Chapter 21

1.2K 22 3
                                    

Amelia

Sa ilang lingong pag ii-stay namin sa penthouse, halos wala na akong ibang gawin kundi ang tumingin sa ibat ibang magazine na merong mga designer clothes

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Sa ilang lingong pag ii-stay namin sa penthouse, halos wala na akong ibang gawin kundi ang tumingin sa ibat ibang magazine na merong mga designer clothes. Ang kaso wala akong magustuhan doon dahil lahat iyon pakiramdam ko hindi bagay sa akin at isa pa namamahalan ako sa presyo.

Wala namang kaso kay Sebastian yung price pero syempre nahihiya parin ako. Ilang linggo nalang uuwi na ang lola nya dito sa Pinas. Mas gusto kong mag mukhang elegante sa harap nila kaya kabado ako sa pagpili ng isusuot.

Kaya ngayon mismo, araw ng linggo ay napagpasyahan na ni Sebastian na mismong store nalang kami pumili para daw masukat ko.

Wala namang problema sakin iyon dahil mas mabuting ganon nga ang mangyari.

Nasa isang mamahaling botique na kami ni Sebastian para samahan ako sa pagpili ng luxury brand gown na gagamitin ko para sa nalalapit na engagement annoucement namin. Sinabi ko na sa kanya na okay lang kahit hindi ako dito mag fitting dahil masyadong mahal ang mga damit dito at maghanap nalang kami ng medyo budget friendly pero hindi parin sya nakinig.

Miske si Lily napepressure na kung anong klaseng gown ba ang isusuot nya para sa event. Magiging private ceremony lang naman iyon kaya kakaunti at pili lang ang mga imbitado.

Halos nasa tatlong sales personnel na ang tumutulong sa akin sa pagsa-suggest ng mga gown na susuotin. Habang si Sebastian naman nasa labas ng lobby area nitong store, na nag aantay sakin.

"Maam, try nyo po itong emerald sleeveless gown with a plunging neckline, meron rin po itong intricate silver sequens and delicate crystal embellishments sa harap." sabi nung isa habang hinaharap sakin ang damit.

Binigay nya yun sa akin, kaya napanguso ako ng wala sa oras.

Gusto nya bang isukat ko to ngayon?

"Try nyo po maam, labas lang kami saglit para maisuot nyo." dagdag pa nung isa.

Nahihiya akong tumango sa kanila bago sila tuluyang lumabas sa fitting room. Bahagya ko pang narinig ang ilang tili sa labas ng makita siguro si Sebastian na nag aantay doon sa couch.

Sino ba namang hindi? Eh sya lang yung bukod tanging lalaking nandidito sa botique na 'to para samahan ang girlfriend nya sa pagpili.

Bukod sa agaw pansin ang charisma nya, nagiging center of attention rin sya sa ibang customer dito dahil sa angkin nyang itsura. He may be mistaken as a freakin' model.

Napabuntong hininga na lang ako at tuluyan ng hinubad ang suot ko para palitan ng gown na ito.

It was easy to wear kahit na fitted ito at halos kitang kita ang kurba ko eh hindi naman ako nahirapan. I look myself in the whole body mirror that was dispalying inside of this fitting room.

Napaawang ang labi ko.

I was mesmerized of how this gown elegantly fitted on my body. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko dahil nag iba ang aura ko pagkatapos ko itong masuot.

Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)Where stories live. Discover now