Chapter 18~ Defend the Undeserving

13.1K 233 2
                                    

“Fine. Ridicule me. Spit on me. Step on me. I don’t give a damn. But, messing with my parents? I won’t ignore that shit. Kahit pa matanda ka, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka. ”

RaphaelaHaruno

Raphaela’s POV

Hindi pa rin mawala sa isip ko ‘yong nangyari kanina. Biglang lumilitaw sa utak ko ‘yong mukha ni Gelo. Bigla bigla na lang bibilis ‘yong tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan. Ang gulo. Parang, gusto kong lagi siyang makasama pero nahihiya akong kasama siya. Pero—Tangina. Tama na nga!

“Ilang linggo na lamang, pagsusulit niyo na,” panimula nung guro, “wala akong pakialam kahit hindi kayo nakikinig sa akin. Importante maipasa niyo lahat ng pagsusulit na ibibigay ko. We’ll start with the lecture.” Math. Puro na lang Math. Nakakasawa na ang Math. Hindi ako gano’n kagaling pero hindi rin ako gano’n kabobo sa Math. Hindi rin sa ayaw ko, nakakasawa lang.

Noon, lagi naman akong nasa unang ranko. Hindi ako bumabagsak. Ngunit, hindi pa rin sapat iyon sa mga magulang ko. They want me to excel more. They want me to be perfect. Nakakasawa. Lalo na kung hindi man lang nila ako bigyan ng pansin. Lagi akong nangangarap na pansinin nila ako. Pero, kahit ano ang gawin ko, wala akong napapala. Dumating din ako sa puntong nagsawa na ako. Hindi na ako nag-aaral. Lagi akong natutulog. Nagrebelde na ako. Akala siguro nila, kapag sinama nila ako sa Japan, magbabago ako. Wala pa ring nagbago sa trato nila sa akin kaya lumala ang pagiging rebelde ko. Isa rin sa rason ko ‘yong nangyari sa aming dalawa ni Heart. Ayoko nang magmahal pa. Ayokong magtiwala pa. Sila Bianca, si kuya, sapat na. Ayoko nang masaktan ng gano’n kalala.

“Mess with me, or you’re dead.” Motto ko ‘yan. Sa Japan, maraming nanghahamon, marami ang mga taong kating-kating makipagbasag-ulo. Nakita kasi nila kung gaano ako kagaling sa pakikipagbugbugan doon. Kaso, walang bahid na emosyon ang mukha ko. Nabansagan akong “The Emotionless Queen”. Sa totoo lang, wala akong pakialam.

Pero, ngayon, gusto ko nang magseryoso. Gusto kong ipakita sa kanila na kaya lang ako bumabagsak noon ay dahil hindi ako nagseseryoso. Gusto kong ipakita sa kanila na ako si Raphaela Haruno.

“Ms. Haruno!” Nagising ako sa realidad nang marinig ko ang pagtawag sa akin. Napatingin ako sa harap. Nakatingin na rin sa akin ang guro, nanggagalaiti na sa inis. “Kanina ko pa tinatawag ang atensyon mo. Sagutin mo ito.” Tinuon ko ang atensyon ko sa pisara.

Find x: 2x2-60= 12

Kadali. Sa totoo lang, gusto kong mag-solve ng mga ganiyan. Hindi komplikado. Hindi naman ako tanga para hindi masagot yan. Napakasimple. Masyado ata akong minamaliit ng guro na ito.

“The answer is 6,” sambit ko.

Lumaki ang mga mata niya. “P-Paano mo nasagutan ng hindi man lang inalis ang titig sa pisara? Ni hindi ka man lang nakikinig sa akin simula noong first day!”

“Napakasimple lang ng equation na ‘yan, Ma’am. Hindi na kailangang isulat. Minamaliit mo ako, Ma’am.” Malamig ko siyang tinignan. Namula siya sa hiya. “Akala mo bobo ako porke hindi ako nakikinig, Ma’am? Maraming mga taong akala mo bobo, pero mas magaling pala sa’yo. Don’t jump into conclusions, Ma’am.”

Inis. Yan ang ekspresyon niya. “Nasaan ang respeto mo?!” Hn. Defensive mechanism. “Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo kung paano gumalang?! Mas nakatatanda ako sa’yo, Ms. Haruno!”

