Chapter 28

1.6K 28 7
                                    

Amelia

Amelia

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.


Pinabalik na ako ngayon ni Sebastian sa dati naming kwarto. He suggested na magtabi nalang daw ulit kami sa kama kapag matutulog para mas mabantayan nya ako ng mabuti lalo na sa kalagayan ko daw ngayon. I feel like he's so much protective right now. Malayong malayo sa inaakto nya noon sa akin. Gusto nya rin kaseng bumawi sa mga buwan na hindi nya ako napag tuunan ng pansin.

Busy sya ngayon sa pagbabasa ng kung habang nakahiga ako sa bisig nya. Katatapos lang kase naming maghapunan at naisipan muna naming magpahinga na agad.

Sinermunan nya pa nga ako kanina na dapat daw maaga na akong natutulog ngayon.

I don't know what to react actually, first time kaseng may gumawa nito sakin. Although naririnig ko naman na yung ibang pangaral ni Samuel before, pero iba parin pala pag kay Sebastian na nanggaling.

He looks so serious now, halos hindi nga sya maistorbo kahit tinetrace ko na ng daliri ko ang litaw na ugat nya sa braso.

"What are you reading?" kuryoso ko ng tanong.

Binalingan nya ako sandali bago ngumiti at patakan ako ng isang halik sa noo.

"Reading some baby names. I want to be prepared atleast...by the way may naisip ka na bang pangalan para sa magiging anak natin?" He said while caressing my left arm softly.

I pouted after hearing what he said. Lumambot din ang ekspresyon ko dahil doon. Aw, so sweet of him.

Umiling ako dahil wala pa naman talaga akong naiisip na pangalan.

"Not yet, ikaw ba?" sagot ko sa kanya.

He chuckled eventually on my response, ginulo pa ng mahina ang buhok ko dahil sa naging sagot ko sa kanya.

"I have names in mind but I won't tell it to you yet, we still don't know what our child's gender right?" pagkukumpirma nya.

Pinaningkitan ko sya ng mata at dahan dahang umiling. Ang daya naman nito ayaw pa sabihin.

"Ano nga? Anong naisip mo?" pangungulit ko.

Sinarado nya lang ang ibrong binabasa nya at mahina akong hinila pahiga ng kama, bagay na kinatili ko ng biglaan.

"No...tsaka na kapag sigurado na tayo. Should we do a gender reveal?  What do you think?" pag iiba nya ng topic.

Mas ikinulong nya pa ako sa pagkakayap nya at halos ayaw na akong bitawan.

"I..ikaw ang bahala." sabi ko.

Ikinatuwa nya lang iyon bago isiniksik ang mukha sa aking leeg at iyon naman ang pinagdiskitahan.

"Okay then...that's the plan, but for now...le'ts sleep maaga pa tayong mamimili bukas." makahulugan nyang sabi.

Idinantay nya narin ang kanyang binti sa aking hita at halos ipulupot naman ang kanan nyang braso sa aking hinaharap.

Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