UTS 8

175 3 0
                                    

Chapter 8

Hindi ko na siya nasagot, bago pa ako makaisip ng isasagot sa tanong niya ay binawi niya na iyon. Gusto ko pa sanang magpaliwanag pero hindi niya na ako pinag salita pa.

"Nevermind," pigil niya saakin, parang akong na estatwa doon. Kahit gusto kong mag salita ay nanahimik nalang ako.

"Saan ang mga kukunin ko?" Pagbabago niya ng topic.

Wala sa sarili kong itinuro ang hilera ng mga libro sa pinaka taas ng shelf.

Tinulungan niya pa akong mag ayos at inilagay rin sa shelves ang mga bago ko pang napamili. Kung ano ang kinadaldal niya sa mall kanina, ay yun naman ang kinatahimik niya noong nag aayos kami. Hindi niya na ako kinikibo, parang malalim ang iniisip.

Gustuhin ko mang mag tanong ay anong tatanungin ko? Bakit hindi na siya nagsasalita? Paniguradong hindi naman siya nagsasabi ng totoo sa akin.

Hindi siya umalis hanggang matapos ako, pero nang naayos ko na lahat ay siya na rin ang nag paalam.

May gagawin pa raw siya kaya kailangan niya ng umalis, sabi niya kaninang umaga ay free siya ngayon araw.

'Yon pala, may aatupagin pa siya.

Kaya ayaw ko siyang naaabala e, alam kong marami rin siyang ginagawa. Kaya hindi ko maintindihan bakit ang pilit niyang samahan ako.

Kapag naman pinigilan ko siya, baka mag away lang rin kami.


Iyon ang huling beses na punta niya rito sa bahay, at last week pa 'yon. Ang huling message niya sa akin ay aalis siya. Wala ng kasunod, o kung saan ba siya nagpunta at anong pinuntahan niya. Wala naman ako sa lugar para mag demand na mag update siya.

Pero bilang kaibigan, nagtataka lang ako. Ilang araw na siyang walang paramdam simula noong nagtanong siya tungkol kay Cian.

O, baka nag ooverthink lang ako.

O kaya naman, narealized niya na.

Na nagsasayang lang siya ng oras at hindi niya naman na ako kailangan samahan dahil wala rin naman siyang mapapala. At wala siyang makukuha sa pagkakaibigan namin.

At lalo na ngayong may security naman na sa bahay. Maliban sa pagkakaibigan, wala na kaming ibang koneksyon dalawa.

Sa sobrang bored ko ay sunod-sunod ang pagbabasa ko ng biniling mga libro. Wala akong ibang ginawa buong araw kundi ang magbasa.

Kung minsan naman pag nagsawa ay lumalabas lang ako sa garden para magpahangin. Sinubukan ko rin mag paint, hindi naman ako magaling but I find it interesting.

Ganito na ata talaga kapag walang magawa, kung ano-ano nang naiisip gawin. Ganoon na ang naging routine ko sa mga naka ilang araw.

Magbabasa, lalabas, at magpapaint.

Dahil doon ay napansin ko ang katahimikan sa bahay, walang ibang nagsasalita. Hindi katulad kapag nandito si Caden, maingay.

Walang ibang naririnig kundi ang huni ng mga ibon at hampas ng mga dahon sa puno dahil sa hangin. Ngayon ay kagigising ko lang at medyo natanghalian ulit.

Bagot akong naglakad pababa sa kusina, kailangan kong ayusin itong body clock ko at mahihirapan ako pag pasukan na.

Hindi pa ako tuluyang nakakababa sa hagdan natigilan na ako, sa front door ay may pamilyar na lalaking nakatayo.

He is wearing a plain white polo shirt and khaki pants. His hair looks cleaner, pinagupitan niya ata ito. Dahilan para mas lumiwanag ang mukha niya.

He is standing at the front door, his right hand is in his pocket and the other is holding a big paper bag.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Where stories live. Discover now