Hindi ako umimik. Masyadong makitid ang utak niya. Minaliit niya ako, dapat lang na masabi ko ang mga bagay na alam kong tama. Dahil kung hindi, baka pahiyain niya ang ibang estudyante bukod sa akin. Dapat marunong din siyang rumespeto kahit sa mas bata sa kaniya.

Nakita kong ngumisi siya. “O? Hindi ka makasagot? Totoo nga! Nakakahiya ‘yang mga magulang mo! Hindi ka nila pinalaki ng maayos!”

Matalim ko siyang tinignan. She triggered my parasympathetic nervous system. Tumayo ako, padabog. Nagulat sila sa ginawa ko. Wala man akong emosyong ipakita, mararamdaman nila ang napakadilim kong aura. “Fine. Ridicule me. Spit on me. Step on me. I don’t give a damn. But, messing with my parents? I won’t ignore that shit. Kahit pa matanda ka, hindi ako magdadalawang isip na saktan ka.”

Nasulyapan ko ang nasa taas ng pisara. Napangisi ako. I’m such a troublemaker.

Kinuha ko na ang bag ko saka naglakad palabas ng pintuan. “Hindi mo ako kilala, Ma’am. Wala kang alam sa pinagdaanan ko. Wala kang alam sa naging buhay ko. Kaya wala kang karapatang ibulalas ang mga katagang yan. Kapag nangyari uli ito,” pinihit ko ang hawakan ng pinto, “hindi kita sasantuhin.”

Lumabas ako mula sa silid papuntang Principal’s Office. Nakita kong nakatutok sa amin ang CCTV. Imposibleng hindi ako tawagin sa ginawa kong pangbabastos. Tama lang sa kaniya ‘yon. Binastos niya rin ako e.

Bago pa tawagin ang pangalan ko, nakarating na agad ako sa pupuntahan ko. Sinalubong ako ng yakap ni Ate Zoe. Nagulat ako. Anong ginagawa niya?

“Raphaela, gusto mo bang isesante na natin yung guro na yun? Alam kong nasaktan ka sa sinabi niya,” bulong niya sa akin saka kumawala sa yakap.

“Nah. It is still my fault for being so rude. I can handle it,” sagot ko saka ngumiti ng tipid.

“Sigurado ka?” Tinignan ko siya deretso sa mata saka tumango.

“Thank you,” sambit ko.

“Bakit? Para saan?”

“Sa pag-aalala sa akin,” sagot ko.

Nakita kong ngumiti siya ng matamis. “Nakikita ko kasi si Angelo sa’yo. Ayaw niyang nasasabihan ng ganiyan sila mommy kaya pinapatulan niya. Bili ako sa inyo,” sabi niya.

Biglang bumukas ang pinto nang walang pasabi. Si kuya pinatawag niya?

“Nii-san,” sambit ko saka ko sinundan ang tingin ko sa kaniya.

“Zoe texted me,” sabi niya.

“Magkakilala kayo?” tanong ko sa kanila.

“Yeah. We’re good friends.”

Kaya pala.

“So, what did you do this time, Hime?” walang ganang sabi ni kuya. Parang sanay na sanay na. -__-

Pumunta si Ate Zoe sa lalagyanan niya ng mga libro saka hinila ang pulang libro. Bigla itong nagbukas. Cool.

“Xander, come here. Raphaela, pwede ka nang umalis.” Ngumiti siya ng matamis samantalang ako, umalis na rin.

Habang naglalakad ako, may nabangga ako. Nahulog lahat ng gamit niya sa sahig, tinignan ko lang siya habang pinupulot niya ang mga gamit niya. “Ano ba ‘yan! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo-” Natigil siya ang nakita niya ako.

 “Yeah, right.” Piangpatuloy ko na lamang ang paglalakad ko. Dederetso akong canteen. Gutom na ako.

Xander’s POV

“Hindi ko akalaing may pakialam pa siya kila mama,” saad ko habang pinapanuod ang nangyari kanina.

“So, tuloy na tuloy ang plano.” Nasulyapan kong ngumisi si Zoe.

“Hn. So you really are enjoying yourself,” sabi ko sa kaniya.

“Yeah. Your sister’s pretty amazing and unpredictable.”

Umiling na lamang ako saka ni-replay ang video.

“Maghintay ka lang, Hime. Magkakaayos din kayo.”

The Emotionless QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon