Chapter 3: Spider Cave

3 0 0
                                    

[Acraine] on the media. Art by Jiwon Kim in Art Station.

---

Pumasok na kami sa dungeon. Nagsimula na silang maglakad sa loob ng kweba. Habang naglalakad kami, inaayos ko ang aking mga skill at ang aking mga potion in case mamatay ako.

If I remember, ang pinakaunang dungeon boss dito sa game ay hindi madaling talunin.

And that's because the boss... has a final form. Once na malapit na maubos ang kanyang hp, mas lalakas pa siya. Ginawa ito dahil sa mabilisang paglakas ng mga player. In exchange for us to get stronger fast, the boss will also get stronger.

I'll just hope that my teammates knew about it and had a plan to get through it. Nakalagay naman ito sa guide, at dahil sikat ang game, I'm sure may mga video tutorial jan.

Habang naglalakad kami sa tunnel, nagkakaroon na ng mga spider webs sa daan at nakakasalubong rin kami ng mga monster, karamihan ay ang mga cave spider.

Habang busy sila sa pagpatay, kinukuha ko ang kanilang drops. Sayang naman eh.

Nakarating kami sa isang malawak na cave chamber na mayroong kumikinang na mga bato. Mas marami ang mga web dito kesa sa tunnel section ng dungeon.

As far as I remember, this is not the boss room. May mahaharap pa kaming mga delikadong monster bago namin makita ang boss.

Biglang lumabas ang apat na malalaking cave spider na may pulang mga sungay sa kanilang ulo. Ang tawag sa kanila ay [Cave Spider Elite].

Gagamitin ko sana ang Determination na skill nang agad silang gumalaw papalayo sa akin. Bibigyan ko sana sila ng buff, but I guess they don't need that.

Tumakbo sa harapan ng elites si Zaide kaya sumunod ako sa kanya. For now, kailangan kong i-support ang tank.

I think it's a common knowledge among players, at ganun rin naman ginagawa ni Shin. Siya kasi ang healer namin dati.

Kami na lang dalawa ang binigyan ko ng buff skill na yun. Their loss, anyway.

Nang makuha na ni Zaide ang aggro ng mga kalaban, dahilan para siya ang atakihin, ginamit ko ang bagong skill ko na Thorn Surge, kung saan isa itong skill attack na dumagdag ng stun damage sa kalaban for a period of time.

Ginamit ko na rin ang bagong skill na Nature's Blessing, kung saan every time aatake ako sa mga elites, ma-heheal ang aking mga kasama.

Except this was still low on level, kagaya ng Revival Rain ko, kaya di masyadong nakikita ang epekto nito. Not to mention, mababa rin ang healing ko.

But still, lumalapit pa rin ang ibang party member ko sa aking healing pool. I suppose it's not gone to waste, then.

"Merlin, heal me!" Sigaw ni Hiro sa kalayuan. The heck is he talking about. Did he expect me to go there just to heal him?

"Sorry, Hiro, kelangan kasi ng tank ang heal eh. Lumapit ka na lang sa amin, heal pool naman ito," sabi ko sa kanya.

"Tch. Naging healer ka pa! Kami na nga ang tumatapos ng kalaban dito!" Sigaw niya, dahilan para umugat ang noo ko.

Fyranhelm: Sage's Resentment [Mythical Fantasy]Where stories live. Discover now