UTS 41

555 6 0
                                    

Chapter 41

Castiel explained everything, he confirmed the death of the kidnapper in front of me and Cian. They are already taking care of the body and investigating the evidence the dead left behind. Call history and text messages were the only hard evidence we have right now.

They tried to find the ip address, and it led to a foreign mountain near Astalier. At hindi na iyon bago sa mga Ronoua, that place was under surveillance for years. Wala nga lang matibay na ebidensya kaya hanggang ngayon ay hindi sila maka kilos. The place was known to be the main factory of illegal guns and other unlicensed armors.

Mas lalo lang akong natakot sa impormasyon na sinabi ni Castiel, anong kinalaman nun sa akin? At anong makukuha nila sa katulad ko? Ngayon ay patuloy na ini imbestigahan nila Castiel kung ano ang posibleng rason bakit ako nadamay, at ano talaga ang puntirya nila. Kakausapin niya pa si Daddy tungkol rito, pero sa ngayon ang mahalaga ay wala na ang kidnapper. At hindi ako lulubayan ng security ng Ronoua simula ngayon.

Cian still talked to me after Castiel left, and even if what he said was the least thing I wanted to hear, I still listened and agreed to him.

"After the operation and while he is in his recovery, the doctor advised that he should avoid any distractions that will affect his heart." ani 'to.

"What are you trying to say?"

"Can you wait? Until he recovers? Wait until he comes back to you, don't disturb him now. I'm sorry Yara, nautusan lang akong dalhin sa'yo ang balita." he sounded so sorry.

I bit my lower lip and gulped against the lump in my throat, they want me to stay away from him till he comes home?

Parang nadurog ang puso ko, nagbadya ang mga luha sa mata ko pero tumango ako.

Anything for you my love, of course I'll choose you over my own pain.


After that I tried to go on with my life. After weeks of resting, finally my parents allowed me to go out again. My work continued on J Prime of course, mabuti na rin na busy sa trabaho at least, nadidistract ako. I also find this opportunity to grow. Dahil kung natuloy ang pagpaplano sa kasal, I know that half of the attention will be poured into it.

Maybe that's why, even though it's hard for me to cancel it, I felt at peace.

Ipinark ko na ang sasakyan sa parking ng harap ng restaurant. It's lunch break, at niyaya ako ni Hannah at Gabi kumain sa labas. Umuwi na raw kasi si Eanah, I am not sure if it's for good. Ang alam ko nga, sa New York ang trabaho niya.

Napa buntong hininga na lang ako nang makita ang pagsunod sa akin ng itim ng SUV ng Ronouas, of course they are following me wherever I go. Hindi na nga ako nagreklamo, dahil matapos ang nangyari sa akin, naintindihan ko na ang panganib kapag mag isa ako. Nagpapasalamat na ako, na kahit pagkatapos ng nangyari ay hinayaan ako nila Daddy na magpatuloy sa buhay ko.

Kasi anong gagawin ko? Hindi natuloy ang kasal ko at wala si Caden rito, nakidnap pa ako. Baka masiraan ako ng bait, kung ikukulong lang nila ako sa bahay. And the fact that I decided not to interrupt Caden's recovery was already hard for me. I miss him already.

Pumasok na ako at agad ko rin naman nahanap ang table nila. Andoon na silang tatlo, Hannah waved her hands at me, I smiled and walked towards them. Umupo na ako sa gitna ni Hannah at Gabi, sa harap ko naman ay si Eanah. Dahil pabilog ang mesa.

The first thing I noticed was Eanah's style, and aura. She changed a lot, compared to our highschool days. I would say, she looks for feminine and classy now. I smiled at her.

"Hi, sorry na late ata ako." panimula ko, mabuti ang hindi pa dumarating ang pagkain.

"It's okay! Kararating lang rin naman." ani Gabi.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Where stories live. Discover now