Chapter 41~ Dreadful Suffering

9.9K 174 12
                                    

Raphaela's POV

Pumasok ako sa loob ng bahay namin. Nakita ko si kuya na nanunuod. Di ko napigilan ang sarili ko. Linapitan ko siya saka yinakap. "Nii-san." bulong ko. Nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. Ayoko silang iwan. Ayoko pa. Pero pag di ko naman ginawa, sila naman ang mawawala sakin. Mas magandang ako nalang ang mawala kesa madamay sila sa kaguluhang ito.

"Bakit Hime?" tanong niya sakin saka ako yinakap pabalik.

Malapit na akong mawala nii-san. gustong gusto kong sabihin sakaniya. Pero di ko magawa kasi alam kong naririnig ako ni Heart.

"Wala lang po. Gusto ko lang na yakapin kita." yinakap ko siya ng mas mahigpit pa.

"Tell mom and dad that I love them very much, ok?" sabi ko saka isnuksok ang mukha ko sa dibdib ng kuya ko kasabay ang pagtulo ng isang butil ng luha galing sa kaliwang mata ko.

"What are you saying Hime? Makapagsalita ka parang mamamatay ka na ah." natatawang sambit niya

Oo nii-san. Tatlong araw lang ang itatagal ko. Tatlong araw lang kuya.

"Nii-san I'm sorry. Mukhang babalik nanaman ako sa dating ako." sabi ko

"Bakit?" siya

"Lahat may dahilan nii-san. Pero di ko pwedeng sabihin sayo." kumawala ako sa yakap saka tumayo. Nagsimula akong maglakad.

"Hime. Daijoubu?" nagaalalang tanong niya sakin. Itinaas ko ang kamay ko at nag-ok sign kasabay ang pagtulo ng mga luhang kanina ko pa kinikimkim. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko. Napapikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha ko.

Ang sakit. Grabe. Kung kailan ayos na ang pamilya ko. Kung kailan nagbago na ako. Saka siya nagbabalik upang sirain ulit. Talagang mapagbiro ang tadhana. Bigla akong nanghina. Ayoko silang iwan. Ayoko. Mahal na mahal ko sila. Pero ito lang ang natatanging paraan para di sila mapahamak pa.

I fell into my knees. My lips start to shake. And my tears build up quickly and fall fast. I tried to suck it all in and try not make any noise but it hurts so much to hold it in. But still, I tried not to make any noise.

Ayokong mag-alala si kuya sakin. Kinagat ko ang labi ko habang tumutulo ang luha ko.

Please Raphaela. Para sakanila din ito. Oo. Mahal na mahal ko sila. Kaya kailangan isakripisyo mo ang sarili mo para sakanila. Diba ganun naman pag mahal mo? Isasakripisyo mo lahat para sakanila. Kahit ang buhay mo. Kahit ang kaligayahan mo. Lahat lahat. Para lang sakanila.

Medyo kumalma ang utak ko. Napahinga ako ng malalim saka ngumiti kasabay ang pagtulo ng mga luha ko. "Lord. Kaya ko to. Diba?"

Humiga ako sa kama ko saka nagtalukbong. Ganito pala pakiramdam ng mga taong may taning na ang buhay. Ang hirap iwanan ang mga taong nagmamahal sayo. Pero nakatadhana na eh. Kahit anong iwas mo, wala parin. Wala ka nang magagawa pa.

The Emotionless QueenWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu