UTS 34

619 11 0
                                    

Chapter 34

"The blue one?" I asked through my phone. Kinuha ko ang asul na hard drive sa drawer ng desk ni Mira dito sa office.

"Oo yan! Pasensya kana Yara ha, kailangan na kasi ASAP! Buti on the way ka palang sa set!" sagot nito.

Inilagay ko na iyon sa sling bag ko at naglakad pa papuntang elevator dahil kailangan ko nang mag madali.

Papunta pa lang ako sa set nang tumawag si Mira na kailangan daw iyong hard drive na, naiwan niya sa office. Mabuti at malapit lang ako kaya sinabi kong ako na ang kukuha.

Sumara na ang elevator, napaka tahimik sa office ngayon dahil wala ng katao-tao. Lahat ay nasa set at may mga inaayos.

Nakarating rin ako agad at dumiretso na para ihatid ang dala kay Mira. Para silang may pinag uusapan nila Mark kaya tumabi ako sa kanya.

"Mira, ito na." ani ko at umupo.

"O, thank you Yara! Bigla kasi nagbago ang isip nila Leo. Mag titingin kami ng ibang inspiration dito." Palinawag niya ang tinanggap na ang hard drive.

"Para saan?"

"Hmmm, sa shoot sa Palawan. Pictorials."

Tumango-tango ako. Wala naman na akong alam diyan, kaya nakinig nalang ako sa pinag uusapan nila.

"Brooke! That's not it! Hindi mo naiintindihan ang gusto ko!"

Napabaling ako sa dalawang artista sa may bandang gitna, may mga upuan roon at iyong camera na gamit. They are arguing about something.

"I already followed everything you've said! Wala na nga ito sa script!" balik ni Mr. Brooke.

Syntia frustratedly walked out and went to the long table beside the camera set. Nandoon sila Caden at Direk na nag uusap, mukhang seryoso rin ang usapan nila at hindi napansin ang pag lapit ni Syntia.

"Ano pa bang gusto mo?" habol ni Mr. Brooke sa likod niya, naiinis na.

I think they are arguing about the blockings or what.

"I told you, I will try to seduce you! All you have to do is sit! Mahirap ba iyon?"

"I told you it doesn't look good! Ang awkward sa camera!"

"Ikaw ang awkward! Hindi iyong scene!" dabog niya. "Look! Ganito!" habol niya.

She shamelessly caresses Caden's arm as she bent down the table. My eyes widened in what she did, Caden quickly glanced at her with a strange expression.

Tinalikuran siya ni Caden at patuloy na nakipag usap kay Direk, mindlessly ignoring Syntia. Parang glue na nakadikit ang mata ko sa kanila.

But the girl really won't give up, inulit niya ulit iyon ngunit ngayon ay mas sensual na. Si Mr. Brooke sa likod nito ay hindi maipinta ang mukha sa pinapanood. This time, she got Caden's full attention.

Kumunot ang noo ni Caden at tinatanong si Syntia sa ginagawa, he tried to remove her hands but the girl was just too shameless.

Marami na ang nanonood sa kanila, pati ang mga crew na may mga ginagawa ay napapabaling sa kanila dahil sa ginagawa ni Syntia. Her position looks so weird in front of Caden.

Tumaas ang balahibo ko, ako ang nahihiya sa ginagawa niya.

Caden tried to talk to her again, she bent more so she could hear it. Making her face close to his. Nagtiim bagang ako, parang umaakyat na ang dugo sa ulo ko.

Tumayo na ito, akala ko titigil at makikinig na kay Caden. Umikot ito para makalapit nang tuluyan kay Caden, she put her hands on his shoulder and sat on his lap.

Under the Stars (Tonjuarez Series I)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora