Chapter 42~ Fixing My Enemy's Life

9.6K 175 11
                                    

Raphaela's POV

Lumabas ako ng ospital at tinawagan si Heart. Nanggagalaiti ako sa inis.

"Oh hello dear! Napatawag ka?" sarkastiko niyang sabi

"Fuck you. Kahit kailan talaga Heart. Di ka marunong tumupad sa usapan." nanggigigil kong saad.

"Tanga. Akala ko ba di ka na magtitiwala pa? Hindi naman ako katiwa-tiwala, diba?" tumawa siya ng mahina. Sa sobrang inis ko, sinuntok ko ng malakas ang puno na nasa tabi ko. Di ko naramdaman ang sakit. Sa sobrang galit na nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko namanhid na ako.

"If anything happens to her, I swear I WILL KILL YOU." sobrang lamig kong saad.

"Her? Diba dapat him?"

"Anong ibig mong sabihin?" malamig ko paring sabi

"Si Raphael Levisque dapat ang nabaril. Inutusan ko ang isa sa mga alagad ko."

Lumaki ang mga mata ko saka agad siyang binabaan. Pumasok ako sa ospital. Pakshet. Nasaan na ang kapangalan ko?! Baka may mangyaring masama sakaniya. Baka mauna pa siya sakin mamatay. Ayoko silang madamay dito. Ayoko. Di ko kakayanin.

Pumunta ako sa harap ng ER. Andun sila. Hinanap ng mga mata ko si Raphael. Kaso wala. "Asan si Raphael?!" tanong ko sakanila.

"Nasa loob na. Di masyadong kritikal ang nangyari. Tinamaan siya sa malapit sa kidney. Pero walang natamaan na vital organs kaya yun. Naagapan din." sabi ni nii-san. Gumaan ang loob ko. Pumasok narin ako sa loob ng kwarto. Andun siya. Hawak hawak ang kamay ng walang malay na Ayesha. Nakaramdam ako ng awa. Iniwan na siya ni Samantha. Paano pa kaya kung si Ayesha iniwan din siya? Makakayanan niya kaya?

"Kapangalan." tawag ko sakaniya. Lumingon siya sakin saka pilit na ngumiti

"Diba dapat para sakin yung bala na yun?" sabi niya saka binaling ang tingin kay Ayesha. "Ako nalang sana ang nabaril."

Linapitan ko siya saka tinapik sa braso "Ganyan talaga pag mahal mo ang isang tao. Lahat gagawin mo maprotektahan mo lang siya. Kahit buhay mo pa ang nakataya." sabi ko saka ngumiti

"Magpasalamat nalang tayo kasi di kritikal ang kondisyon niya. Magpasalamat nalang tayo kasi naagapan." dagdag ko saka umupo sa higaan at tinitigan si Ayesha.

"Mahal ka talaga niya kapangalan." biglang sabi ko

Ngumiti lang siya. Pero yung mga mata niya... puno ng emosyon.

"I'm your friend too. You can tell me anything." sabi ko. Tumingin siya sakin

"I-I'm fine." nag-aalangan na sabi niya

Tinitigan ko ang mga mata niya "Yes. You are fine says your mind. But how's your heart? Is it fine too?" sabi ko

The Emotionless QueenWhere stories live. Discover now