayaw kong kumain noong mga unang dalawang araw ko sa ospital. Pero dahil matiyaga sina Mrs. Rina at ang mama mo ay mabilis akong nakarecovwer!" Dagdag na paliwanag pa ni Haruko sa kanyang nobyo. Napangiti naman si Sakuragi sa kanyang narinig. Ilang sandali pa ang lumipas ay nagtungo na ang lahat sa kani-kajilang Classroom sapagkat oras na ng kanilang klase. At habang nasa school ang ibang mga player ay ginaganap naman ang mga laban sa Kanagawa Gymnasium.

Sa Kanagawa Gymnasium.....

Pagsapit ng 7:30 ng umaga ay nagsimula na ang 1st Game sa pagitan ng Toyama Tigers at Shiga Emperors. At sa buong panahon ng laro ay hindi manlang  naibaba ng Shiga Emperors ang kalamangan ng Toyama Tigers kaya namam bigo silang makuha sng panalo. At natapos ang laro sa score 95 - 44. Panalo.ang Toyama Tigers sa 1st Game ng huling araw ng College Basketball. At sila ay opisyal nang magiging ika - 6 sa  standing sapagkat sila ay may kartadang 5 - 2 Win/Lost Record samantalang ika - 8 naman sa standing ang Shiga Emperors na may kartadang 3 - 4 Win/Lost Record.

Pagsapit ng 9:30 ng umaga ay nagsimula na ang 2nd Game sa pagitan ng Osaka Tornado at Nagoya Black Wolfs. At  sa buong panahon ng laro.ay naging matindi ang laban sa pagitan ng magkabilang kopunan. Ngunit sa bandang huli.ay nagawa pang maipanalo ng Nagoya Black Wolfs ang laro sa score na 96 - 94 kaya naman opisyal nang nasa ika -  5 sa standing ang Nagoya Black Wolfs na may kartandang 5 - 2 Win/Lost Record samantalang nasa ika - 7 naman ang Osaka Tornado na may kartadang 4 - 3 Win/Lost Record. Matapos ang dalawang magkasunod na laban ay nagkaroon.muna ng ilang oras na break upang makapagpahinga ang referee pati na ang buong Committee.

Sa Kanagawa University....

Pagsapit ng 11:30 ng umaga ay natapos na ang klase at nagtungo na sa Canteen anh ibang mga estudyante upamg maglunch.

"Sakuragi idol, pupunta ka na ba sa Canteen?" Tanong ni Dave kay Sakuragi habang nakatambay sila sa labas ng kanilang Classroom.

"Oo Dave. Tara sabay na tayo!" Tugon naman ni Sakuragi kay Dave. Mayamaya ay maglalakad na sana ang dalawa nang biglang magsalita si Mira sa kanilang likuran.

"Wait lang! Sasama ako!" Wika naman ni Mira kina Sakuragi at Dave. Ilang sandali pa ang lumipas ay nagtungo na ang tatlo sa Canteen. At habang naglalakad sila sa daan ay nakasabay nila sina Zen at Yurika.

"Kumusta Zeen? Mukha yatang papunta rin kayo sa Canteen ah?" Tanong ni Sakuragi kay Zen.

"Oo Sakuragi, nagugutom na kase kami! At ito na rin ang First Date namin ni Yurika!" Tugon naman ni Zen kay Sakuragi. Mayamaya ay napatingin si Sakuragi kay Yurika. At doon ay kitang-kita ni Sakuragi sa mga kilos at galaw ni Yurika na masaya ito kapag kasama si Zen kung kaya't napagtanto ni Sakuragi na nagbago na si Yurika.

TO BE CONTINUE.....

Slam dunk fan Made Book 2 - College Basketball - Season 2Where stories live. Discover now