Chapter 4

6 0 0
                                    

"PARA sa kaalaman ng taong nandirito, I run as an independent candidate. Let's just say, my political beliefs doesn't align to the party I wanted to join with. I have my own principles that no one can understand even the other politician. So, I guess, I'm all alone?" Ani Dominic dahilan para tumawa ang mga tao lalo na ng sambitin niya ang huling salita.

Ngayon ang araw kung kailan gaganapin ang una niyang pag bibigay kaalaman sa lahat ng mamamayan ng Malabon. Maging ang mga may katungkulin sa gobyerno ay kailangang dumalo. Halos mapuno ang loob ng Amphitheater dahil sa biglaang pag dagsa ng mga tao. Ang iba bumyahe pa mula sa malayong baranggay ng Malabon upang makinig sa kanilang Alkalde Mayor.

Wala namang mapaglagyan ng saya si Dominic habang inililibot ang paningin sa kabuoan ng lugar. Agad niyang sinenyasan ang sekretarya upang iparating na ipamigay na ang muna ang pa-unang pagkain nang sa gayon ay hindi umalis ang mga tao.

Sandaling umalis si Dominic sa harapan ng entablado. Bumaba siya roon habang nakasuksok ang magkabilang kamay sa bulsa ng pantalon.

"I didn't expect na ganito karaming tao ang pupunta," Bungad na sambit ng ina ni Dominic, Si Madam Elena Delgado.

Ngiti na lamang ang sinagot ni Dominic sa Ina. Ang totoo, hindi niya inaasahan na ganito ang kalalabasan ng pagpupulong niya. Nang mag tama ang mga mata nila ni Senior Dante Delgado, kaniyang ama ay mabilis nitong ibinaling ang paningin sa kabilang lamesa habang nilalagok ang wine.

Sunod na pinuntahan ni Dominic ang kabilang lamesa kung saan naroroon ang mag-amang Altazar na si Angelique at Senior Domingo.

"Akalain mo nga naman. Ganiyan ba mag speech ang isang pinuno ng bayan? Ang panget. Parang nakiki-pag usap ka lang sa kaibigan mo," Pang iinsulto ni Senior Domingo kay Dominic dahilan para mawala ang ngiti ng Alkalde Mayor ngunit agad niya rin itong ibinalik dahil sa mahinang tawanan ng matatandang nandoroon.

"Papa," Suway ni Angelique na hindi naman pinansin ng Senior.

"Speech ko panget?" Nakangising Ani Dominic. "Ganon ho talaga, Senior Domingo. Yung pag speech ko tineterno ko sa dati ninyong pamamalakad... Panget."

Umawang ang mga labi ng mga taong nakarinig sa sinabi ni Dominic. Maging sila Diana, Senior Dante, Madam Elena, at mga taong nandoroon ay gulat na nilingon sila Senior Domingo na ngayo'y namumula na ang mukha dahil sa matinding pag kainis. Padabog na tumayo ang Senior bago umalis sa lugar na iyon.

"Pasensya na po," pag hingi ng paumanhin ni Angelique sa mga tao bago sinundan ang kaniyang papa.

Muling tumuntong ng intablado si Dominic at sinimulan ang pag sasalita. "Karamihan ng nandito ngayon, hindi alam ang pinagmulan ng Malabon, tama? Mayroong dito na lumaki at pinanganak, at mayroong bagong salta. Nakakalungkot lang na hindi niyo manlang alamin kung saan nag mula ang bayan na inyong tinuturing na tahanan. Nandito ako para ihayag sa inyo kung gaano ka-ganda ang lungsod na ito," Saad ni Dominic.

Namatay ang mga ilaw sa kabuoan ng Amphitheater bukod sa maliit na ilaw kung saan nakatuktok sa kinatatayuan ng Alkalde Mayor. Maya-maya pa'y may lumabas na mga larawan sa Malaking TV ng Screen.

Unang larawang ipinakita ay ang kabuoan ng mapa sa kalakhang Maynila kung nasaan ang lokasyon ng Malabon na nakasulat sa pulang kulay.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Αγάπη μου (Agápi mou)Where stories live. Discover now