Chapter 19

1.3K 28 3
                                    

Amelia

Nagpasya na kaming bumalik ni Sebastian sa loob matapos ang nangyari samin sa cottage kanina

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagpasya na kaming bumalik ni Sebastian sa loob matapos ang nangyari samin sa cottage kanina. I can't believed myself, Gosh! Amelia! Ano bang ginagawa mo! Buti nalang talaga at pribado tong bahay niya dahil kung hindi baka magpalamon nalang ako sa lupa kung may nakakita saming iba.

Sinusundan lang ako ngayon ni Sebastian sa paglalakad, kasalukuyan siyang nasa likod ko at inaayos ang nagusot na manggas ng kanyang polo habang may kung anong tinitipa sa kanyang selpon.

"You can use the bathroom upstairs susunod din ako." sabi nito ng hindi man lang tumitingin sa akin.

Nakapokus ito sa pagtitipa sa kanyang selpon.

Lumingon ako ng isang beses sa kanya.
Napakagat din sa ibabang labi ng lumipad na naman ang makamundong pag iisip sa kanyang tinuran.

Dios mio, Amelia! Maghunos dili ka nga! Baka ang pagsunod na sinasabi nya lang ay yung pagpunta lang sa kwarto. Hindi sa mismong pagsunod sayo sa loob ng banyo!

"O..okay." mahina kong sagot.

Aakyat na sa sana ako sa hagdanan ng bigla nya akong pigilin.

Hawak na ngayon ang siko ko, habang nasa ikaunang baitang na ang paa ko.

"Medyo matatagalan lang ng ilang oras yung mga pina shipped kong mga damit mo. You can use my clothes for a while mamili ka nalang...and by the way I ordered a brand new phone for you. Huwag mo ng kunin ang selpon mo sa bahay nyo, dahil delikado." He said, as if it was nothing to him.

Napalingon tuloy ang ibang bodyguards na nakabantay sa bawat sulok ng bahay ng marinig iyon kay Sebastian.

Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanila at gustong gusto ng makaalis sa harap.

Nakakahiya! Baka kung anong isipin nila.

I smiled fakely.

Awkward narin sa sitwasyong ako rin naman mismo ang gumawa.

"O-okay lang...sige aakyat na ako sa taas." kabado na.

He look at me softly before nodding. Inuudyok na akong umakyat sa taas.

Patakbo ko ng inakyat ang magarang hagdan at nagmadaling buksan ang pinto ng kwarto niya.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ng ay agad ko ng isinara ang pinto at nagmamadali na akong sumalampak sa kama para sisihin ang sarili sa kahihiyang nagawa. Nagpagulong gulong ako na parang sirang plaka habang tumitili ng mahina.

Ahhhhh!!! What the hell is that Amelia! Gusto ko nalang magpalamon sa lupa!

Hinding hindi ko na muling gagawin ang bagay na iyon kailanman! Ako ba talaga yon kanina? Damn!

Isang minuto ata akong nagpagulong gulong bago ako dapuan ng pagod. Hiningal at pawis na akong nakatihaya sa kama ng biglang makarinig ako ng pagbukas ng handle ng pintuan. Hudyat na may taong papasok.

Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)Where stories live. Discover now