Chapter 13~ The Lost Leader Has Been Found

15K 260 5
                                    

Don’t interfere. I hate it when they underestimate me. I just want to show them, I am the boss.”

RaphaelaHaruno

Raphaela’s POV

Aish. Ba’t ba ang dami nanamang nakatingin? Tangna. Araw araw na lang bang ganito tuwing papasok ako sa loob ng eskwelahan? Oks. Wala akong pakialam. Hinatid ako ni kuya and sadly, sinama niya si Maki sa ospital which is odd. Sabagay, walang magbabantay sa kaniya. Dadalaw ba ako o hindi?

“RapRap.” Napalingon ako at nakita ko sila, kumpleto. Kasama pa nga si Zian eh. Oi, Zian. Di ka nag-aaral dito. Shoo. Biro lang. -___-

“Yo guys,” bati ko sa kanila. Tumabi sila sa akin saka nakipagbro-fist. Sabay sabay na kaming naglakad at medyo nagtaka ako kasi ako sa unahan. Ano ito? Mukhang tanga naman. Mas lalong nagtaka ang mga estudyante. Maiiwasan ba ang bulungan at kung anu-anong kaekekan? Siyempre hindi.

“The Nobodies. Pero sino yung babae?” Bro. Ako si Raphaela. Nice to meet you.

“Kabilang ba siya diyan?” Tingin mo bro? Sasama ba ako sa kanila kung hindi?

“Nakakatakot talaga ang grupo nila. Pero yung babae, siya ba yung nawawalang pinuno nila?” Whoa there, bro. Paano mo alam?

“Nahanap na nila ang ‘Lost Leader’ o nagbabalik?” Nakita niyo ba ako nung naging grupo sila? HA?! Isip bro. Isip.

Nakakasakit ng ulo yang bulungan.

“All students, please proceed to the gymnasium for some revelations,” sabi nung nagsasalita mula sa mga speaker sa loob ng eskwelahan.

“Revelations amp. -____-” Ako yan. O ano? May aangal?

At siyempre lahat ng estudyante sumunod. Sabi ni Ate Zoe sasabihin daw sa kanila na nagbabalik na ako. Para daw malaman nila na hindi dapat ako binabangga. Lahat daw kasi ng estudyante dito, basagulero. Mahilig sila sa away at bugbugan. Di halata kasi disente silang tignan. Kaya pala noon, naramdaman ko na kakaiba itong eskwelahan na ito. You can’t blame me guys. Iba talaga, nakakakilabot.

Sumunod na rin kami. Walang maingay, ni bulungan, nawala. Umakyat kami sa stage saka ako napatingin sa mga estudyanteng narito. Kung titignang mabuti, parang ordinaryo lang sila pero nang nalaman kong gangsters sila, medyo nabigla ako. Pero pramis, nung una, kinilabutan ako sa paaralang ito.

Biglang kinuha ni Gelo ang mic saka nagsalita. “Kaming lahat ay nagagalak sabihin sa inyo na naririto na ang nawawalang pinuno ng ‘The Nobodies’. The Lost Leader has finally found. So guys, I would like you to me---”

“BAKIT HINDI NIYO SINABI AGAD?!”

“KUNG SINO MAN YAN, DAPAT LANG SIYANG KALABANIN!”

“HINDI PORKET NAHANAP NA SIYA, MAY SPECIAL TREATMENT SIYA!”

“KALABANIN NIYA MUNA KAMING LAHAT!”

“LIDER NIYO?! WEAK! TANGNA!”

At nagpatuloy ang sigawan at hindi nila pagsang-ayon. Medyo nawawalan na ako ng pasensya dahil sa inaasal nila. Wala na akong pakialam! Kung kalabanin e di kalabanin! Tangna nila a!

“Give me the mic,” kalamado kong sabi kay Gelo.

“TINURUAN KA BA NG MAGULANGMO LUMABAN? BA’T ANG HINA MO?!” Tangna. Oks na lang sana eh. Dinamay, bro. DINAMAY.

“I can handle thi-”

 “JUST GIVE ME THE FUCKING MIC!” singhal ko sa kaniya. Natigil ang sigawan nila saka napatingin sa akin. Agad kong inagaw kay Gelo ang mic saka tumingin sa kanila, malamig na tingin.

The Emotionless QueenWhere stories live. Discover now