Chapter 5: Predicament

4 0 0
                                    

  Pagkatapos ng ilang oras na pagpatay sa mga monster, nakarating na kami sa Acraine. It took too long than expected, to the point na naglevel-up mismo kaming dalawa ni Lannce. I guess escorting him wasn't in vain.

Nagsimula na rin siya sa kanyang mga quest habang ako ay tinapos na lang ang ibang side quest.

"Tapusin mo muna ang ibang quests bago ang dungeon quest. And once that's left, call me," sabi ko sa kanya. Tumango siya bago siya umalis. He's not that bad in following instructions.

And I also can't help but want to assist him in the dungeon. Newbie palang siya sa mga larong ganito. I can't just leave him hanging.

Isang oras na ang nakalipas at natapos ko na ang lahat ng side quests, at least, yung mga available sa map.

Mayrun kasi yung mga secret quest na tinatawag na wala mismo sa map at natitrigger lang ito under certain conditions.

And just like sa Murfield, wala mismong clue patungkol sa Fyranhelm. There was no trigger or quest that connects to it.

I guess ang titingnan ko na lang ay ang mga secret quest na nakalagay. Judging by the size of this city, sigurado akong may isa o kaya'y tatlong secret quests dito.

THUD! THUD! THUD!

Muntikan na akong mahulog sa aking upuan nang marinig ko ang malalakas na katok mula sa labas. Ibinaba ko ang aking headset at sumilip sa pinto.

Nakikita ko mismo si Franco na lumalakad sa harapan nito. What is he doing?

Binuksan ko ang pinto at binigyan niya kaagad ako ng matatalim na paningin.

"Kanina na ako kumakatok dito ha! Magparamdam ka naman!" Sigaw niya kaagad sa akin na parang siya pa ang parent ko, sabay hila sa aking t-shirt.

At saka, gabing-gabi na tapos sumisigaw siya jan. If the neighbors will wake up, ako ang sisisihin.

"Anyway, nag-aalala si Clarissa sa 'yo. Ilang araw ka nang nagmumukmok jan sa apartment mo," dagdag pa niya. "Magpalit ka jan. Ililibre kita."

Wala naman akong choice kung hindi sundin siya. It's free dinner so who's gonna decline?

At saka, kung hindi ko tanggapin, baka mag-alala pa ang asawa niya. Di naman kami close, pero ganun talaga siya sa mga ibang tao. Nakakahiya tuloy kasi mas matanda pa ako.

Sinuot ko lang ang aking jacket at lumabas na kaagad. Agad niya akong binigyan ng judgemental look. Don't care. Gabi naman, no one's gonna stare at us.

Hinatid niya ako sa malapit na convenience store. Kumuha ako ng napakaraming pagkain kagaya ng cup noodles at meal pack, at alak. Lumabas kami at humanap ng upuan.

Tahimik lamang akong kumakain habang umiinom naman si Franco mula sa kanyang biniling juice. Too bad, may beer diet siya kaya hindi siya nakakainom.

"Wala pa ring official na mag-inherit ng kumpanya dahil hindi pa rin naming nakikita ang kanyang will. Some even say that he doesn't have one..." pagsisimula niya sa kanyang tsismis. Seriously, di ko alam kung nagtatrabaho pa ba siya o nagtsitsismis lang.

"Temporary head muna ngayon si Roderick, but something's off about him now," dagdag pa niya. "May mga plano siya sa Mythical Fantasy na hindi namin alam ang dahilan."

  "Posibleng gagawin niyang money-making machine ang game. And I can't let that."

So pagkatapos mamatay ni Arthur, nagkakaroon na ng gulo sa company niya. Pero ang tito niya mismo ang sumuporta sa kanyang desisyon na maging game developer. So I can't really say that I don't understand his decisions.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fyranhelm: Sage's Resentment [Mythical Fantasy]Where stories live. Discover now