Chapter 2

10 0 0
                                    

Maagang na gising si Miyuki kahit pa ang totoo ay hindi talaga siya nagkaroon ng matiwasay na tulog buong mag damag dahil binabagabag siya ng na kakahiyang pangyayaring iyon, kung saan na kaharap niya ang Alkalde mayor. Bukod pa roon, iniisip niya rin na baka pinahahanap na siya ngayon dahil sa naging asal nya. Katulad ng na papanood niya ay pinapatay ng isang politiko ang taong hindi sila gusto.

"Nanay, kain na po tayo ng almusal. Magandang umaga po."

Agad siyang na palingon sa anak na ngayo'y kakamulat lang ng mata. Nakangiti ito sa kaniya dahilan para sumingkit ang mata at lumabas ang maliit na ngipin.

Sinasabi ng mga taong nakakakita sa kaniya ay pare-pareho lamang... Walang katumbas ang kagandahan ng batang babae. Malagong buhok na animo'y may ginagamit siya rito upang maging makintab, Kilay na akala mo'y pinagawa, mga matang singkit, matangos na ilong, makapal ang na sa itaas na labi habang kasing nipis naman ng sinulid ang pang ibabang labi niya,  at ang huli sa lahat ay ang kaniyang kutis na aakalain mong anak ng isang kano.

"Anong pagkain ang gusto mo, Anak?"

"Kahit ano pong nakaka-busog, nanay."

Tumango si Miyuki sa anak. Sinimulan nilang mag ina na tupiin ang kumot at pinag patong-patong ang tatlong unan. Pinagpagan niya ang banig na butas-butas. Tinahi niya lang ito para pakinabangan pa.

Sa isang skwater area sila nanirahan ng kaniyang anak dahil sa mahal ng upa. Gustuhin man ni Miyuki  na sa magandang lugar niya dalhin ang anak ngunit alam niya sa sarili na malabo ang bagay na iyon. Hindi niya nga alam kung saan kukuha ng pagkain at pang gastos nila sa araw-araw, mag bayad pa kaya ng renta?

Nakikitira lamang sila kay aling Marisa. Nakilala siya ni Miyuki sa barkong pareho nilang sinasakyan papuntang maynila. Nilason ang pamilya ni Aling Marisa at siya na lamang ang na tira, pinili niyang umalis sa lugar na iyon upang hindi na lalong damdamin ang pangyayari. Tinulungan siya ni Miyuki nang nakawin ng isang lalaki ang bagahe niya. Kahit pa buntis ito, hindi niya iyon naging hadlang para tulungan ang ale. Nang maibalik ni Miyuki ang bagahe kay Aling Marisa ay hindi siya nag atubiling tulungan ito. Si Aling Marisa na ang tumayong nanay ni Miyuki simula nang manirahan sila sa isang bahay. Maging sa panganganak nito ay siya ang gumastos kaya malaki ang utang na loob ni Miyuki sa kaniya. Ngayong medyo may katandaan na si Aling Marisa si Miyuki ang gumagastos sa kanilang tatlo.

"Saan si Lola?" Takang tanong nito sa anak na inosenteng nakatitig sa kaniya. "Bakit ganiyan ka naman makatitig, Anak. May dumi ba si nanay sa mukha?"

Agad umiling ang bata. "Wala po, nanay. Kay ganda niyo pala."

Ngumiti si Miyuki sa anak. "Ikaw talaga. Mag papabili ka lang ng pandesal kaya inuuto mo ako. Oh, siya tara na at hanapin natin si Lola Marisa para mailibre ko ng pagkain. Itong Lola mo talaga ang aga-aga na sa labas."

Habang nag lalakad silang dalawa sa masikip na eskinita, agad na kumunot ang noo ni Miyuki dahil sa mga batang nag tatakbuhan habang dala-dala ang mga mangkok papuntang court.

"Tatlong order nga po ng champorado. Padagdag din po ng dos na gatas bawat isa."

"Naku, wala ng mura ngayon. Wala ng dos na gatas, hija. Kung gusto mo ng sobrang gatas bumili ka!" Inis na sambit ng tindera sa kaniya.

"Huwag kahong sumigaw baka walang bumili sa inyo," nginiti ni Miyuki. "Bata at matanda naman ho ang kakain at senior citiz—"

"Wala akong pakialam! Konti na nga lang ang tubo ko rito tapos tatawaran mo pa? Anak kasi nang anak. Kung wala kang pambuhay sa anak mo huwag kang mag anak. Dinadamay mo pa ako. Kung walang makain anak mo, aba, pumasok ka sa bar at mag pokpok nang hindi mo tinatawaran paninda ko. Mga babaeng ito. Ganito na ba uso ngayon? Mga batang nag papabuntis nang maaga akala kaya ang agos sa buhay tapos pabigat lang sa magulang!"

Αγάπη μου (Agápi mou)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang