Chapter 13

1.4K 31 1
                                    

Amelia

Tahimik naming binabaybay ang masikip na daan papasok sa kanto kung nasaan ang bahay namin ni lola

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Tahimik naming binabaybay ang masikip na daan papasok sa kanto kung nasaan ang bahay namin ni lola. Maraming tao sa lugar na ito at kabi-kabila ang nagbebebenta ng mga kung ano ano sa tabi ng kalsada. Marami ding tambay sa looban at mga batang nanakop ng daan sa paglalaro ng basketball at titigil lang pag may kotseng dadaan.

Alam kong naasar na sya sa pagmamaneho dahil maya't maya ito kung bumusina ng kotse nya para lang makadaan kami. Hindi naman sya nagsasalita o ano at tanging salubong lang ang kilay sa tabi ko. Nararamdaman niya rin sigurong wala ako sa mood para makipag usap sa kanya dahil narin sa nangyari kanina sa hapag at pawang sunod sunod na mabibigat na buntong hininga nya lang ang naririnig ko sa kanya.

Napatingin ako sa bintana at nakitang maghahapon na rin pala. Ang plano ko kase pagkatapos akong maihatid ni Sebastian sa bahay ay magpapalit lang ko ng damit para tumulak naman sa hospital kung nasaan si lola.

Itinigil ni Sebastian ang kotse ng may makita syang dalawang intersection, isa sa kanan at kaliwa.

Napatingin tuloy sya sa gawi ko para ituro ko sa kanya ang sunod na direksyon.

"Ahm...kumanan ka lang tas dire-diretso na yon makikita mo na ang bahay namin." kabado kong sabi.

Sinunod nya naman ang utos ko kasabay ng pag igting ng panga nya sa naging sagot ko.

"Are you sure about this? Hindi na ba magbabago ang isip mo? This community is not safe." seryosong nyang komento.

Umiling lang ako sa tinuran nya.

"Dito na ako lumaki Seb, hindi naman delikado dito at isa pa may mga bodyguards naman ako kaya wala ka na dapat pang ipag alala." pag aalo ko sa kanya.

He still look so worried. Humigpit din ang kapit nya sa manibela bago tumango.

"I will visit you more often from now on." He declared.

Natawa nalang ako sa sinabi nya. Yeah, Do whatever you want Sebastian hanggang sa mapanatag ka lang.

Ilang sandali pa ang nakakalipas ng makatating na kami sa tapat ng bahay. Pagkalabas na pagkalabas palang ni Sebastian sa Black Sedan nya ay kabi-kabila narin ang dagsaan ng tao para makiusyoso sa kung sino ang may ari ng kotse na to.

May nakita pa nga akong nag iinuman sa tabing bahay namin dahil kilala namang lasingero yan si Mang Boy.

Medyo nagulat pa ako ng pagbuksan ako ni Sebastian ng pinto kasabay ng pagtanggal nya sa seatbeat na suot ko.

"Let's go." he said.

Kaagad naman akong sumunod at dahan dahang lumabas ng kotse. Nakarinig din ako ng mahihinang bulungan ng makita ako ng mga kapitbahay namin. Tss!

"Ikaw pala yan Amelia, aba may syota ka na pala." bungad ni Mang boy na patawa tawa pa.

Ayoko na sanang pansinin kaya lang nakita kong sumama na ang timpla ni Sebastian at baka patulan nya pa to.

Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)Where stories live. Discover now