Chapter 8

5 0 0
                                    

NGAYON ang araw kung kailan pupuntahan ni Dominic ang bawat baranggay sa unang distrikto. Maaga silang gumayak upang magkaroon ng sapat na oras para isa-isang ilagay sa tatlong truck ang relief goods na kanilang ipapamigay sa bawat pamilya. Na una ang iba niyang tauhan patungo sa iba't-ibang baranggay ng unang distrikto. Isa-isa namang lilibutin ni Dominic iyon upang tingnan kung sapat ba ang ininibigay nila, kung magiliw ba sila sa mga tao, at kung pantay-pantay ba ang nakukuha nilang ayuda. Gustong kompirmahin ni Dominic kung totoo nga ba ang nakakarating sa kaniyang balita na hindi pantay ang trato ng mga tauhan niya sa City hall.

Alas-otso sila na nakarating sa Baritan, Malabon City. Ito ang unang Baranggay na kanilang titingnan. Bawat baranggay mayroong dalawang grupo ang na ngangalaga. Isa sa covered court, at huling grupo naman ay nakatoka sa paaralang elementarya.

Bawat baranggay na pinupuntahan ni Dominic, masigabong palakpakan ang kaniyang na tatangal mula sa mga nakatira roon. Maging ang ngiti ng bawat isa ay siyang nag papatunaw sa kaniyang puso't damdamin. Isabay pa ang ilang yumayakap sa kaniya na madarama mo ang labis na pasasalamat ng mga ito. Hindi naman mag kamayaw ang mga bata nang dumating si Dominic sa kanilang paaralan.

"Mayor! Mayor!" Sabay-sabay na sambit nila na sinabayan pa ng palakpakan.

"Tahimik na," Natatawang sambit ni Dominic habang nakatayo sa unahan. "Gusto niyo ba ng bagong gamit pang aral?"

"Opo!"

"Kung gusto niyo ng ganoon, kapag sinabi ng mga teachers niyo na tumahimik, susundin ninyo, maliwanag ba?"

"Opo!"

Sinenyasan niya si Mang Julius na ipamigay ang school bags na mayroong nilalaman na lapis, tatlong pad ng papel base sa kanilang baitang, pambura, notebooks at kung ano-ano pa na kanilang magagamit sa kanilang pag - aaral.

Pinanood ni Dominic ang mga batang nag uunahan sa pila habang nilalagok niya ang boteng may laman na tubig.

"Anong sunod na Baranggay?"

"Panghulo, Mayor. Hindi na natin na puntahan ang Maysilo pero maayos naman ang execution nila doon," Sagot ng kaniyang sekretarya.

Mag aalas-onse ng umaga nang makarating sila sa huling Baranggay na kanilang pupuntahan. Nadatnan niya roon ang iilang bata na pauwi na habang bitbit nga mga ito ang ipinamigay nilang regalo.

Habang sinisipat ni Dominic ang kabuoan ng paaralan, na kita niyang naka-pila si Yumi. Nakangiti itong nakiki-pag kwentuhan sa kaklase.

"Yumi," Ani Dominic.

"Po? Ano pong ginagawa niyo rito?" Takang tanong sa kaniya ng bata.

"Mayor! Si Mayor!" Masayang tawag ng mga bata na pinalibutan pa si Dominic.

"Huwag niyo masiyadong kuyugin si Mayor, mga bata," Suway ng teacher. "Baka masira ang damit ni Mayor. Mahal iyan, may pambayad ba kayo?"

"Wala po," sabay-sabay na sagot nila bago muling bumalik sa pila.

Nang tingnan niya si Yumi, gulat itong nakatitig sa kaniya na ikinatawa naman ni Dominic. Naalala niyang ganoon rin ang titig na ibinigay sa kaniya ni Miyuki noong na huli niya itong sinisigawan ang kaniyang litrato.

"Mag nanay nga talaga kayo," natatawang ni Dominic.

"Ibig pong sabihin kayo ang namin?"

"Hmm," tango-tango niyang sagot.

"Kaya po pala iba-iba ang itsura ninyo kapag na kikita po namin kayo ni Nanay. Hulaan ko po, Para hindi po kayo makilala ng ibang tao?"

"Tama, Yumi! Ang talino mo naman. Ilang taon ka na ba?"

Αγάπη μου (Agápi mou)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon