Chapter 1

41 1 0
                                    

"The newly elected Mayor of City of Malabon. The Honorable, Euone Dominic Delgado."

Pumalakpak ang lahat ng nandoon habang dahan-dahan nag lalakad paakyat ng entablado ang bagong halal na alcalde mayor sa bayan ng Malabon. Marahang kumaway ang alkalde sa mga taong nag hihiyawan dahil sa tuwa. Masayang masaya ang mga tao sapagkat na palitan na dating Alkalde na si Domingo Altazar.

Si Domingo Altazar at ang kaniyang pamilya ay nag hari sa Malabon sa loob ng ilang dekada. Maraming haka-haka ang kumakalat na kaya raw ito na talo ay dahil pinarurusahan ng Panginoon dahil sa kasamaang niya sa taong nasasakupan. Kabila-kabilang paniniwala na kinakamkam daw nito ang kaban ng bayan.

"Punyeta! Hindi ko matatanggap ito!" Ani Domingo habang nakatayo sa malayo at pinagmamasdan ang bagong Akalde Mayor na kinakamayan ng mga opisyal.

"Tama na, papa. Alam ninyo na patas lumaban si Euone," Mahinahong sambit ni Angelique.

"Punyeta, Angelique! Pati ikaw naniniwala na patas lumaban ang batang iyon?! Naniniwala ako na ginamit niya ang impluwensiya ng magulang nya!"

"You know the truth, papa. Mas marami ang bantay mo sa bawat baranggay kumpara sa kaniya na dalawa iilan lang ang watcher."

"Peste! Peste!" Galit na Saad ni Domingo. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa bagong alkalde bago sindihan Ang sigarilyo at padabog itong sumakay sa sasakyan.

"Congratulations, Mayor Dominic. Sana pag husayan mo ang pamumuno dito sa ating bayan," Nakangiting sambit ng kaniyang bunsong kapatid na si Diana.

Si Diana ang may hawak ng kasalukuyang titlo ng "Miss Malabon" Kung titingnan mo silang maigi ni Dominic ay hindi maitatangging nananalaytay sa dugo nila ang pagkakapareho. Maging sa hugis almond nilang mga mata, makapal na kilay, matangos na ilong, at hugis puso na labi.

"My pleasure." Yumuko nang marahan si Dominic sa kapatid.

Nawala ang ngiti nito ng mapadaan ang tingin sa kaniyang papa na diretso lang ang tingin sa unahan. Wala itong reaksyon na ikinakunot ng noo ni Dominic. Agad siyang lumapit sa papa.

"Kay tigas ng ulo mo," walang emosyong saad nito gamit ang mahinang boses upang hindi sila marinig ng ibang katabi.

Si Senior Dante Delgado ay isang Senator at may ari ng mga subdivisions sa iba't-ibang panig ng bansa. Siya rin ang nag papatakbo ng kumpanya kung saan ginagawa ang candy na paborito ng masa. Bukod doon, matapobre at walang awa ang senior bagay na isang katotohanan. Wala siyang pakialam kahit anong estado mo sa buhay, kung may kasalanan ka sa kaniya pagbabayaran mo ito at sisiguraduhin mo na hindi na muli magkikita ang landas niyo dahil walang awa niyang ipag-uutos sa tauhan na patayin ka.

"Ganoon pa rin ang sagot ko, papa. Nanalo ako nang hindi ginagamit ang pangalan ng pamilya natin."

"Bastos," Habol pa ng kaniyang papa habang matalim ang tingin sa anak.

Sunod na kinamayan ni Dominic ang kaniyang Mama na tipid ang ngiti nang salubungin ang anak.

"This is your wish, Anak. Be a great leader," Paalala pa nito.

"Salamat, Mama."

Nakangiting tiningnan ni Madam Elena Camaser Delgado ang panganay na anak na ngayo'y isa ng ganap na politiko. Ang Pamilya ni Madam Elena ay pinsan ng kasalukuyang Presidente ng bansa. Ang negosyong umiikot sa kamay niya ay ang sikat na sikat na salon sa metro manila na di kalaunan ay may mga branches na rin sa ibang bansa. She was born with a silver spoon ikaw nga nila. Gusto niyang pakakasalan ng kaniyang dalawang anak ay mula rin sa mayamang pamilya upang mas lalong kumalat at makilala ang pamilya nila.

Αγάπη μου (Agápi mou)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon