Chapter 6

5 0 0
                                    

"ANO sa tingin mo ang ginagawa mo, Euone?" Seryosong tanong ni Senior Dante.

"Ipapakulong ko na lang sila, papa. Huwag ninyong patayin ang mga taong ‘yon."

Dalawang araw ang nakalipas nang ipag tapat ni Miyuki kay Dominic ang narinig at nasaksihan niya. Hindi makapaniwala ang Alkalde Mayor sa na gawa ng dalawang guwardiya sa kaniya. Sinubukan pang mag palusot ng dalawang guwardiya ngunit nang hamunin sila ni Miyuki na kung walang lason ang juice ay inumin nila ito bagay na hindi ginawa ng guwardiya kung kaya nalaman nila na may lason nga matapos ipatingin sa eksperto.

"Hindi ka pa tumatagal sa serbisyo, gusto ka ng ipapatay. I'm sure hindi lang sila basta galit sa ‘yo, may malaking tao ang na sa likod ng ginawa sa ‘yo, Euone."

"Pina-check ko na ang background nila. Sigurado ako na dala lang iyon ng galit na nararamdaman nila dahil sa ginawa kong pag tanggol kay Miyu—"

"Dahil sa babae?" Ang kaninang Seryosong reaksyon ng Senior ay na palitan ng pag kunot ng noo.

"Dahil sa isang taong nilait nila," pag tatama naman ni Dominic.

"Ako na ang kikilos. Masyadong mataas ang pangarap mo para sa sirang lungsod na ito, Euone. Kahit anong bait mo sa kanila, maniwala ka sa akin... Hindi nila pang hahawakan ‘yon sa oras na magkamali ka."

"Hanggang diyan lang kayo, papa. Ako ang Mayor dito kaya ako ang gagawa ng paraan. Gulo ko, aayusin ko. Gusot nila, itatama ko. Kapag may na gawang pagkakamali, Batas ang siyang kikilos hindi ang karumihan ng kamay ng makapangyarihang tao para gamitan sila ng dahas. Hindi ang kamatayan ng isang tao ang sagot sa lahat. Pantay na karapatan, papa. Sana pakatandaan niyo iyan," Makahulugang sambit ni Dominic sa ama. Na iwang mag-isa si Senior Dante na hindi na maipinta ang mukha dahil sa mga binitawang salita ng anak

Agad na dumiretso si Dominic sa kaniyang opisina pag-uwi ng bahay.  Bukod sa kaniyang kuwarto, Ang opisana  sa bahay ang takbuhan niya kapag may kinakaharap na problema. Idagdag pa na maaliwalas sa mata ang kabuoan ng paligid. Pinturang puti, mga gamit na kulay mint green kung saan simbolo ng kaginhawaan at kaliwanagan bagay na hinahanap-hanap ni Dominic.

Hindi siya naka-tulog buong kaya mababakas sa mata itsura ang pagod. Napanaginipan na naman niya ang babaeng gumugulo sa panaginip na animo'y humihingi ng hustisya.

"Kailangan ko na ba ng albolaryo?" Aniya sa sarili na agad niya rin ikina-iling. "Dala lang siguro puyat ito."

Naka-suot siya ng ternong pantulog na kulay puti. Para kay Dominic ang kulay na maliwanag ay rume-representa sa kapanatagan ng isipan. Kinuha niya ang lapis at papel at isinulat ang araw-araw niyang dapat ginagawa para sa kaniyang sarili. Hindi niya na ito na tutukan mag mula ng maging abala siya sa pangungompanya.

Morning Routine.

Gumising ng umaga. (5 am)

Uminom ng gatas.  (5:30 am)

Saglit na ehersisyo. (6 am)

Maligo. (Skincare, body care, at pag-aayos para maka-pasok sa opisina. 6:00-7:00am)

Breakfast. ( 7:00- 7:30 am)

Afternoon Routine.

Lunch break. (12:00 nn - 1pm)

Work. (Office and fields all around. Isama ang oras noong morning routine na 8 to 11:59. Start again 1:01 pm to 6 pm)

Evening Routine.

At home by ( 7:30 pm)

Αγάπη μου (Agápi mou)Where stories live. Discover now