CHAPTER 13

12 3 1
                                    

Invitation

"Ako na ang mag-s-sundo sa 'yo." i told Hans after closing the gate.

I check my wristwatch at pasadong alas-otso na ng gabi. There's no way na papayagan ko si Hans na umuwi mag-isa. He's a teen, plus, sa mga nangyari, malaki ang tyansa para sa akin na baka may gawin na naman siyang hindi kaaya-aya. I'm just worried. Sino ba naman ang guro na hihilingin na may mangyaring masama sa estudyante niya? Wala naman, hindi ba? Sa akin pa nga lang na guro niya ay alalang-alala na ako, what more pagdating sa mga magulang niya? 


Wala nang ibang estudyante o guro sa loob ng institution kundi ang mga security guards. Ipinaliwanag ko sa kanila ang nangyari kung bakit kami nagtagal sa room and they understand that.


"Hindi niyo naman po kailangang gawin ito—"


"No more buts." i touched his arm with reassurance. Nakayuko siya at mahigpit ang pagkakahawak sa uniporme. Poor child. Why does he have to suffer like this? I mean... i know it was just normal to have a problem but, kailangan ba talaga na pagdaanan ng isang fifteen-year-old ang ganitong sitwasyon? He's just a kid. Hans just wants to be happy, he wants everyone to be happy, especially, with his mom. "I'll call a cab para makauwi na tayo sa kanya-kanya nating tahanan. Okay?"


Tumango lang siya so I immediately called a taxi. But the moment I call the driver, may isang pamilyar na van ang dumaan sa harap namin.


Arthur? Kung hindi ako nagkakamali ay van niya ito. From its color, white. Brand and interior.


"What is he doing here?" mahina ko'ng bulong.


The van stopped and the moment the door opened, doon ko napagtanto na si Arthur nga ang driver. He's still wearing his working suit, and eyeglasses. Nakapamulsa niya akong pinasadahan ng tingin, at nilipat ang gawi kay Hans. I felt Hans stilled. Nakayuko siya.


"G-Good evening p-po." his hands are trembling and so I held it.


Napatingin siya sa akin nang ginawa ko iyon ngunit hindi ko pinansin. He's probably shocked. Maging ako rin naman. Hindi ko inaasahan na pupunta dito si Arthur, at sa ganitong oras pa talaga? Really?


Arthur clicks his tongue. Nakangiwi siya habang taas-baba ang paningin kay Hans. I don't like that look. Para siyang nandidiri at hindi ko alam kung bakit.


Malakas siyang bumuntong-hininga. "Get in the car." aniya at mabilis na sumakay sa van.


I opened the door at niyaya si Hans na sumakay. Pilit ko'ng hinihila ang kamay niya ngunit pinipigilan niya na sumama.


"What's wrong?"


"H-Hindi po ako pwede s-sumakay." pahina nang pahina ang kaniyang tinig.


I creased my eyebrows? "Bakit naman?"


Nag-kibit-balikat lamang siya. Lumingon ako sa driver's seat at nakita roon si Arthur, nakababa ang bintana ng kotse kaya nasilayan ko siya na pinapanood kami. There's a dangerous grin on his mouth, and I can read it.


Hindi niya gustong pasakayin si Hans sa van.



So? I don't care. Hans is my student, and he's my priority. Hindi ko pu-puwedeng iwanan na lang siya dito because of him. It's midnight. At ang pagpapasakay niya sa van ay hindi ko naman nakikitaan ng mali. Hans is not a problem. Sadyang masama lang talaga ang iniisip niya.


Dahlia's LoverWhere stories live. Discover now