CHAPTER 14

20 1 2
                                    

Do You Find Him Attractive?


Hindi ko ugaling um-attend sa mga okasyon. O, sabihin na nating... hindi ko talaga forte iyon. May pagkakataon na dumadalo lang ako dahil importante at talagang kailangan. But, most of the time, I'd rather stay home, do house chores and read books.

Pero ano itong ginagawa ko? Gumising ako ng alas-kuwatro ng gabi upang maligo, at nadadatnan ang sarili na namimili ng kasuotan na babagay para sa party. What's wrong with me?

Maingat ang bawat galaw ko. Palibhasa'y ang walk-in-closet ko ay nasa kuwarto lang din namin ni Arthur, binabagalan ko ang kilos at paghawi ng mga damit. Bagaman hindi sensitive sa pandinig at pakiramdam si Arthur kapag tulog, siyempre, naroon pa rin ang takot sa loob ko na baka ay magising siya. Dahil alam kong ang numero-unong sasabihin niya, ay kung ano ang aking ginagawa.

Palihim akong lumunok nang mapili ko na ang ninanais ko na kasuotan. Muli akong sumulyap kay Arthur bago muling pumasok sa banyo upang suotin iyon.

Tinanggal ko ang burgundy robe ko at tinignan isa-isa ang mga damit. Nagsuot ako ng simpleng beige solid sleeve tee ko na pinaresan ng high waist pants.

Pinasadahan ko ang sarili sa salamin. Hindi ko maitago ang pananabik na nararamdaman ko gayong pupunta lang naman ako sa isang event. Pakiramdam ko ay iyon ang first time ko na gumala kahit hindi naman. Kinuha ko ang blower at itinali ang mahaba kong buhok, hinayaan kong makawala ang iilang hibla sa magkabilang gilid. Binuksan ko ang maliit na cabinet sa aking tabi at tumambad ang samu't-saring make-up ko. Hindi sila magkakasama na pinasadya ko.

Sa unang palapag ay lipstick, iba't-ibang shades at iba't-ibang brands. Hindi ako maarte pagdating sa pamimili ngunit talagang pinipili ko ang bumabagay sa kulay ng aking balat. Sa huli ay napili ko iyong burgundy matte na ilagay sa aking labi. Naglagay lang ako ng kaunting amount dahil mas sanay ako roon.

Foundation at blush-on na pink, concealer at highlighter. Natapos ko iyon kaagad sa loob ng tatlumpung minuto. Huli ko nang kinuha ang pumpkin perfume ko sa bag at habang ini-spray iyon sa katawan ay hindi ko mapigilang isipin ang amoy ng lalaking iyon.

Mabango... at nakakaakit. Pinilig ko ang ulo at paulit-ulit na umiling. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan kong hangaan ang isang mabangong lalaki. Oo na't mabango talaga ang perfume niya. Ano naman ang kaso roon?

Umalis ako sa bathroom, muli akong nagpunta sa kuwarto namin para kuhain roon ang phone ko. Nang makuha ko iyon ay inilagay ko iyon sa loob ng bag, nagtuloy-tuloy ako sa pag-alis ngunit nang mahawakan ko ang doorknob ay sandali akong napahinto upang mapagmasdan si Arthur.

This is just one day. I hope you understand.








Pasado five-thirty ako nakapunta sa Institute. Sunday ngayon kaya walang pasok, sinadya siguro nilang ituon ang araw na ito para sa outing. Nice.

"Wow! Miss Dahlia? You look good."

"Mabuti at nakarating po kayo, Ma'am."

"Ang ganda-ganda talaga ni Miss! Naku, kung ganyan lang ako kaganda ay araw-araw na akong lalabas ng bahay!"

"Haha! Pero hindi naman ikaw si Miss Dahlia, eh."

"Pero, infairness talaga, Ma'am, ang blooming niyo po-hindi lang today, everyday!" nagtawanan ang lahat. Marami nang co-teachers ko sa labas ng Institute. Napakagat ako sa labi bigla nang makita ang mga suot nila, plain t-shirt lamang iyon at pants, bakit nga ba kasi naisipan ko pang magsuot ng ganito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dahlia's LoverWhere stories live. Discover now