Chapter 5~ Angel Pretending Demon

27.5K 496 23
                                    

"I hate dealing with people like you, but bullying a student in front of me? That leaves me no choice. I'll have to fight you. Until my hands turn to bloody red, filled with your blood."
RaphaelaHaruno

Raphaela's POV

Nandidilim ang paningin ko. Umiinit ang dugo ko. Nararamdaman kong napupuno ng poot ang puso ko. Tuwing naalala ko ang mga dinanas ko noon, umuusbong ang galit sa puso ko. Nakikita ko ngayon sa harap ko ang mga nangyari noong mahina ako. Tangna.

#3 No Fighting

Naalala ko ang sulat ng aking ama. Yung pinakahuli. Naiinis ako sakaniya. Hindi niya alam na pakikipaglaban lang ang nakapagpaparelax sa akin. Hindi niya talaga ako kilala. Anong klaseng ama siya?

Pakikipaglaban lang ang kaibigan ko noon sa Japan. Pakikipagbasag-ulo sa kung saan ang naging hobby ko. Hindi ko kayang hindi makipagbugbugan lalo na kung may ginagawa silang mali sa paningin ko. Hindi ko kayang hindi pansinin ang mga taong kailangan ang tulong ko.

Lumapit ako dun sa duguang lalake at tinulungang tumayo. Nakatayo lang ang tatlong lalaking akala mo kung sino. Walang makikitang ekspresyon sa mukha ko, pero makikita mo sa galaw ko na sasabog na talaga ako. Itinabi ko siya kay Ayesha.

"Bantayan mo yan. I'll deal with the rest," sobrang lamig kong sabi.

"R-Raphaela." Nakita ko ang takot sa mata niya. Wala akong pakialam. Sa sobrang inis ko ngayon, hindi pwedeng hindi ako makipagbugbugan. Nararamdaman niya ang aura kong nakakatakot.

Humarap muli ako sa tatlong lalaki. Naaaninag ko ang takot sakanilang mata ngunit hindi nila pinapahalata. Hn. Jerks.

"I hate dealing with people like you, but bullying a student in front of me? That leaves me no choice. I'll have to fight you. Until my hands turn to bloody red, filled with your blood," kasing lamig ng yelo kong saad sakanila.

"C-can you do that? Y-you are just a girl!" sabi nung tumatayong lider nila. Tumawa siya para mawala ang takot na nararamdaman niya.

"Fooling yourself with petty words will not help you," sabi ko. Nakita kong nanigas siya. Tangna ka.

Yan ang problema sa mga tao ngayon eh. Porke babae akala nila mahihina. Masyado nilang minamaliit ang kakayahan ng babae. Mas lalo akong nainis. Ngumisi ako. "Do you know why I transferred into this school? Because of my brutality, my old school kicked me out. Why? Because the students I bullied have to stay one or two months in the hospital because of the injuries that I've caused. And you know what?"

"W-what?" Naglalakas loob lang siya. Kitang kita ko sa mga mata niya.

"Blood drives me crazy," sambit ko saka ngumisi.

Yeah. Brutal ako sa Japan. At dahil do'n, nagagalit sakin sina Daddy. Isa yun sa dahilan nila. At yun din ang ideyang naisip ko para mapansin nila ako. Attention Seeker ako eh. Lahat gagawin ko mapansin lang nila kahit mali.

"H-hanggang salita k-ka lang," takot na sabi nung lider nila.

Ngumisi ako saka lumapit sa kanila. Ilang metro nalang ang layo ko sa kanila pero tumakbo ako saka tumalon kasabay ang pagsuntok ko sa mukha niya ng sobrang lakas.

"ARGH!" daing niya saka nawalan ng balanse. Pero bago pa siya makahiga, hinawakan ko ang buhok niya at itinama ang mukha niya sa pader na katabi namin. Umagos ang dugo galing sa noo niya saka siya nawalan ng malay.Napangisi ako ng nakakaloko. Dugo. Umaagos sa mukha niya. Tangna mo. Nababagay sayo yan.

Sumunod naman yung isa. Sinugod niya ako. Agad ko naman itong pinatid at napasubsob siya sa sahig. Inapakan ko ang likod niya saka ko hinila ang collar ng uniform sa likod niya at binalibag ko siya. Nawalan siya ng malay.

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon