UTS 27

155 3 1
                                    

Chapter 27

Hindi agad siya naka sagot sa banta ko. "Umuwi ka na, uuwi na rin ako." malamig kong turan, nang mapagtantong wala na kaming ibang gagawin dito kundi ang mag titigan.

Tinignan ko ang mga security, diretso lang ang mga tingin nito at parang walang naririnig. Mukhang hindi naman sila natinag kanina sa away namin.

"I'll tail you." madiin niyang sabi.

I rolled my eyes towards him. Ipipilit niya talaga kung ano ang pumasok sa isip niya.

"Umuwi ka na! Pagbibigyan kita ngayong gabi, pero kapag naulit 'to ulit! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!" Banta ko sa kanya,

"Wag mo na akong susundan! Hindi ako bata!" Sigaw ko pa bago tumalikod sa kanya para pumunta na sa sasakyan ko.

"What a brat." he deeply muttered.

Hindi ko na siya pinatulan ulit at ang diretso na sa kotse. Hindi talaga kami pwede mag sama talaga, kung hindi ay may sasabog talagang lugar o tao.

Padabog akong pumasok sa loob ng sasakyan, taas baba pa ang dibdib ko dahil sa nangyaring bangayan kanina.

Ano bang problema ng lalaking iyon? Nakakahiya kay Leonix!

Kinagabihan ay nag text nga sa akin si Leonix, hiningi niya raw ang number ko kay Gabi. Wala namang kaso saakin iyon, sinabi naman talaga niya na gusto niya pa akong makita ulit.

Niyayaya niya akong manood ng laban niya, may racing pala sila bukas ng gabi. Pumayag naman ako, gusto ko rin ma try makanuod! I've been curious about it even since I got into driving!

At least may dahilan na talaga akong pumunta para manuod. I told him l'll gladly watch the game.

After our talk I called Gabi. I am going to ask her something, but not about Leonix.

"Gab," tawag ko.

"K-Kamusta date mo? Okay ba?"

"Ikaw ba ang nagsabi kay Caden? Kung saan ang date ko kahapon?" diretso kong tanong.

Kanina ko pa ito iniisip, wala akong sinabi na lugar. Dapat ay hindi alam ni Caden iyon, maliban naman kung pinasundan niya ako. Pero mas madali nga niyang malalaman kung itatanong niya lang kay Gabi.

Dahil narinig niya naman na magkausap kami sa elevator at si Gabi ang nag set-up ng lahat Hindi siya agad nakasagot, kumunot ang noo ko. Mukhang tama ang hinala ko.

"H-Huh? H-hindi ahh.." pagtanggi niya pa.

"Umamin ka na, ikaw lang ang pwedeng mag sabi sa kanya. Alangan naman kay Leonix niya nalaman?" Medyo tumataas na ang boses ko.

"S-Sorry na Yara, tumawag kasi siya kahapon! N-Nagulat nga ako e! Kaya lang nag aalala ata siya sayo, hindi niya talaga ako tinigilan hanggang sabihin k-ko. Sorry na."

Nakapikit ako ng mariin, hinilot ko ang sintido ko.

"It's fine, nag usap na kami kanina. He almost ruin my date."

"Ha?! Totoo? Sabi niya magbabantay lang siya e! Kaya binigay ko." gulat niyang tanong, nadala talaga siya sa mga sinabi ni Caden sakanya?

Mag bantay nga, dala-dala naman iyong malalaking security sa restaurant. Matatakot lahat!

"Oo, nagkasagutan kami. Pero hayaan mo na, okay naman kami ni Leonix."

"Pero Yara, mukha namang nag aalala talaga si Caden sayo. Hindi niya naman gagawin iyon kung, hindi ka importante? Ba't kailangan mo pa siya layuan? Kung siya itong lapit ng lapit."

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora