Prologue

9 1 2
                                    

WARNING:
This chapter contains or mentions death. Read at your own risk.

***

"Tulong!"

  "Kelangan pa namin ng support dito!"

"Sino pa may healing potions?!"

  "Asan na ba ang healer?!"

  Maraming nagsisigawan at naghihiyawan sa paligid. Bawat isa ay busy masyado sa kanilang ginagawa.

  Sa harapan mismo namin ay isang napakalaking minotaur na tinatawag na High Minotaur Guardian. Isa ito sa mga mahirap talunin na boss sa Blood Frontier, kahit nasa mismong raid kami kung saan napakaraming players ang magtutulungan para matalo ito.

  Napakarami nitong lives, 35 to be exact, at malakas rin ang strength, physical damage resistance at di gumagana ang karamihan sa mga debuffs.

  Well, unless, you're like me.

  Lumapit ako sa minotaur to the point na nasa area of aggro na niya ako. Nakita naman ako ng iba kong kasamahan sa raid at laking gulat nila nang makita ako.

  "Hoy! Magpakamatay ka na ba?!"

   "Hintayin mo ang iba, Merlin!"

  Sigaw nila sa akin, pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. It's clear na di sila marunong talunin ang raid boss na 'to, that's why I have to finish this one myself.

  They're probably rookies.

  "Let them be. Marami akong alam sa player na yan. Siya si Merlin, ang Lone Magician..."

  "T-Teka... don't tell me yung top 5 sa tournament last year at top 1 sa mage class??"

  "Siya nga..."

  Hindi ko na inabala pa ang sarili ko sa kanilang tsismis at ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad. As long as they won't get in my way, I'll be fine.

  Ngayong maayos na ang skill setting ko, handa na akong lumaban at tamang-tama na nakita ako mismo ng minotaur. Sinubukan niya akong sugurin gamit ang kanyang higanteng battle axe.

  Dahil dito, kahit gaano kalakas ang kanyang basic damage, mabagal siya mismong umatake. That's where I come in.

  Tinamaan ko siya ng aking skill na Wave Shock kung saan pwede kong ma-stun ang aking target ng ilang segundo, dahilan para di sila makagalaw.

  Kinuha ko ang tsansa na ito para paulanan siya ng aking mga high DPS na skill attack, sunod ay mga basic attack.

   At nang mawala na ang stun effect, sinubukan kong iwasan ang kanyang mga atake at the same time, hindi siya hinahayaang umalis.

   Ilang minuto ko itong ginawa, paminsan natatamaan ako pero dahil sa healing potion ko, madali lamang ito. I'll just have to be fast enough.

  Binilisan ko pa lalo ang aking mga atake at action sequence. Sa mga labang ganito, on normal circumstances, kailangan mo talaga ng team para sa support at tank.

  Pero ever since hindi na naglalaro ang mga kaibigan ko sa Blood Frontier, nakasanayan ko nang maglaro mag-isa, at pumasok sa mga raid na ganito mag-isa.

  "Ang bilis niya..."

  "Dahil mataas ang APM* niya. Ganun siya kagaling."

  Ang ibang player ay sumali na rin sa pag-atake at dahil nasa sa akin ang aggro, nagkakaroon sila ng free hit. Well, I don't mind. Pare-parehas lang naman ang bigay na xp at coins dito.

Fyranhelm: Sage's Resentment [Mythical Fantasy]Where stories live. Discover now