Chapter 1: My Avatar

6 1 0
                                    

ARIEL

Ilang araw na ang nakalipas since ang pagkamatay ni Arthur at ni isang beses, di ako lumabas ng apartment.

Parati na lang akong nag-oorder ng fast food. Pagkatapos kong kumain, matutulog ako, paggising ko, kakain ulit ako, and that repeated for a few days. Paminsan, naglalaro ako ng Blood Frontier.

I don't have the energy to do anything. Di ko alam kung dahil ba sinusubukan kong kalimutan ang lahat ng nangyari, o tinatamad talaga ako.

"Fyranhelm..."

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Arthur sa akin sa ospital.

"Sa Mythical Fantasy ay may secret location doon na tinatawag kong Fyranhelm. It's a magical place, at gusto kong hanapin mo yun..."

He invited me in a game, or more like a bet, that I'll get a reward if I win. I can't believe that it would be our last conversation. Ang mokong yun.

Kung gusto niya talaga akong ipalaro ng kanyang game, edi sana sinabi niya. Lalaruin ko naman ang mga game na nilalabas niya.

"So you want to play games, but don't want to make them..."

"Then, I'll make you games! Gusto ko kasing maging developer! Tapos ikaw ang magiging tester ko!"

Did he forget our goal that time? Idiot.

Tumingin ako sa flash drive na ibinigay ni Kyle noong nakaraang araw. Sa file na ito ay ang Mythical Fantasy, kasama na rin ang guides at guidelines para makuha ang isang weapon na "birthday gift" niya daw sa akin, kahit tapos na ang birthday ko.

And I'm already 27 anyway, di ko na inaalala ang birthday ko.

Binasa ko ang lahat ng nilalaman ng guides at pareng parehas ito sa guide na ibinigay nila noong humahanap sila ng beta tester. Isa ako doon, kaya may alam ako sa game kahit papaano.

I wonder if I should play it again now... for real this time...

"Dapat laruin mo ang games ko, ha? Wala kang takas!"

...

Nilapitan ko ang computer ko at isinaksak ang drive sa cpu. Binuksan ko ang Mythical Fantasy. I guess this is what he wanted... For me to really play the game...

Lumabas na ang title screen at pinili ko ang pinaka-latest na server, ang Crimson Pearl Server, kung saan karamihan dito ay mga Filipino. Salamat at kaninang umaga pa lang bumukas ang server na 'to, that means bago pa lang ang mga player dito.

---

Welcome to [Crimson Pearl], traveller.

Please enter your name:

---

Sinulat ko ang [Merlin] bilang pangalan ko at sunod naman na ginawa ko ay ang character customization.

Grabe ang details sa customization na di na mismo nila nilagyan ng sex identification dahil ang player na mismo ang lalagay ng mga gusto nila ng feature sa kanilang avatar.

Sa beta kasi, masyadong basic palang at kakaunti lamang ang choices. Ngayon, pati height, at body type, pwede mong baguhin. Pwede ka ring magdagdag ng mga elf ear, animal ear at buntot.

In cases like these, usually pinapaliit ko ang aking character. The smaller, the lesser target. Pinaiksi ko ang kanyang buhok at kinulayan ng ash blonde ito. Kinulayan ko naman ang kanyang fox eyes ng purple.

Fyranhelm: Sage's Resentment [Mythical Fantasy]Where stories live. Discover now