Chapter 16

1.2K 26 1
                                    

Amelia

Bumuhos ang napakalas na ulan na akala mo'y nararamdaman nito ang pinagdadaanan ko ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bumuhos ang napakalas na ulan na akala mo'y nararamdaman nito ang pinagdadaanan ko ngayon. Hindi parin umaalis si Samuel at mistulang nagpapatila kasama kaming dalawa ni Lily sa loob ng maliit kong studio.

Puno ng mga unfinished artwork ang kwartong to, makalat din dahil sa mga tapon tapon na paint at tubig sa sahig. Pero mukhang balewala naman yun sa kanya.

He infact look frustrated nakasalubong din ang dalawang makapal na kilay habang nakadekwatro sa maliit na wooden stool ko at mariing nakatitig kay Lily.

"Pano mo pala nakilala yan Amelia? Tsaka anong boyfriend? May boyfriend ka na? Yung kuya nya ba? Bat di mo nakwento sakin na may manliligaw ka pala?" kuryosong tanong nito habang nakakapit sa braso ko.

Napapikit nalang ako sa mga narinig. Nagawa nya pa talaga akong tanungin eh mas mukha ngang may malaking atraso syang nagawa kay Samuel kung makakapit sa akin.

I know she's that kind of friend na sobrang need mong ingatan, ang careless nya kase palagi, minsan sya yung nakakabasag ng kung ano anong gamit sa kahit saang lugar, madali din syang madapa tapos nahuhulog sa kung saan mga ganon.

Kaya minsan nakakainis syang kasama eh, pero naiintindihan ko naman. Nag iisang anak na babae lang kase yan ng magulang nya. Kaya sobrang iningat ingatan. Pero tignan mo naman kase, sa sobrang nurtured sa kanya ng parents nya para palang siyang batang first time lumabas sa reyalidad.

Mayaman naman kase sila dati tas homeschool pa sya simula Elem to Senior Highschool, ngayon lang naghirap dahil lulong sa sugal yung tatay nya sa Casino tapos baon pa sila sa utang, kaya yan napilitan syang mag stop at huminto sa college dahil gipit. Gusto nya daw mag fashion designer kaso walang budget mahal mag enroll sa ganyang course. Sobrang gastos kase non kaya no choice sya maghanap ng trabaho at mag ipon. Tapos nasaktuhan pa na nastroke yung nanay nya ngayon.

So yan kahit anong raket pinasok nya na at ni isang trabaho palagi nalang may mali o kasalan syang nagagawa. Kung hindi sa boss sa customer sa katrabaho ay ewan. Ayoko ng isa isahin.

"Mahabang kwento Lily, pero hindi ko yon boyfriend. Walang boyfriend na magaganap, tatapusin ko na ang lahat sa amin." pursugido kong sagot ng hindi nag iisip.

Confused parin syang ina-absorb ang mga sinabi ko. Kaya binalik ko nalang sa kanya yung tanong.

"Ikaw? It seems like you known each other? Anong meron sa inyong dalawa?"

Agad naman itong lumayo sa akin at namumula na namang nakayuko. See...ganyan yan pag may kasalanan. Kaya madali tong mahuhuli pag may nagawa eh.

So may ganap nga?

She bit her lips unaware, sinulyapan ng isang beses si Samuel na ngayon ay nakatitig din sa kanya bago ito lumapit ulit sa akin para bumulong.

Hay Lily, di ko alam kung may pag asa ka pa.

Moretti Series 1: Forbidden Obsession (Mafia On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon