Chapter 8~ Teach Me How to... Smile

22.8K 362 7
                                    

"Nii-san. I don't know how to love. Is it necessary for me to feel what love is? My heart is as cold as ice. I don't think I can love with this kind of heart."

RaphaelaHaruno

Raphaela's POV

"Hime." Yinuyugyog ako. Ang sarap ng tulog ko eh. Tapos gigisingin ako? =____=

"Hmm," daing ko. Pramis. Inaantok pa talaga ako. Ayoko pang bumangon.

Hinila ako paupo ni kuya. Napilitan akong imulat ang mga mata ko. Nakakaewan naman. Ganito nalang ba tuwing umaga? Nakakasawa na.

"Andiyan si Angelo. Sabay daw kayong pumasok," sabi ni kuya.

Nabuhayan ako ng dugo sa di ko malamang dahilan. Anong ginagawa dito ng brat na yun? =____= Manggugulo nanaman siguro ng buhay. Yun lang naman ang alam nun eh. Pero bakit? Bakit di ko magawang paalisin siya sa buhay ko ngayon?

Hinila ulit ako patayo ni kuya, binigyan ng twalya at itinulak papasok sa banyo.

"In 30 mins., you're done. Got that?" utos ni kuya. Tumango ako saka sinara ang pintuan ng banyo. Nag-inat muna ako saka naghilamos ng mukha.

"Hurry. Angelo is waiting," dagdag ni kuya saka tuluyan ng lumabas ng kwarto ko.

Pagkasara niya ng pinto, agad kong ginawa ang ritwal ng babae sa umaga. Agad din akong natapos. Nasa dugo na talaga namin ang mabilis maligo. Cool. =___=v

Kinuha ko na ang bag ko at bumaba na ako. Nakatingin ako sa relo ko. 5:30am ako ginising ni kuya, 6am palang ang oras ngayon. Tss. Aga. =______= 7:30am pa klase namin. Ang lapit lang nung school. Pagkababa ko, dumeretso akong kusina. Andun si kuya ko. Papasok na ako nang may tumawag sa pangalan ko.

"RapRap!" Napatingin agad ako sa nagsalita. Si Gelo. Aga aga andito. Aga aga manggugulo. Aga aga magpapa-heart attack sakin. Eh lagi naman kasing kumakabog yung dibdib ko pag andiyan siya eh.

"What are you doing here?" irita kong tanong sakaniya. Gaguhan ba ito? Sinabi ko lang na ipunin niya ang tiwala ko pupuntahan na niya ako dito? Ano ba ang ibig sabihin ng salitang tiwala sakaniya?

"I'm here to pick you up," masigla niyang sagot. May ngiti pa sa labi niya, halos nakasara na ang mata niya. Aaminin ko. Cute talaga siya. Este. Gwapo ako. =___=

"You don't need to do this," bulong ko.

"I'm here because I want to be here." bulong niya rin sa tenga ko.

Lumaki ang dalawa kong mata kasabay nang pag-init ng magkabilang pisngi ko. "FREAKIN' TOFU!" bulalas ko. Napahawak ako sa puso ko.

"Hahahaha! Your face! Hahaha! Priceless!" Napahawak siya sa tiyan niya katatawa. Napaismid ako saka siya iniwan 'roon. Umupo ako sa dining table nang nakasimangot. Gagong lalaki iyon.

"Hindi maipinta ang mukha mo ah," natatawang sabi ni kuya. Napatingin ako sakaniya saka sumagot, "He's annoying as hell."

Tumaas ang kilay ng kuya ko kasabay ang pagsigaw ni Gelo.

"RapRap! I'll wait for you here!" sigaw niya mula sa sala. Napa-facepalm ako. "See?" sabi ko kay kuya, stating my point.

Tumawa siya ng mahina, hindi ko siya pinansin. Ininom ko yung gatas ko at kinain yung sandwich na ginawa ni kuya.

"You like him, don't you?" biglang tanong ni kuya sa akin. Natigilan ako sama tumingin sa kaniya. Tinuro ko pa sarili ko. Tumango siya saka ngumisi.

Nasamid ako. Ininom ko yung gatas para mahimasmasan ako. Tangna. What now?

"How do you say so nii-san?" tanong ko sakaniya saka nginuya ang sandwich.

The Emotionless QueenWhere stories live. Discover now