UTS 9

176 3 0
                                    

Chapter 9

"Akin na 'yan, ako na ang magdadala." kinuha ni Caden sa kamay ko ang mga papel. Nakatayo na rin ang lalaking nakabangga sa akin, inilahad niya ang kamay niya sa harap ko.

"I'm Leonix, pasensya na rin hindi kita nakita kanina."

Tinanggap ko naman ang kamay niya at ngumiti na rin. "It's okay, I'm Yara." sagot ko.

Tumikhim si Caden, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Tinitignan niya lang ako at parang nag aantay na maka alis na kami, binitawan ko na ang kamay ni Leonix.

"A-Ah, sige pala. Aalis na kami," paalam ko sa kaharap.

"Sige, Yara."

"Let's go," hila sa akin ni Caden, nilingon ko nalang ulit si Leonix dahil ang bilis maglakad ni Caden.

"Kilala mo iyon?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami, hawak niya parin ang kamay ko.

"No," kumunot ang noo niya, baka nga transferee. Ngayon ko lang rin siya nakita.

"Why?" sunod niya.

"Wala, hindi pamilyar ang mukha niya. Baka transferee,"

"It also seems to me."


Ngayon ay ang first day namin bilang senior high school, akala ko mababagot lang ako buong summer pero hindi naman. Sa bilis ng araw ay hindi ko namalayan na pasukan na pala ulit.

Tapos na akong mag ayos ng gamit, ang uniform namin ay hindi naman nagbago maliban sa polo at necktie nalang ang pang taas at wala ng coat. Mas gusto ko iyon, dahil makapal at mainit iyon.

I just let my hair down and curled it a little bit, medyo inaantok pa ako dahil nasanay na ata akong late nagigising.

7:00 am na kaya kinuha ko na ang backpack, nang tumunog ang phone ko.

Caden:

Paalis ka na? Daanan na kita.

Kumunot ang noo ko, may driver naman ako at security.

Yara:

May driver naman, at sasama ang security sa school.

Caden:

It's also safe to ride with me.

Ang pilit nitong lalaking ito. Magkikita naman kami sa school.

Yara:

Magkikita naman tayo sa school, wag mo akong masyadong mamiss.

Ngumisi ako sa sinabi, nakaisip na naman ako ng maiaasar sa kanya. Mabilis na tumunog ulit ang cellphone ko.

Caden:

Paalis pa lang ako ng bahay niyo kahapon, namimiss na kita.

Napatay ko agad ang cellphone, para akong kinalibutan sa buong katawan. Huminga ako ng malalim bago binuksan ulit.

Blocked*

Nakarating na ako sa school, pumunta na rin ako sa senior high building. Ang sabi ni daddy, mag beblend in lang ang security sa school. Ang sabi ko pwede naman silang mag antay nalang sa parking pero ayaw ni niya.

Kung hindi ko raw sinabi na wag nang tumulong si Caden ay baka pwede pa. Bakit parang kasalanan ko pa, na hindi na kailangan tumulong ni Caden?

"Yara!" nilingon ko si Hannah nang marinig ang pangalan niya. Patakbo itong pumunta sa akin at niyakap ako. Muntik na akong mapaatras.

"Namiss kita! Hindi tayo nagkita buong summer!" she pouted.

"Nakapag bakasyon ka naman, at least nag enjoy ka." turan ko sa kanya, kinalas niya na ang yakap.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن