Chapter 22

988 22 1
                                    

Amelia

Pagkahatid na pagkahatid ni Samuel kay Lily dito sa penthouse eh kaagad naman silang umalis ni Sebastian para magtungo sa kung saan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkahatid na pagkahatid ni Samuel kay Lily dito sa penthouse eh kaagad naman silang umalis ni Sebastian para magtungo sa kung saan.

Naiwan tuloy kami ni Lily dito sa bahay. Pero ayos lang medyo namiss rin naman namin ang isa't isa.

Kasalukuyan kaming naliligo sa pool habang nag uusap patungkol sa trabaho nya. May pagkakataon din na nagtatanong sya sa akin ng mga personal na bagay. Kaya sinasagot ko nalang din dahil kaibigan ko naman siya.

Since di naman ako marunong lumangoy, nakatambay lang ako sa gilid ng pool habang nakahawak sa concrete top nito. Si Lily iyon naka ilang lapse na kanina pero ngayon ay tuluyan ng napagod. Kaya nakatambay nalang din sa gilid ng pool.

"I like it here, Amelia. Naaala ko tuloy yung bahay namin dati gantong ganto rin iyon. Kaya lang binenta." panghihinayang nya.

Humigop na siya sa ginawa kong strawberry milk drink habang nakatingin sa kabuuan ng penthouse.

"Oo nga eh, naalala kong bumisita na ako sa inyo nung mga bata pa tayo. Pero teka ano lasa ng drinks? Masarap?" tanong ko sa ginawa.

Ngumiti sya sakin bago tumango.

"Sobra, minsan papaturo ako sayo kung paano to gawin." natutuwang sabi nya.

Dumating na ang ibang serbidora at inilapag sa maliit na table namin ang mga ready made ng pagkain doon sa harap. Dinner narin pala kaya nag hain na sila sa lamesa.

"Kain muna tayo Lily, alam ko gutom ka na." aya ko sa kanya.

Dali dali naman kaming umahon sa pool para makapagsimula na. Nagpasalat muna kaming dalawa sa mga nagdala samin ng pagkain bago kami umupo sa pang dalawahang upuan.

Maraming nandoon, may pasta, beef tenderloin, veggies and fruits.

Pareho tuloy nagliwanag ang mata namin sa nakita sa hapag.

"Woah, I miss this kind of foods. Thank you!!" She lament.

Busy na sya sa pagkuha ng pagkain habang ako naman parang biglang nabusog na sa nakita.

"Ang yaman talaga ng boyfriend mo, I mean yung pamilya nila pati ni Samuel. Akalain mo yun, ang dami dami nyo ng body guard tapos may mga house helpers pa kayo. Sa tuwing naalala ko nga yung engagment ceremony nyo sa mga susunod na linggo, namomroblema na ako sa kung anong isusuot ko. Halos outdated na kase yung mga luxury dress na naiwan sakin dahil wala na akong pambili ng bago." nakapout nitong kwento.

Naiiling nalang ako habang natatawa sa kaibigan. Ofcourse hindi sya sanay sa ganitong hirap ng buhay kaya sobra talaga kung mag adjust sya ngayon. Himala nga na nakakasurvived sya eh.

"Sus, ano ka ba Lily, okay lang kahit anong isuot mo. Kaya mo namang magdala ng damit. Tsaka isa pa diba may deal naman kayo ni Samuel sabi mo kanina? Eh di mag request ka sa kanya ng gusto mong isuot. Tutal partner mo naman sya sa engagement party, next next week. Isa pa hindi naman iyon madamot." paliwanag ko.

Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)Where stories live. Discover now