Chapter 3

9 0 0
                                    

HABANG nag tutupi ng damit si Miyuki na kaniyang nilabhan kahapon, gulat siyang na pa tingin sa basong nalaglag dahil na sagi niya ito nang akmang tatayo para ilagay sa aparador ang damit na tapos niya ng tupiin.

"Malalagot ako nito kay Yumi. Paborito niya pang baso ang na basag ko!"

Kaka-ibang pakiramdam ang kaniyang na dama matapos mailigpit ang bubog na nag mula sa baso. Pakiramdam na tanging ang nanay lang ang nakakaramdam sa tuwing na sa panganib ang anak.

"Miyuki!"

Agad siyang dumungaw sa bintana matapos marinig ang pangalang tinawag. Na kita niya si Julius, hingal na hingal. Kumunot pa ng bahagya ang noo ni Miyuki dahil bakit na sa harapan ng bahay niya ang dating amo na may-ari ng grocery na kaniyang pinag-trabahuan dati.

"Bakit ho, Sir? Ano po ang ginagawa ninyo dito?"

Pinapasok niya sa loob ng bahay ang dating amo. Tagatak ang pawis nito. "M-may na bundol kasi kami na bata. Pinapahanap ng amo ko sino ang nanay. Nakita ko naman itsura niya pero hindi ko sigurado kung siya nga ‘yung batang kasama mo noon papunta sa amin. I-ikaw lang naman kasi ang kilala kong may anak na pangalang y-yumi kaya dit—"

"Ho?! Ano bang sinasabi ninyo? ‘Yung anak ko kasama ni Aling Marissa sa palengke."

"Miyuki!"

Sabay silang lumingon sa pintuan kung saan patakbong pumasok si Aling Marissa na hinihingal.

"H-ho? Bakit ganiyan itsura ninyo?"

"Nawawala si Yumi! Hawak ko lang siya sa kamay pag balik ko wala—"

"Aling Marissa naman," na iiyak na saad ni Miyuki.

"Baka si Yumi ‘yung dinala namin sa hospital," Sabat ni Julius.

"Saang hospital ho? Tara na, Mang Julius. Jusko."

Pikit matang nag dadasal si Miyuki sa hawak na rosaryo habang tinatahak nila ang ospital patungo kung nasaan si Yumi. Tatlong beses pa lang siya kinabahan kapag usaping anak. Una, noong pinanganak niya si yumi. Hindi ito umiiyak kaya dineklara ng doctor na patay na ngunit ng tapikin niya nang paulit-ulit at kantahan ang anak na buhayan siya ng pag-asa matapos marinig ang malakas na iyak nito. Ikalawa, Matapos makatulog si Miyuki nang mahimbing hindi niya na pansin na inaapoy na pala ng lagnat si Yumi na inabot ng tatlong oras sa ganoong sitwasyon na dahilan kung bakit kamuntikan na bawian ng buhay ang bata. Mabuti na lamang maraming tricycle ang namamasada pa kahit alas-tres ng madaling araw kung kaya't laking pasasalamat niya. At ngayon, Si Yumi ay na sa hospital na naman matapos mabunggo ng sasakyan. Tila mauubusan ng hininga si Miyuki kaka-isip kung ano ang kalagayan ng anak, kung nararamdaman ba nito ang sakit ng tusok ng karayom, inaasikaso ba siya sa hospital lalo kapag nalaman na wala silang pera na ipambabayad.

"Matagal pa ba?" Namumuo muli ang luha sa mga mata niya.

"Kinse minutos pa, Miyuki. Binabantayan siya roon ng mga Doctor at nurse."

"Paano mo na sabi ‘yan? Kapag nalaman nilang wala kaming pera sigurado ako na hindi nila asikasuhin si Yumi!"

"Sasagutin nila ang gastos, huwag kang mag alaa—"

"Madali lang sabihin sa ‘yo na huwag akong mag-alala dahil hindi naman Ikaw ang na sa posisyon ko! Hindi mo naman anak Ang nakaratay sa doon sa hospital!" Sigaw pa nito dahilan upang manahimik si Julius.

"Pasensya na. Gagaling rin siya."

Dali-dalimg bumaba ng sasakyan si Miyuki at patakbong tinahak ang daan papasok sa Hospital. Ayaw pa siyang papasukin ng guwardiya dahil sa suot na sanding naninilaw, lumang pedal at tsinelas. Sinenyasan ni Julius ang guwardiya na papasukin si Miyuki.  Agad niyang hinanap kung nasaan ang anak. Akma siyang tatawagin ni Julius para ituro sana kung na saan si yumi ngunit alam niya na Hindi siya papansinin ni Miyuki. Nang makita ni Miyuki si Yumi na tulog sa dulong kwarto ay agad siyang naka-hinga nang maluwang.  Taimtim na nakapikit ang mata ng anak.

Αγάπη μου (Agápi mou)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon