Chapter 9

4 0 0
                                    

Abala ang bawat baranggay sa pag lilinis ng kanilang lugar upang maiwasan ang sakit na dengue na maaaring dumapo sa kanila lalo na sa mga bata. Maging ang maruruming ilog sa bawat lugar ay ipinalinis ng Alkalde Mayor. Habang sa kahabaan ng bawat kalye, mayroong malaking sasakyan ang sunod-sunod na dumadaan na nag lalaman ng iba't-ibang klase ng kagamitan na maaaring makatulong sa mga tao kapag mayroong Disaster ang dumating. Kasama na rito ang tatlong piraso ng bangka para sa baha, Emergency oxygen para sa mga tao, at kung ano-ano pang gamit na makakatulong sa problema.

"Hiring kami sa cashier... Apply ka?" Sambit ni Luna habang hinahanda ang pinggan sa hapag.

Sarado ang pwesto ng tindahan na binabantayan ni Miyuki sa palengke. Kaarawan ng nanay ni Aling Lorie kung kaya't sinabihan niya si Miyuki na huwag munang buksan ang tindahan dahil magiging abala sila sa pag hahanda.

"Kailan pwede mag apply? Mag iipon ako pambili ng cellphone," Sagot naman ni Miyuki.

"Sabay ka na sa akin papunta sa Conception, doon ‘yung parlor."

"Hatid muna natin si Yumi."

Inasikaso ni Miyuki ang anak. Hindi naman mahirap gisingin si Yumi tuwing umaga kung kaya't wala silang magiging problema. Kadalasan sa mga bata nag dadabog kapag ginigising ng mga magulang nila. Maswerte nga sila dahil tanging pag pasok sa paaralan ang gagawin nila dahil naka-handa na ang almusal, plantsadong yuniporme, malinis na sapatos, at mayroon silang baon.

Namili si Luna kagabi ng konting grocery para may almusalin sila. Hindi nag aalmusal si Aling Marissa at Miyuki dahil tinitipid nila ang pagkain. Bukod tanging si Yumi lang ang kumakain ng 3 beses sa loob ng isang araw.

"Mag-aral ka nang mabuti, Anak. Walang away-away, ha?" Bilin pa nito sa bata.

Matapos nilang ihatid si Yumi, sumakay silang jeep patungong trabaho ni Luna. Si Miyuki na Ang nag bayad ng kanilang pamasahe dahil nahihiya ito sa kaibigan. Pinagmasdan ni Miyuki ang mataas, malaki, at malawak na parlor. Hindi ito kagaya ng pipityuging parlos na nadadaanan niya sa palengke. Elegante at halatang mayaman ang may ari.

"Ang may-ari nito ay si Madam Elena Delgado, ang mother earth ng Mayor natin."

Tumango si Miyuki. "Matatanggap kaya ako dito?" Alangang tanong niya matapos makita ang sarili sa salamin ng motor na nakaparadapa sa gilid.

"Me ang bahala sa ‘yo. Maganda ka, ano! Konting bihis lang sa ‘yo pwede ka na mag artista."

"Ewan ko sa ‘yo," natatawang Saad ni Miyuki.

Na unang nag lakad papasok sa loob si Luna habang mababagal naman ang lakad ni Miyuki. Tiningnan siya ng lahat matapos makapasok sa loob.

"Itetch si Luna! Apakatagal! Mabuti na lang hindi ka na abutan ni Madam Elena!" Pabirong hinampas ni Romar ang puwet ni Luna.

Si Romar ang manager ng parlor. Kabilang siya sa LGBTQ. May tatlo itong kalaguyo na pinatira niya sa iisang bahay. Siya ang gumagastos sa lahat. Maging ang pamilya ng tatlong lalaki ay tinutustusan niya ng pera.

"Si Miyuki, Mamita. Kaibigan ko siya na mag apply ng trabaho dito. Hiring sa cashier, ‘di ba?"

"College graduate? Anong degree? Kung nag accounting, Aba'y pasok na pasok sa banga itetch!"

"Mag susukli lang, kailangan may degree," inis na bulong ni Miyuki.

"Wuhuy, babaita! Narinig ko ang sinabi mo. Lahat ng nandito tapos ng kolehiyo. Hindi kami tumatanggap ng walang pinag-aralan."

"Taas naman ho ng standard niyo eh mas maganda pa ata ako gumupit ng buhok kaysa dito," Itinuro pa ni Miyuki ang isang tauhan na abala sa pag gupit ng buhok ng kliyente. Tinuro pa nito ang sarili dahil wala siyang kamuwang-muwang sa sinabi ni Miyuki.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Αγάπη μου (Agápi mou)Where stories live. Discover now