UTS 2

1.4K 21 0
                                    

Chapter 2

Mariin ang tingin niya sa medyas kong may dugo, nauna niya pang tanungin iyon kaysa sa dahilan bakit ko siyang binato ng bote ng tubig sa mukha.

Hindi ko na siya sinagot at tumalikod na ako para mag simula nang maglakad. Nagawa ko na ang gusto ko, aalis na ako. Bahala siya kung ilaglag niya ako kay Cian, mas matitiis ko ang pag iwas nito sa akin kesa pagtripan ako ng kapatid niyang hindi ko alam saan pinaglihi.

Maling desisyon talaga ito, maling-mali.

Natigil ako sa paglalakad nang may humablot ng kamay ko, inis ko siyang hinarap.

"What happened to you?" saad nito sa seryosong tono, his right hand is holding me, while his other hand is still holding the water bottle.

Ang mata nito ay nakatutok doon, "Sugat lang yan," kahit naiinis ay sinagot ko pa rin siya.

Parang hindi naman siyang papatalo, at hindi titigil hanggat hindi siya sagutin.

"Why? Nadapa ka ba? O sumabit sa kung saan?" he asked like he is thinking I'm stupid.

Hinablot ko ang kamay sa pagkakahawak niya. "Last week pa 'yan." malamig kong sagot at nagsimula na ulit maglakad.

Nakalabas na ako ng gym, papunta na sa parking para umuwi. I continued walking even if I can feel him tailing me.

"Let's go to the clinic." ani nito sa likod ko.

Huminto ako at nilingon siya, tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Uuwi na ako."

"You will go home looking like that?" he protested.

"Ano naman sa'yo?" masungit kong sagot, he narrowly looked at me as he walked closer and grabbed my arm.

I rolled my eyes, hindi talaga siya papatalo.

"Kapag umuwi ka ng ganyan, ano ang iisipin nila Tita? Pinalakad kita ng mahaba kaya naging ganiyan?" reklamo niya, we are now walking slowly.

"Anong tingin mo sa akin? Isip bata na magsusumbong? At ano naman kung sabihin ko e, totoo naman?"

He hissed. "I didn't know you're injured."

"So, kung wala akong sugat, palilibutin mo ako sa buong school?"

He looked at me like what I said was ridiculous. Hindi kami malayo pero hindi rin masyadong malapit sa isa't-isa. I can smell his manly perfume from here, like it complemented with his sweat earlier.

"Kung ano-anong pumapasok sa isip mo, wala akong balak ipagawa iyon."

We are still walking, kulang nalang hilahin niya ako dahil sa hawak niya.

"Talaga lang ha," panunuya ko, hindi naniniwala.

He turned his head towards me.

"I didn't mean to make you wait at the court. Coach told us to go the gym, hindi ako sumama." lumingon na ito sa harap. Ako ngayon ang napatingin sa kanya dahil sa sinabi niya. "I waited for you kaso ang tagal mo. Akala ko, hindi mo tinotoo ang sinabi ko at umuwi ka na." natigil ako sa dugtong niya, a glimpse of guilt tripped on me.

"Nag antay ka?" hindi makapaniwala kong tanong, natigil din ito sa paglalakad dahil tumigil ako.

"Hindi ka naniniwala?" he sounds offended.

Kinuha nito ang cellphone, may binuksan ito doon tsaka ihinaparan saakin. It was my viber account, he sent a few messages.

"See? I even ask Cian for your viber account. I texted you, I'll be at the gym in case you come." mas lalo akong nanlumo. Tinuloy na nito ang paglalakad,

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon