Chapter 4: Ambush in Carten

0 0 0
                                    

Alam kong marami akong kinalabang mga malalakas na boss at players sa buong buhay ko ngunit dahil mataas ang level ko.

Dito sa Mythical Fantasy, I'm still a beginner. That's why I'm nervous about defeating this spider queen.

Pero kalahati na lang ang kanyang buhay, kung mag-iingat lang ako, siguradong matatalo ko 'to. And besides, I can't stand losing face in front of these bunch of rookies.

Ginamit ko ang aking Determination na buff at nagsimula na sa pag-atake.

Pinaulanan ko siya ng dalawa kong skill attack na Whirling Wind at Thorn Surge, at bumalik sa basic attack habang hinihintay kong mapuno ang aking mana meter.

Pagkatapos nun, magpapatuloy sana ako sa pag-atake gamit ang aking skills nang bumuga siya ng kanyang AOE burst.

Nakaatras pa ako mula sa instant poison damage nito ngunit hindi ako nakatakas sa kanyang poison effect. Did the radius of her reach increase?

Bumalik ako kaagad sa kanyang harapan at ginamit ang aking Revival Rain. Aakmang aatakihin niya ako ngunit mas nauna akong umatake gamit ang aking basic attack, then sinunod ko na ang aking mga skill attack.

Patuloy ako sa pag-atake at dahil sa bilis ko, mas marami pa ang damage na naibigay ko dito kesa sa damage na natanggap ko. At dahil in-activate ko ang heal pool ko, bumabalik ang hp ko every time.

Pagkatapos ng iilang minuto, ibinigay ko sa boss ang aking final skill attack.

"KIIIHAAAHHH!!"

Tumili siya nang napakalakas at nawala na nang parang bula. I'm glad that's done.

Bigla na lang nag-pop-up ang napakaraming tabs sa aking harapan.

---

[Cave Spider Queen] defeated!

Received:
Anti-Poison Robe
Spider Blade Dagger
10,000 coins

---
[Spider Cave] Seal has now been implemented to the dungeon.

---

Congratulations to players:
[Za1de]
[HiroAkatsuki]
[Cathy_gemini]
[Lilybeth]
[Merlin]

For completing the [Spider Cave] dungeon quest under [24 min 55 sec]

---

Congratulations! You levelled up!

Level 18 >> Level 20

---

Oh shît. Nakalimutan ko palang ina-announce ng game sa system chat kung sino ang nakakumpleto ng dungeon sa pinakamababang oras.

Well, previous me would always keep it that way. Pero ayaw ko nang maging competitive ngayon.

Gusto ko lang i-enjoy ang game na 'to in a non-competitive approach. Hays. I'm sure may makakatalo rin sa aming record once na lalakas na sila.

Nandito lang naman ako para sa quest at sa dungeon seal, ang Spider Cave Seal. Ito ay isang privilege na makukuha pagkatapos mong makumpleto ang isang dungeon for the first time.

Gamit ang seal, mapapababa niya ang difficulty ng dungeon at magiging madali lang ang pagkompleto nito.

That's why alam kong may makakatalo rin ng record namin dahil sa seal na 'to. But that doesn't matter to me.

Fyranhelm: Sage's Resentment [Mythical Fantasy]Where stories live. Discover now