Chapter 43~ Sayonara Minna

10.8K 201 51
                                    

Third Person's POV

Ang ina ni Heart ay sobrang natamaan sa sinabi ng kaibigan ni Heart sakaniya. Ilang araw ang lumipas simula nung nakausap niya si Raphaela. Pero di parin niya makausap ang anak niya. Siya ay nangangamba... nangangamba sa pwedeng isumbat ng anak niya sakaniya. Pero ngayon napagtanto niya na. Kakausapin niya ang anak niya, harap-harapan.

Siya ay pumunta sa silid ng kaniyang anak. Siya ay may kausap sa kaniyang phone. Napakaseryoso ng kaniyang mga mata pero sumisilay sa kaniyang labi ang isang nakakalokong ngisi.

"...nasa ospital? Di namatay? Tss. Hayaan niyo muna. Basta bantayan niyo. Kilala ko siya. Pinaninindigan niya lahat ng sinasabi niya." malamig na sabi ni Heart sa kausap. Natigilan ang ina niya.

Anak ko ba yan? bulong ng ina niya sa sarili. "Angela." tawag niya sa anak. Napatingin sakaniya si Heart. Ang kaninang seryosong mata ay napalitan ng sobrang lamig na tingin.

"Anong kailangan mo?" malamig niyang saad saka binaba ang phone niya.

Napahinga ng malalim ang ina niya "W-We need to talk." sabi niya. Di nagbago ang ekspresyon ni Heart. Blanko lang siyang nakatingin sa kaniyang ina.

"Bahala ka." malamig na sabi ni Heart.

~~~~~

Ilang araw ang lumipas nung nangyari ang pagsasaksak sa sarili ni Raphaela. Pero kahit ganu'y di siya namatay. Naisalba parin ang buhay niya.

Unti unting minulat ni Raphaela ang kaniyang mga mata. Patay na ba ako?  tanong niya sa sarili. Ginala niya ang paningin niya. Puro puti. Pakshet. Di ata ako namatay eh. Kasi nasa ospital ako. sabi niya sa sarili

Yinakap siya ng kuya niya na nagbabantay sakaniya. Nagulat si Raphaela pero gumaan din ang loob niya. Di napahamak ang kuya niya.

"Where are the others nii-san?" tanong nito sakaniyang kuya. Kahit siya ay nanghihina pa, kapakanan parin ng iba ang iniisip niya.

"They are safe. Simula nung ginawa mo yung bagay na yun, walang nangyari." sabi ng kuya niya sakaniya. Gumaan ang loob niya saka ngumiti. Pero di pa tapos ang misyon niya. Pag nalaman ni Heart na buhay pa siya, may posibilidad na lahat sila papatayin.

Kumawala sila sa yakap at tinignan ni Raphaela ng mataimtim ang kanyang kuya saka ngumiti. Kung iisiping mabuti, pag di mo tinignan ang mga mata ni Raphaela, maaaring maloko ka niya sa pekeng ngiti niya. Pero ngayon. Nakita ng kuya niya ang kalungkutan sa mga mata ng kaniyang kapatid.

"Hime. Ano bang problema?" di na natiis ni Xander ang sarili. Oo. Binalaan siya noon ni Raphaela. Di niya talaga maintindihan ang mga nangyayari.

Ngumiti ng pilit si Raphaela "Nii-san. Bilhan mo nga ako ng pagkain sa labas. Nagugutom ako." pag-iiba niya ng usapan

Huminga ng malalim si Xander saka hinalikan ang noo ng kapatid "Sige. Papapuntahin ko si Angelo dito para bantayan ka. Don't do anything stupid, ok?" bilin niya sa kapatid.

The Emotionless Queenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن