Chapter 2: Advance

2 0 0
                                    

[Murfield] on the media. AI generated in Prompt Hunt.

---

"Excuse me."

Lumingon ang player sa akin.

Siya ay may ginger na buhok na kulot, at may freckles siya sa kanyang mukha. May glasses siyang suot.

Maiisip mo na baka mage o priest siya pero isa siyang warrior. This is for sure a newbie, not just in this game, but in rpg in general.

Ang IGN* niya'y [Lannce].

"Pwede ba tayo mag-form ng party? Wala rin kasi akong kasama," sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Party...? Oh okay okay! Is that like a group right? Paano ba mag-form ng party...?" Tanong niya sa akin. As expected.

"Don't worry. I'll handle this," sabi ko sa kanya. Nagform na ako ng party at inimbita ko siya dito. Pumasok na siya kaya maaari na naming gawin ang quest. He's having trouble in the game, di ko alam kung magtatagal pa siya.

Pumunta na kami sa location ng quest. Di naman ito kalayuan pero parang napakalayo nito since ang daldal pala ng kasama ko.

"By the way, Merlin, how long are you playing Mythical Fantasy? Or ibang rpg? First time ko kasi ngayon. Napaka-special nitong game sa cousin ko so gusto ko i-try. Ahahah!"

He is really annoying. Sana di na lang ako nakipag-party sa kanya. Nandito tayo para maglaro, hindi mag-usap tungkol sa personal life.

"I would rather not reveal any personal information though. Wala kang mapagkakatiwalaan sa online games," sabi ko sa kanya sabay ngiti pa.

"Really?? So why are you playing despite that?"

"They're here to enjoy the game and its mechanics, not other people. Ganun din ako."

Sana tumahimik na ang isang ito. Pagkatapos ng ilang sandali, nakarating na kami sa quest location. According sa NPC* kanina, kailangan naming talunin ang isang mini boss na Hound Bear which is kalahating aso at kalahating oso. Madali lang naman siyang talunin since level 9 lang ito.

Nang makita namin ang Hound Bear, sumugod na kaagad si Lannce. I guess I'll just use him as a decoy then.

Habang kinukuha niya ang aggro ng oso, ginamit ko ang isang buff skill, Determination, na nagpapataas ng damage dealt namin.

Then, ginamit ko ang dalawang skill. Ang isang skill ay nagbigay ng lindol sa aming posisyon kung saan nahilo at nagkaroon ng stun effect ang kalaban, ang Death Quake. Ang isa naman ay naglabas ng ipo-ipo sa kanya, dahilan para patuloy siyang nagkakaroon ng damage, ang Whirling Wind.

Since hindi sa akin ang aggro, hindi niya napansin ang atake ko. This resulted to Lannce getting more damage. Ginamit ko agad ang healing pool ko na skill, ang Revival Rain.

Then, nagpatuloy na lang ako sa aking basic attack. Hinintay ko na maubos ang cooldown ng mga skill saka ako umatake ulit gamit ito.

Mas binilisan ko pa ang aking attack sequence hanggang sa naubos na ang kanyang buhay. Finally, I'm done.

Tumingin sa akin si Lannce at parang biglang kumikinang ang kanyang mga mata habang nakanganga lang.

Fyranhelm: Sage's Resentment [Mythical Fantasy]Where stories live. Discover now